Nang nakapasok ako sa ICU, tanaw ko siyang mahimbing na natutulog.
Gusto ko siyang yakapin agad kasi miss na miss ko na siya. Pero hindi ko magawa kasi ayoko namang maka disturbo sa pagtulog niya.
Mag iisang oras na rin ako rito sa loob. Ako lang at si Drix ang nandito. Nasa labas ang mga Tita at Tito niya kasama si Janeth at Martin.
Tinanaw ko siya mula sa kinauupoan ko. Ngayon ko lang talaga napansin ang katawan niya. Ang laki ng nabawas at ang payat payat na niya.
Natutop ko na naman ang labi ko at palihim na umiiyak. Gusto ko siyang pagalitan dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling sakin.
Napakasakit makita ang mahal mo na nahihirapan. Sobrang sakit. Parang gusto kong ako nalang sana ang nasa sitwasyon niya ngayon.
Ilang sandali rin akong umiyak. Hanggang sa nakita ko nalang na gising na siya at tinanaw ako mula sa kinahihigaan niya ngayon.
Diretso akong napatayo at pumunta sa kanya. Nang nakalapit na ako ay niyakap ko siya agad.
Parang may kumirot sa puso ko nang ikinalas niya ang mga braso ko sa pagkakayakap sa kanya.
Gusto ko man siyang pagalitan, hindi ko ginawa kasi ayokong mag away kami.
Tiningnan ko nalang siya at nakatingala naman siya sakin.
"Miss na kita" naisabi ko sa kanya.
Naiintindihan kong hindi siya makapagsalita ngayon kasi may oxygen siya. Pero kahit tango man lang o ganting yakap kanina hindi niya ibinigay sakin.
"K-Kanina lang kami dumating ni Janeth" sabi ko sa kanya
Bumuntong hininga lang siya at nag iwas ng tingin.
Ang sakit. Ang sakit sakit.
Pero gusto kong gawin 'to Drix sa ayaw at sa gusto mo.
"Mahal na mahal kita Drix" sabi kong napangisi at hinawakan ang kanang kamay niya.
Pero namutla ako nang agawin niya 'yon sakin at ibinaling na naman sa ibang direksyon ang mga paningin niya.
Pinipigilan kong wag umiyak sa harapan niya kasi ayokong maisip niya na hindi ko talaga kaya.
Gusto ko kasing maisip niya na mali yung mga desisyon niya. Na sana sinabi niya nalang sakin para sana sa mga panahon na nahihirapan siya sa sakit niya, nandoon ako sa tabi niya at pinapalakas ang loob niya.
Alam ko namang ayaw niya talagang nandito ako pero sana inisip niya rin na nasasaktan ako sa mga desisyon niyang 'yon.
"Uhm.. M-May k-kailangan ka ba?" Tanong ko
Umiling lang siya at ipinikit niya ang mga mata niya.
Wala akong nagawa kundi ang lumabas. Kasi kahit anong gawin ko, hindi niya gustong nandoon ako sa tabi niya.
Nang nakalabas na ako, agad akong kinausap ni Tita Charlotte. Sinabi ko naman sa kanya lahat ng ipinakitang reaksyon ni Drix nang nakita niya ako.
"Mahal ka talaga niya, Hija" aniya
Umiling ako.
"Hindi ko maintindihan..." Iling-iling kong sabi sa kanya.
"Kung mahal mo kasi ang isang tao.. May tiwala ka dapat sa taong 'yon. Pero bakit... Tita si Drix hindi niya man lang ako pinagkatiwalaan?"
"N-No. Hija. May tiwala siya sa'yo."
"Then sabihin niyo sakin... Bakit hindi niya sinabi ang sakit niyang 'yon? May tiwala siya diba? Sabi niyo 'yon. Sige. Naiintindihan ko siyang ayaw niyang malaman ko na may sakit siya para hindi ako masaktan.."
![](https://img.wattpad.com/cover/242716398-288-k936483.jpg)
BINABASA MO ANG
LA COSTELLE (COMPLETED)
General FictionMinsan may mga taong bulag sa Pag-ibig. Minsan may mga taong matigas pagdating sa Pag-ibig. Pero minsan, may mga taong naiintindihan kung ano nga ba talaga ang Pag-ibig. Desisyon, Tiwala at Sakripisyo. Pero isa lang sa mga iyan ang mas mananaig pagd...