Chapter 13

13 3 0
                                    

Lumipas ang mga araw na 'yon na ganoon parin ang mga iniasta ng kaibigan ni Drix na si Selene.

Lagi niya akong binabara kapag nagsasalita ako. Ayokong patulan siya kasi baka lumala pa siya kapag gagawin ko 'yon. At buti nalang ilang araw lang din ang pamamalagi niya rito sa La Costelle.

Noong gabi na pumunta ako sa Mansion ng mga Del Campo ay masaya ako kasi tanggap ako nila Ma'am Charlotte at Sir William para kay Drix.

At noong gabi rin na 'yon ay nalaman na nila Mama at Papa na kami na ni Drix. Masaya sila para sa amin at syempre tanggap din si Drix sa pamilya ko.

Simula noong nakauwi na siya, araw-araw na niya akong hinahatid sa resort. Siya rin lagi humahatid sa akin gabi-gabi at minsan doon siya kumakain sa bahay.

Lumipas ang mga linggo na ganoon ang nangyayari. Walang araw na hindi kami nagkikita. Minsan pag wala akong trabaho, pumupunta kami sa magagandang lugar dito sa La Costelle.

Minsan din pinupuntahan namin ang mga lugar na kung saan tahimik at ang matatanaw lang ay ang dagat ng La Costelle.

"Gusto mo ba rito?" Tanong ko isang araw na pumunta kami sa isang tahimik na lugar na ang makikita lang naming view ay ang dagat.

"Yeah. Lalong lalo na kapag kasama kita." Aniya

Syempre kinilig lola niyo! Sino ba namang hindi kikiligin kay Jay Drix Del Campo? Gosh! Ngumiti nalang ako sa sinabi niya.

"Masaya ka pa ba sakin?" Tanong niya bigla sakin na tumingin saking mga mata.

"Oo naman. Masaya ako. Ba't ka pa nagtatanong ng ganyan?"

"Sinisigurado ko lang love" ngumisi siya

"I'm happy when I am with you. And I hope masaya ka rin kapag ako ang kasama mo." Sabi ko

"Of course. Walang katumbas ang kasiyahan ko kapag kasama kita" aniya

"Mahal kita, Drix" sabi ko

Umiwas siya ng tingin.

"Mahal din kita Hez. Mahal na mahal. Higit pa sa nalalaman mo" sabi niyang nakatingin sa malawak na karagatan.

Ngumiti ako at niyakap siya. Feeling ko namula 'yong mga pisngi ko sa kilig!

Ilang sandali kaming natahimik at ninamnam ko ang mga huling salita na sinabi niya.

Sa sandali rin na iyon ay bigla siyang umubo. Iyong ubo na dry cough. Tiningnan ko siya at putlang putla na siya.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko

"Wala. Napagod lang kagabi sa mga paper works na inayos ko."

"Are you okay?" Nag-aalala na talagang tanong ko.

"Yeah. I'm fine baby. Just hug me and I'm sure magiging okay rin ako" sabi niya

Gusto kong pumalag pero pinipilit niya talaga akong yakapin siya ulit. Hindi kami nag tagal doon kasi sinabi ko sa kanya na magpahinga muna siya.

Pumayag naman siya at inihatid niya muna ako sa bahay.

"Anyway, tatapusin mo pa ba iyong course mo love?" Bigla ay tanong niya nang nakarating na kami sa bahay.

"Yup. Baka ngayong school year na ito babalik ako sa pag-aaral. Bakit?"

"Wala. Gusto ko rin kasi na makapag tapos ka ng pag-aaral." Sabi niya

Nginitian ko siya. Ang swerte ko nga naman na nabingwit ko itong tao na 'to! Haaays.

"Salamat sa supporta love." I said

LA COSTELLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon