Nang narating namin ang condo ni Drix, sobrang namangha ako kasi hindi lang dahil malaki. Kundi dahil napakalinis.
Maalaga talaga siya sa mga bagay na importante sa kanya.
Napabaling na naman ang mga mata ko sa portrait painting ko na nasa sala. Malaki iyon at ako iyong nahihiya dahil ano nalang ang sasabihin ng iba kung may pupunta na mga bisita niya rito?
Napaiwas ako nang tingin kasi naisip ko na naman siya.
"P-Punta muna ako sa kwarto ni Drix." Sabi ko sa kanila ni Janeth
Napabaling si Martin sakin.
"Yung kwarto niya Hez, turn right ka lang pag naka akyat ka na. Sa kanya lang yung room na nandoon." Paliwanag niya
Tumango ako.
"Thanks" sabi ko
Inakyat ko agad ang pangalawang palapag. At nailibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng condo unit niya.
Nang patungo na ako sa kwarto niya, laglag panga kong tiningnan ang mga nasa picture frames na ngayon ay naka dikit sa wall patungong kwarto niya.
It's our pictures!
Yung mga pictures namin sa lugar ng La Costelle....
Inisa isa kong hinawakan 'yon at mabigat sa dibdib ang naramdaman ko ngayon.
Tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"I miss you" yan yung mga salitang gusto kong marinig niya ng paulit-ulit.
Naitikom ko ang bibig ko kasi ayokong humagolhol at maka disturbo sa kanilang dalawa ni Janeth at Martin.
Papalapit na ako sa kwarto ni Drix at nang nakalapit na ay agad kong binuksan iyon gamit ang susi na ibinigay ng Tito niya sakin kanina.
Pagbukas ko ng kwarto ay agad kong nalanghap ang amoy ng kwarto niya. Binuksan ko ang ilaw at talagang ang bango at ang linis.
Nakita kong naka arrange lahat ang mga gamit niya.
Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto at namangha ako.
Pumunta ako sa kama niya at humiga roon. Tumagilid ako at nakikita ko na ngayon ang City lights sa window ng condo niya.
"Ang ganda" naiusal ko.
"Pero mas maganda kung nandito ka ngayon kasama ko, Drix" dagdag ko.
Ang lungkot pala. Ang lungkot kasi yung kaisa-isang taong nagpasaya sakin, nakahiga na ngayon sa kama ng hospital dahil may dala-dalang sakit.
Ang lungkot kasi yung tao na 'yon, siya mismo ang nagpapa lungkot din mismo sakin ngayon.
Naipikit ko ang aking mga mata dahil sa nagbabadya na namang mga luha.
Nang ipinikit ko ang aking mga mata, inalala kong muli ang mga panahon kung saan ko siya unang nakita at nakilala.
Ang mga panahon na masaya pa kami sa isa't isa. Ang mga panahong walang problema. Ang mga panahon na ipinaparamdam niya pa sakin na mahal niya ako.
Dumilat ako dahil sa huling inisip ko. Hindi Hez, mahal ka parin naman niya. Mahal ka niya. Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.
Matagal bago ako nakatulog dahil sa mga bumabagabag sa isipan ko.
Kinaumagahan nagising ako nang alas otso at agaran akong naligo at nag-ayos bago bumaba. Buti nalang naisipan pa naming umuwi ni Janeth sa bahay para makapag dala ng damit bago lumuwas ng Maynila.
Kung hindi aba'y magkaka problema pa talaga kami sa mga damit na susuotin namin.
Bago ako bumaba, napatingin ako sa isang medjo kalakihang room na may iba't ibang damit, relos at iba pang gamit ni Drix.
BINABASA MO ANG
LA COSTELLE (COMPLETED)
General FictionMinsan may mga taong bulag sa Pag-ibig. Minsan may mga taong matigas pagdating sa Pag-ibig. Pero minsan, may mga taong naiintindihan kung ano nga ba talaga ang Pag-ibig. Desisyon, Tiwala at Sakripisyo. Pero isa lang sa mga iyan ang mas mananaig pagd...