Pumasok na ako sa restaurant nang nakita ko sa may counter si Janeth. Tiningnan niya ako nang papalapit na ako sa kanya.
Naka taas ang isang kilay niyang kumikibot ang labi.
"Masaya umaga natin ngayon ah?" Panimula niya na naka taas pa rin ang isang kilay niya.
"Tapatin mo nga ako Hezdrina Shem Corpuz." Dagdag niya
Nagka salubong ang kilay ko dahil sa walang kwentang sinasabi niya.
"Ano ba 'yon?" Tanong ko
"Wooow! Anong ano ba 'yon? Bakit ako ang tinatanong mo? Hoy babae! Sabihin mo nga sakin, may relasyon ba kayo ni Pogi?" Walang prenong tanong niya
Namilog ang mga mata ko dahil sa tanong niyang yon! Tinakpan ko ang bunganga niya dahil baka may makarinig sa sinasabi niyang walang kwenta.
Tiningnan ko pa muna ang kinatatayuan namin dahil baka may nakarinig talaga. Buti naman at wala.
Binatukan ko na siya bago pa siya makawala sakin.
"Aray!" Reklamo niya
"Hoy ikaw babae ka! Eksplenasyon mo lang hinihingi ko, may kasama pa talagang batok? Bwesit ka!" dagdag niya pa
Pinandilatan ko nalang siya ng mga mata at natahimik naman siya.
"Nakita niya kasi ako kanina na naglalakad papunta rito at sabi niya'y ihahatid nalang daw niya ako since parihas naman kami ng pupuntahan." Paliwanag ko
Tumango-tango naman siya.
"Ok na? Pwede na ba akong pumasok at mag ayos sandali?" Dagdag ko
"O sige na. Mag ayos ka ng mabuti dahil dito yon satin mag ta-trabaho." Aniya
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano?" Tanong ko kasi hindi ko siya maintindihan.
"Si Pogi"
"Anong si Pogi?" Nagtataka ko talagang tanong sa kanya.
Huminga pa muna siya na para bang hindi ako matinong kausap. Tsaka niya ipinaliwanag.
"E kasi nga po, dito muna raw sa restaurant siya mag ta-trabaho. Kasi gusto raw niyang ma experience yung mga trabaho na hindi niya pa nagagawa." Paliwanag niya
Nagkasalubong ang kilay ko sa paliwanag niya.
"Yun kasi ang sinabi ni Ma'am Charlotte kanina." Dagdag pa niya
Nagulat ako at nagka interes na mag tanong pa.
"Nandito siya kanina?"
"Oo. Yun yung ibinalita niya sa amin. Pumunta lang siya rito para lang doon" aniya
Tumango ako.
"Kaya mag ayos ka na ulit para naman maakit mo mamaya si Pogi" sabi niyang ikinagulat ko.
Ngumisi na lang ako sa sinasabi niya at sinagot siya..
"Hindi na kailangan 'yon" biro ko
"Huh? Anong hindi na kailangan?" Umirap ako sa tanong niya dahil loading na naman yung utak niya.
"Wala! Ang ganda ko, Janeth. Ang ganda ko" inis kong sagot sa kanya kasi nakakatamad magpaliwanag.
Natawa siya kaya mas lalong inirapan ko pa. Nag attendance muna ako at pumasok nalang muna ako sa loob ng staff room at nag ayos saglit.
Dito siya magta-trabaho? Trip niya ba talaga 'to? Tsk
At ano yon? Hindi niya pa kailan nagagawa? Wow. Senyorito pala 'tong lolo niyo!
BINABASA MO ANG
LA COSTELLE (COMPLETED)
General FictionMinsan may mga taong bulag sa Pag-ibig. Minsan may mga taong matigas pagdating sa Pag-ibig. Pero minsan, may mga taong naiintindihan kung ano nga ba talaga ang Pag-ibig. Desisyon, Tiwala at Sakripisyo. Pero isa lang sa mga iyan ang mas mananaig pagd...