Chapter 1

38 8 4
                                    

Nagising ako sa isang panibagong araw. Bumangon ako, tumunghay sa bintana at pinagmasdan ang langit. Alas sais pa lang pero mainit na masyado. Tumingala ako at pumikit. Sininghot ko ang preskong hangin dito sa amin.

Presko. Mapayapa. At syempre maganda talaga ang lugar na ito.
Hindi man ito City, pero alam kong magugustohan ng maraming mga bakasyonista.

Natigil ako sa pagmuni-muni ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si mama.

"Anak, kumain na tayo" sabi niya

"Opo, saglit lang po"

Tumango siya at sinarado ko na ang pinto.

Inayos ko muna yung higaan ko, nag hilamos ng mukha at nag prepare ako ng mga susuotin ko mamaya para sa trabaho ko.

Oo. Nag tatrabaho na ako. Mag thi-third year na sana ako sa kolehiyo pero dahil wala kaming pera, huminto muna ako sa pag-aaral.

Mag iipon muna ako ng pera para makapag tapos ng kolehiyo at para matulongan ko rin ang mga magulang ko.

Dating jeepney driver yung Papa ko, na stroke siya kaya hindi siya nakapag trabaho.

Isang labandera lang din yung Mama ko at may sarili kaming maliit na tindahan dito sa aming bahay.

Kapatid ko lagi yung naiiwan dito sa bahay at siya yung taga bantay sa tindahan namin at taga bantay kay Papa kung wala si Mama.

Pagkatapos noon ay bumaba na ako at sabay-sabay na kaming kumain ng agahan.

"Anong oras ka papasok sa trabaho mo, Ate?" Sabi ni Chylus, kapatid ko.

"Mga 8am, maaga kami dapat doon sabi ng Supervisor namin kasi summer. Maraming mga bakasyonista ang darating panigurado!" Sabi ko sa kanya.

"Okay ka lang ba riyan sa trabaho mo, anak?" Sabat ni Papa.

Ngumisi ako.

"Walang hindi okay sa akin Pa. Alam mo yan"

"Pasensya kana, Hez" sabat naman ni Mama

Nagsasalita pa lang siya, umiiling na ako.

"Pa, Ma.. Wag kayong mag alala, kaya ko ito. Makakapag ipon din ako ng pera at hayaan ninyo akong tumulong muna sa inyo."

Tumingin si Papa sakin at ngumisi ng bahagya.

"Salamat, anak"
"Walang problema, Pa" sabi ko

Pagkatapos naming kumain, nag handa na ako.. Naligo, nag toothbrush, nag bihis at nag ayos sa sarili.

Alas syiete e medja na noong natapos ako.. Bumaba ako at nag paalam na ako sa mga magulang at kapatid ko.

"Mag iingat ka, anak" sabi ni Papa

"Opo, Pa. Alis na po ako, Ma." Sabay tingin ko kay Mama

Tumango lang sila at dumiretso na ako sa kalsada para mag lakad.

Nag lalakad lang talaga ako araw-araw para iwas sa budget. Nag iipon eh. Kailangan ko ng pera.

Mga 10minutes lang naman kung lalakarin mula sa amin hanggang sa resort na tinatrabahohan ko.

Nag lalakad ako nang may malaking kotseng kumaripas ng takbo sa gilid ko.

Para akong aatakihin sa puso ng konti nalang at masasagasaan na niya talaga ako!

Huminto iyong kotse malapit sa akin. Binaba niya yung bintana ng sasakyan niya at tinanaw niya ako mula sa kinauupoan niya, nakita ko sa side mirror ng kotse niyang ngumisi siya sakin nang naka taas ang isang kilay.

LA COSTELLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon