Chapter 20

14 1 0
                                    

This is the last Chapter of La Costelle. After this will be the Epilogue. Thank you so much to all my readers! :) Love u all.

_

Pagkatapos ng usapan namin na iyon ni Drix, hinayaan ko na muna siyang magpahinga.

Ilang oras din ako roon sa tabi ni Drix at nang nilamig na ay nag desisyon muna akong sa labas muna ng ICU mag bantay.

Palabas na ako ng ICU nang nakita ko si Doc Jethro. Nagkatinginan kami at nauna akong ngumiti.

"Hi Doc!" Bati ko

Tumango siya at ngumiti.

"Hello. Kamusta?" Aniya

Nasa labas na kami pareho ni Doc at tinitingnan si Drix.

"I'm okay.. Kailangan kong maging okay para sa kanya." Then I smiled at him.

Binalingan niya ako.

"You should. Dahil ikaw lang din ang lakas niya para labanan ang matinding karamdaman niya." Aniya

Nang sabihin niya iyon para akong sinaksak ng paulit-ulit. Masakit isiping nilalabanan niya talaga iyong sakit niya.

Tumulo bigla iyong luha ko kaya agad kong pinunasan.

"Wag kang umiyak" he said

"Baka ano pa sabihin ni Drix. Baka isipin niyang pinapaiyak kita" dagdag niya

Natawa kami pareho at naibaling ko agad ang atensyon ko sa taong nasa loob ng ICU.

Di ko nakitang kanina niya pa pala kami tinatanaw rito sa labas. Gising na pala siya.

Kinawayan ko siya at nginitian.

Pero agad nahilaw yung ngiti kong iyon ng talikuran niya kaming dalawa ni Doc Jethro.

"Uh Oh!" Si Doc Jethro

Napabaling ako sa kanya.

"Puntahan mo" sabi niya at tinalikuran na rin niya ako at umalis.

Ibinalik ko agad ang mga paningin ko kay Drix. Anong problema? Teka, kanina ayos na naman kami ah?

Kaya naman pinuntahan ko siya sa loob para malapitan at makausap.

"Hey"

"What?" Aniya ng nakatagilid pa rin.

Hinawakan ko ang braso niya.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko

Hinarap niya na ako ngayon dahil sa tanong kong iyon.

"Gano'n na ba kayo ka close ni Jethro?" Tanong niya.

My jaw dropped at napakurap-kurap ako.

Ilang sandali rin ay natawa ako.

"What? No. I mean, we're not close to each other. May pinag-usapan lang kami." Paliwanag ko

Umirap siya sakin kaya natawa ulit ako.

"Are you jealous?" Tanong ko

Siya naman ngayon ang napakurap-kurap.

"O-Of c-course!" Nautal siya

I smiled at him and assured him.

"Wag kang mag-alala. Ikaw lang naman ang nandito sa puso ko" saka iginiya ko ang hintuturo niya sa puso kong tumitibok.

Napaiwas siya ng tingin saka bumuntong hininga.

"I'm sorry" aniya

Napatingin ako sa kanya.

LA COSTELLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon