Biyernes nang napag planohan naming pumunta at maligo sa Tiklan falls kinabukasan.
"Uy! Sama kami ni Hez bukas!" Sabi ni Janeth sa mga kasamahan namin.
"Sama rin ako!" Si Drix na biglang nagpakita sa amin.
Natuwa naman sila at lalong lalo na si Vivian. Umirap nalang ako sa kawalan at sumang-ayon sa plano nila.
Kinabukasan ay masaya naman ang naging bonding namin at nagkatuwaan talaga kami. Pero syempre hindi pa rin nagbabago si Vivian, para paring linta na dikit ng dikit kay Drix.
Si Drix naman ay parang body guard ko na laging nandiyan parati sa likod ko. Kaya walang minutong hindi ko siya nakakausap.
Marami pang mga araw na mas nakakabuo kami ng maraming bondings kasama ang mga kaibigan namin na ngayon ay naging kaibigan na rin ni Drix.
Dumaan ang tatlong linggo at nakita kong may improvement din naman ang mga ginagawa ni Jay Drix na sinasabing experience niya kuno.
Lakas din maka experience eh.
Nakita ko rin naman ang improvement namin as enemy to not so close "friend".
Pero at least diba? Kaysa hindi kami naging magkaibigan.
Sa loob ng tatlong linggo na 'yon sobrang daming nangyari. At sa loob ng tatlong linggo na 'yon mas nakilala ko pa siya.
Nalaman ko rin na namatay na pala yung mga magulang niya sa isang car accident, four years ago.
Kaya dahil sa nalaman ko, nalulungkot ako para sa kanya.
Alam ko namang nandiyan lang parati sila Sir William at Ma'am Charlotte para sa kanya pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot.
May mga nalaman na ako tungkol sa pagkatao niya pero minsan kasi iniisip ko pa rin, may hindi pa ako nalalaman tungkol sa kanya. Ewan ko pero nararamdaman ko eh.
"Hez" si Drix
Nilingon ko siya at sinimangutan.
"Whoa. Easy love"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Shut up, Drix!" Sabi ko sa kanya at tinalikuran siya.
Tumatawa nalang siya at hindi ko mapigilang mapangiti nalang din sa mga birong ipinaparating niya sakin.
Tsk! Love your ass!
Umupo nalang ako sa mabuhanging kinauupoan ko ngayon dito. Nandito kasi kami sa dalampasigan.
Hindi lang kami ang nandito kasi kalahati sa lahat ng mga staff sa restaurant nandito.
Birthday kasi ng isa sa supervisor namin at naisipan niyang dito ganapin ang Birthday Celebration niya sa resort.
Ang cute lang kasi naisip niya yon. Papalubog na rin ang araw kaya mas nag eenjoy ang ibang mga ka trabaho ko sa restaurant.
Mabuti nalang talaga at hindi masyadong ma tao ngayon at pinayagan kami ni Sir William na sumamang makipag celebrate dito ngayon.
"Bakit ba nakakunot lagi yung noo mo kapag sinasabihan kita ng Love?"
Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sakin.
"Wala ka ng paki dun" sabi ko na inirapan siya
"Ang ganda mo talaga, Hez" bigla ay sabi niya
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niyang yon. Napalunok ako nang nagtama ang mga mata naming dalawa.
Napatitig ako sa mukha niya. Oo at inaamin ko na talaga na gwapo siya.
Sobrang gwapo na aakalain mo talaga na isa siyang model kung hindi mo siya tatanongin kung model ba talaga siya o hindi.
BINABASA MO ANG
LA COSTELLE (COMPLETED)
General FictionMinsan may mga taong bulag sa Pag-ibig. Minsan may mga taong matigas pagdating sa Pag-ibig. Pero minsan, may mga taong naiintindihan kung ano nga ba talaga ang Pag-ibig. Desisyon, Tiwala at Sakripisyo. Pero isa lang sa mga iyan ang mas mananaig pagd...