Chapter 9

16 4 0
                                    

Kinabukasan ay nagising ako nang may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Gusto kong batuhin siya ng bato kung sino mang kumakatok sa pinto dahil antok na antok pa ako!

Tinanaw ko saglit ang orasan at nakita kong pasado alas syete na. Gusto ko ng bumangon pero wala akong lakas na patayuin ang katawan ko.

Tinabunan ko nalang ulit ng kumot ang buong katawan ko. Pero hindi pa nakakapikit saglit ang mga mata ko nang kinatok na naman ang pinto.

"Ate" pagtawag ni Chylus sakin

"Ano ba Chy? Pwedeng saglit lang? Gusto ko pang humiga eh!" Sabi ko kasi hindi pa ako nakakabawi ng tulog.

Gusto ko pa talagang matulog saglit kasi ang hirap matulog tuwing gabi iniisip ang mga bagay na hindi na sana dapat iniisip.

Narinig kong bumukas ang pinto.

"Chy, Please naman.. Kahit ngayon la–"

Hindi ko na naitapos ang mga sasabihin ko pa dahil napa awang ang labi ko sa nakikita kong tao ngayon sa pinto ng kwarto ko.

Nagulat talaga ako! At teka nga, bakit ba siya nandito!?

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa presensya niya ngayon sa harapan ko!

"Matutulog ka ulit o matutulog tayong dalawa ng magkatabi? Pumili ka." Sabi niya ng nakangisi

Laglag panga ko siyang tinanaw. Nakita niya siguro kung paano ako nagulat kaya may idinagdag pa siya.

"Maligo ka na dahil kung hindi ka pa babangon diyan, ako mismo ang magliligo sa'yo." Dagdag niyang ikinahalakhak niya!

Napabalikwas ako sa hinihigaan ko at may nakita akong sapatos ko kaya binato ko sa kanya 'yon.

Lumabas naman siya agad sa kwarto ko nang nakita niyang naiirita na naman ako sa presensya niya.

"Gago!" Sigaw ko

"Yes baby love! I love you too!" Sigaw niya naman na napamura ako ng maraming beses.

Inis kong pinasok ang CR at naligo. Nag ayos pa muna ako bago ako bumaba.

Nakita ko kung paanong inasikaso ng mabuti ni mama ang senyorito niyo.

"Oh. Andiyan na pala si Hez" Baling ni mama sa akin.

Ngumiti lang ako ng pilit kasi hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita ko.

"Dito ka na mag agahan Sir Jay Drix. Ano ba yang importanteng binili mo at ang aga naman yata. Halika na at kumain" dire-diretsong sabi ni mama kay Drix.

"Uhm.. Wag niyo nalang po akong tawaging Sir kasi ang pormal naman non at hindi bagay. Drix or Jay Drix nalang po." Sabi naman ni bakulaw

"Naku! Hijo na nga lang." Sabi ni mama sabay tawa

"Pwede rin po" sagot naman ni Drix.

Nakaupo na kami sa hapag at nagsimulang kumain.

"Hijo ang itatawag ko sa'yo at Mama nalang din ang itatawag mo sakin. Pwede ba yon?" Sabay ngisi ni Mama

Nagulat ako sa sinabi niyang 'yon! Pinandilatan ko si Drix ng mga mata kasi magkaharap lang naman kami ngayon sa hapag.

Gusto ko sanang warningan siya na hindi niya susundin yung ipinapatawag ni mama sa kanya.

Pero ako yung hindi niya sinunod! Kasi tiningnan niya lang ako ng sinagot niya si mama.

"Of course, Mama" sabi niya!

"Sa akin din hijo. Papa na itawag mo sakin." Singit naman ni Papa!

Nagkasalubong na ang mga kilay ko at hindi ko na halos maigalaw ang mga pagkain ko.

LA COSTELLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon