"So far so good, sa initial reading ng mga scans mo mukhang wala namang dapat ikahabahala pero malalaman pa natin later this afternoon yung sa blood test mo. Nag aalala ka ba?" Tanong ni Colin kay Ashley habang hinihintay nila ang order nilang pagkain for lunch.
"Kunti pero hindi naman masyado. Maliban sa panghihina , wala naman akong ibang nararamdaman" Sagot ni Ashley.
"Why look worried then? Kanina ko pa napapansin na parang may iniiisip ka. May problema ka ba?"
"Ewan ko ba. Nag aalala ako kay Gerald.Ilang beses na niyang binanggit ang kasal. Kunwari hindi ko pinapansin pero hindi ko naman pwedeng lagi na lang dedmahin."
"Bakit naman kasi kailangan mong dedmahin? Di ba yan ang pangarap ng halos lahat ng babae , ang yayaing pakasalan ng lalaking mahal nila. Mahal mo naman si Gerald di ba?"
"Mahal na mahal. Kaya nga nag aalala para sa kanya. I want him to have a normal life, a normal family life. Hindi yung kagaya ng nararamdaman ko ngayon. One moment, ang saya saya pero pag ako na lang, naiisip ko yung mga posibleng mangyari. He is such a great person.He deserves better than what I can offer."
"Hayan ka na naman. Pwede ba girl, tigilan mo na yan. He loves you , you love him. Enjoy the feeling. You told him your condition and he said he will be with you all the way. End of story."
"Pwede namang hindi kami pakasal di ba? Pwede namang we just enjoy what we have, hindi naman kailangang pakasal pa kami."
"Eh bakit ba ayaw mong pakasal , naiiba ka din naman. Hindi mo ba alam kung gaano kadaming babae ang nangangarap na masulyapan at mangitian lang ng boyfriend mo. Ikaw , niyayaya ng kasal, ayaw?"
"Ayaw ko siyang matali sa akin. Ayaw kong maging pabigat sa kanya. Magiging mas madali para sa aming dalawa kung hindi kami kasal."
"What you mean? Paki explain nga ng klaro , hindi ko talaga maintindinhan."
"Pwede naman kaming magsama ng walang kasal. Madali na lang ang maghiwalay in case na bumalik ang cancer ko , will just find a reason para magkahiwalay kami and I will go back to the US."
"Ewan ko saiyo , kumain ka na nga lang. Kahit anong paliwanag ko saiyo , hindi ka naman nakikinig. " Frustrated ng sabi ni Colin. Inayos ang mga pagkaing inorder nila.
"Grabe ka namang umorder ng pagkain. Parang sampung lalaki ang kakain sa dami nito. Lunch lang ba to?"
"Hindi ako maka decide kung ano gusto kong ipatikim saiyo. Masarap lahat yan, di isa isahin mong tikman, ipapabalot na lang natin yung hindi natin makain."
"Excited na ako, darating na bukas si Jase." Kinindatan si Colin.
"Ako naman kinakabahan. Paano kung hindi kami mag click sa isat isa. "
"I am sure you will like each other kahit magkaibigan lang. Sa umpisa for sure magkaka ilangan kayo pero makikita ninyo na halos pareho kayo ng ugali."
"Talaga? Sana nga , sa mga kwento mo tungkol sa kanya, he seems to be a great guy."
"He is!! Ano sama ka sa amin sa pamamasyal? We planned to go to Cebu, Davao, Bohol , Palawan, Boracay."
"Sa ilan siguro pero hindi sa lahat ng pupuntahan ninyo. Si Gerald , sasama din?"
"Hindi siguro, busy sa trabaho niya eh.
Kung saan saan na lang napunta ang usapan nila. From cancer to chismisan lang...
Samantala nag uusap naman si Gerald at ang handler nito.
"Bakit ba naman ang hirap hirap mo ng ma contact. Mukhang laging naka off ang cell phone mo lately. Bakit ba ha? Muntik ko ng isipin na iniiwasan mo ako"