Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng pwede kong makita na expression niya ay yung mukha pa talaga niyang nagagalit.
Bakit siya magagalit? Inano ko ba siya?
"Ano ba'ng problema mo?" Tanong ko na pilit tinatago ang inis ko.
"Wala" umiwas siya ng tingin
"Eh wala naman pala, bakit galit na galit ka?"
"Boyfriend mo 'yon?" Tanong niya
"Huh? Sino?" Maang-maangan na tanong ko pabalik.
Ayun na naman ang nag iigting niyang panga.
"Y-Yung Yael" sabi niya na tumingin ng diretso sa mga mata ko
"Oo" sagot ko sa kanya
He nodded at bigla na lang siyang humakbang at lalagpasan na sana ako pero dinugtungan ko pa.
"Pero noon 'yon. Hindi na ngayon"
Hindi siya tuluyang umalis dahil parang naestatwa siya sa sinabi ko.
Magkaharap parin kami ngayon dahil hindi niya ako nagawang lagpasan.
"R-Really?" He asked
"Really" Kompirma ko sa tanong niya
"Okay.." He nodded and smiled.
"Yun lang yun, Sir?" I asked
He nodded again. "Uh huh"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. May sira siguro sa utak itong taong 'to. Masyadong weird.
"So.. Pwede na akong umalis? Kasi mag uusap pa kami ni Yael"
"Oh, okay.." He said
I nodded.
Kaya naman, pinuntahan ko na si Yael kung saan ko siya nakita kanina. At nandoon pa naman siya pagbalik ko.Nasa likuran na niya ako at siguro ramdam niyang naroon na ako dahil tumayo siya at hinarap ako.
"Shem" panimula niya
Hindi ako makatingin sa kanya. Ang tingin ko'y nasa kawalan lang. Hindi ako nagsalita.
"Please.. Bumalik na tayo sa dati"
Nang sabihin niya 'yon nangingilid ang luha ko. Tiningnan ko siya. Oo, mahal ko siya pero sobrang sakit ang ginawa niyang panloloko sa'kin.
Kasi noon pa lang, alam kong may mga babae na siya. Nag bulag-bulagan lang ako. Pero 'yong huli na nakita ko talaga sa facebook na may kahalikan siyang iba, sobra na yon.
Kaya ano pang matitira para sa'kin? Respeto nalang yong naiwan sa sarili ko. Kaya kahit may kaonting pagmamahal pa ako para sa kanya ay tatalikuran ko siya, susuko at hindi na babalikan pa.
"Sorry pero ayoko na" sabi ko
Nakita ko na bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.
"Shem naman. Wag ka naman ganito please." Napapaos niyang sabi
"It's been one month, Yael. Ayoko ng pag-usapan pa 'yon. Pero dahil nandito ka, gusto kong sabihin sayo na AYOKO NA!" Mariin kong sabi sa mukha niya!
"I'm sorry, okay? Please. Bumalik kana sa akin, Shem" nag mamakaawa niyang sabi
Nangilid lang ang luha ko pero hindi ako umiyak ng todo. Tapos na akong mag mukmok. Ayoko na.
"Sana maintindihan mo ang desisyon ko, Yael. Malaya kana, gawin mo na ang gusto mong gawin dahil wala na ako na magtitiis sa kagagohan mo."
Sinabi ko 'yon at tinalikuran siya. Hindi na niya ako sinundan at alam kong nagulat siya sa desisyon ko.
Noon kasi kaya ko pang mag bulag-bulagan. Siguro natauhan ako kaya ako nakapag desisyon ng ganoon kahit may natitira pa akong pagmamahal para sa kanya.
BINABASA MO ANG
LA COSTELLE (COMPLETED)
General FictionMinsan may mga taong bulag sa Pag-ibig. Minsan may mga taong matigas pagdating sa Pag-ibig. Pero minsan, may mga taong naiintindihan kung ano nga ba talaga ang Pag-ibig. Desisyon, Tiwala at Sakripisyo. Pero isa lang sa mga iyan ang mas mananaig pagd...