Lumabas ako ng restaurant. Iniwan ko si Janeth doon at nilakad takbo ko yung mansion ng mga Del Campo. Malapit lang kasi ang mansion sa Resort. Habang ginagawa ko yon, iniisip ko si Drix. Maraming tanong sa isip ko.
Bakit siya aalis? Galit ba siya sakin? Babalik pa ba siya? At bakit ako nagkakaganito?
Napahinto ako sa sariling tanong sa isip ko.
"Fuck!" bulalas ko sa kawalan
Why the heck I reacted like this? Napasabunot ako sa sariling buhok. Napaupo ako sa kalsada. Tinanaw ko ang daanan papuntang mansion ng mga Del Campo.
Sobrang lapit nalang at makikita ko na rito ang Gate ng mansion.
Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya.
Para akong maiiyak at nawawalan ako ng lakas ng loob para ituloy ang pagpunta sa mansion. Pero inisip ko rin na kung gugustohin ko talaga na makita siya at mayakap, lalakasin ko ang loob ko.
Kaya tumayo ako at nagpatuloy sa paglalakad papuntang mansion.
Nakita ko ang guard at tinanaw niya ako mula sa kinatatayuan niya.
"Uhm.. Kuya.. Nandiyan po ba si.." hindi ko naituloy at inisip kong baka galit 'yon sakin at hindi ako papapasukin.
"Si.. Maam Charlotte?" naisabi ko
"Ah, Oo. May kailangan ka sa kanya, miss?" Tanong niya
"Opo eh. Pwede po bang pumasok?"
Lumapit siya sakin at tiningnan niya ako ng mabuti at nakita ko kung paano siya parang namangha.
"Teka. Ikaw ba yung anak ni Henry Corpuz?" Tanong niya
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Opo"
"Sinasabi ko na nga ba! Magkamukha kayo eh. Tsaka parang nakita na kita noon kasama siya." Paliwanag niya
Nginitian ko nalang siya ulit.
"Pwede po ba akong pumasok sa loob manong?" Tanong ko ulit kasi hindi ko na kaya. Gusto ko ng makita ulit si Drix.
"Ah, Oo! Sige, pumasok kana miss." Sabi niya at pinagbuksan na niya ako ng Gate.
Tinanguan ko siya at nagpasalamat.
Nilibot ng mga mata ko ang mansion ng mga Del Campo. Sobrang lawak. Makikita mo sa labas ng mansion na maraming mga bulaklak at walang ka basura-basura. Sobrang linis ng paligid at mahihiya ka nalang talaga kung itatapon mo ang basura mo sa tabi-tabi.
Nakapasok na ako sa tanggapan at may nakita akong katulong.
"Uh, Miss? Sino po hinahanap ninyo?" Tanong niya
Nagpalinga-linga ako at hindi ko talaga siya makita.
"Nandito ba si Drix?" Nangunot ang noo niya sa tanong ko.
"Uh, I mean si Sir Jay Drix.."
"Wala po. Umalis na." Sabi niya
Nagka salubong ang kilay ko sa sinabi niya. Eh ang sinabi ni Janeth bukas pa ah.
"Saan siya pumunta?" Tanong ko ulit dahil baka may pinuntahan lang.
"Umalis na po. Papuntang Manila. Sayang hindi kayo nagpang-abot."
Para akong sinakluban ng langit at lupa sa narinig ko. Nanghihina kong inatras ang mga paa ko at tumalikod sa kanya at tumakbo palabas.
Tinakbo ko ang kahabaan ng mansion ng mga Del Campo patungong bahay namin. Oo, tinakbo ko talaga. Hingal na hingal ako at hindi ko pa nakakalahati ang dinadaanan ko. Yumuko ako at tinuko ko ang kamay sa tuhod ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
LA COSTELLE (COMPLETED)
General FictionMinsan may mga taong bulag sa Pag-ibig. Minsan may mga taong matigas pagdating sa Pag-ibig. Pero minsan, may mga taong naiintindihan kung ano nga ba talaga ang Pag-ibig. Desisyon, Tiwala at Sakripisyo. Pero isa lang sa mga iyan ang mas mananaig pagd...