Chapter 2

23 8 4
                                    

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Kasi kahit na sabihin pa natin ngayon na may itsurang "Gwapo" itong bakulaw nato, eh hindi naman naaalis sa utak ko na masama ang ugali niya.

Kung hindi niya lang sana ako binadtrip kanina eh di sana, all package na siya. Tsk. Mabibilang nalang talaga ang mga matitino rito sa mundong 'to.

Anyway, nag focused nalang ako sa mga sinasabi ng head namin. At noong si Sir William na ang magsasalita, ang kaninay medjo maingay biglang tumahimik.

"Good morning Everyone!" Aniya

We greeted him also. He smiled and continued.

"Alam kong may iba sa inyo na nagtatanong kung nasaan kami ni Charlotte.. Almost two months kaming nawala kasi may importante kaming lakad sa Manila and we went to America. Kahapon pa kami nakauwi." Paliwanag niya

We nodded and I understand naman bakit sila busy. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit nag papaliwanag siya ngayon sa amin.

Kasi hindi naman talaga nag papaliwanag si Sir William sa amin, ngayon pa lang. Ibinaling ko ang tingin ko sa bakulaw na parang kanina pa ako tinitingnan.

Langya. Ano bang problema ng mokong na 'to?

"The reason why we went to America is because of this person." Sabi ni Sir William na tinapik niya ng bahagya ang braso ni bakulaw at tumawa.

Tumawa rin ng bahagya si bakulaw at naka taas ang isang kilay na nakatingin sa akin.

"Alam kong ang iba sa inyo ay kilala ang kapatid kong si Hendrixon" Ibinalik ko ang tingin kay Sir William dahil sa sinabi niyang yon.

He smiled at us and some of the staff/crew na matagal na rito ay tumango tango. Ngayon ko lang talaga alam na may kapatid pala si Sir William.

"Akalain mo yon? Hindi ko alam yon ah?" Chismosang Janeth

"Manahimik ka nalang diyan." Sagot ko sa kanya na bahagya pang umismid sa sinabi ko

"This young man right here" turo niya sa bakulaw

"Is the son of my brother.. He is Jay Drix Del Campo" dagdag niya!

WHAT!? Weh? Di nga!?
I can't believe it!!!

Tumayo yong bakulaw, este si Jay Drix at tumango tango sa mga nagpapalakpakan. Hindi ko alam bakit pinalakpakan pero wala na akong paki riyan.

"Simula ngayon, dito muna siya magbabakasyon sa La Costelle at sabi niya'y tutulongan niya rin akong patakbuhin itong Resort na 'to."
He smiled to Jay Drix and continued.

"All around ang magiging trabaho niya sa resort na 'to and it's up to him saan niya gustong mag trabaho since he wants also to experience some things he never experienced yet." Dagdag niya

Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na napakinggan masyado kasi bumagabag na sakin yong Jay Drix na yon.

Akalain mong pamangkin pala ni Sir William? Wow! What a small world.

Ilang minuto'y natapos rin ang pagtitipon na yon at nang nakalabas na kami sa hall ay saka naman umingay si Janeth.

"Uy giiiirl! Si Pogi rito daw mag tatrabahoooo!" Gigil na sigaw ni Janeth sa tainga ko

"Aray naman! Ang sakit ha! Kung makasigaw ka naman!" Bahagyang inis na sabi ko. Langya ang sakit sa tainga.

"Eh sorry naman! Kasi naman po, ang pogi ng pamangkin ni Sir William! Tapos, dito pa magtatrabaho. Ahhh!!" Malakas na sigaw niya na binalingan talaga siya ng mga kasama namin.

"Hindi ka type non Janeth. Kung ako pa sayo, pipiliin ko nalang yong ka level ko ng mukha. In short sakin ka nalang" Sabi ni RJ na isang waiter dito.

LA COSTELLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon