Chapter 15

11 1 0
                                    

Ilang araw na akong walang contact sa kanya. Pero araw-araw ko siyang hinihintay. Nagba bakasakaling bumalik siya at pupuntahan ako.

Nandito kami ni Janeth sa skwelahan. Nag eenroll kasi plano naming bumalik na sa pag-aaral. Same course rin kasi kami ni Janeth kaya makakasama ko talaga siya.

Nang natapos kami at pauwi na, may narinig akong tumutunog na cellphone kaya agad kong tinignan ang cellphone ko dahil baka si Drix na ang tumatawag.

Pero naibaba ko agad yung cellphone ko kasi kay Janeth pala yung tumutunog.

"Hello Martin" aniya

Napabaling ako kay Janeth dahil baka kasama ni Martin si Drix ngayon. Gustong gusto ko na siyang makausap.

"Eto.. Katatapos lang naming pumila sa mahabang linya na yon! Enrolled na kami ni Hezdrina!" Sabi niya sa kabilang linya.

"Tanongin mo kung kasama niya ba si Drix, please" singit ko sa usapan nila.

Tiningnan ako ni Janeth kaya kinausap niya si Martin tungkol sa tanong ko.

"Nandiyan ba ngayon si Drix? Gusto kasi siyang kausapin ni Hez" masaya niyang tanong sa kabilang linya.

Pero nang narinig niya na ang sinabi sa kabilang linya ay bigla nalang lumungkot ang mukha niya.

"Ah, gano'n ba. Sige, mag-iingat ka diyan" sabi ni Janeth saka binaba ang tawag.

Wala pang sinasabi si Janeth pero nasasaktan na ako. Ewan. Sobrang sakit lang. Para akong pinagkaitan ng mundo! Tang ina.

"Hez, hindi raw sila magkasama eh" sabi ni Janeth sakin.

"Pero natanto ko talaga Hez kapag napag-uusapan na namin si Pogi lagi siyang may dahilan para magpa alam sa tawag" dagdag niya

Nginisihan ko nalang yon kasi hindi ko alam saan huhugot ng lakas para hindi umiyak.

"O-Okay ka lang ba?" Tanong niya

Tumango ako. Ayokong magsalita dahil baka kapag nagsalita na ako, bubuhos agad ang mga luha ko.

Niyakap nalang ako ni Janeth at napagdesisyonan kong uuwi nalang kami kasi tapos naman na kaming nag enroll.

Pagkarating ko sa bahay ay pasalampak akong humiga sa kama. Umiiyak, iniisip kung saan ako nagkulang. Sumagi rin sa isip ko ang mga sinabi sakin ni Selene.

Totoo nga ba 'yon? Tanong ko sa isip ko.

Kung pinakinggan ko ba si Selene no'ng gabing yon, naging masaya kaya ako ngayon?

Umiiyak akong iniisip ang lahat. Hanggang sa natulogan ko nalang ang pag-iisip at kaiiyak.

Nagising ako kinagabihan kasi may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Chylus.

"Ate.." Panimula niya

"Bakit?" Tanong ko sa kanya

"Nasa labas si Kuya Drix" aniya

Napaawang ang labi ko dahil sa hindi malaman na nararamdaman ko. Kaya hindi ako magkandaugaga kung ano ang una kong gawin.

Bumibilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko siyang makita at gusto kong sabihin sa kanya na okay lang kahit hindi na siya mag paliwanag kung bakit ilang araw na niya akong hindi kinontak.

Iintindihin ko siya. Gano'n naman dapat sa relasyon diba? Kaya iyon ang gagawin ko.

Hindi na ako nag ayos kaya agad kong tinakbo kung nasaan siya ngayon.

Nang nakalabas na ako, nakita ko agad ang mga mata niyang tinanaw talaga akong makalabas ng bahay.

Tinakbo ko ang layo namin at agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

LA COSTELLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon