Epilogue

25 1 0
                                    

JAY DRIX DEL CAMPO POV

_
Hindi ko inisip na ganito pala ka saya sa pakiramdam na mabigyan ng pagkakataon upang mabuhay.

Nagpapasalamat ako sa kanya na binigyan niya ako ng pagkakataon upang makasama pa ng mas mahabang panahon si Hez.

Noong una ko siyang nakita gusto ko na agad siya. Oo, nagustohan ko agad.

Yung kagandahan niyang inakit ang mga mata ko. Yung magandang kalooban niyang binihag ang puso ko.

Masaya ako dahil nakilala ko siya. Pero mas naging masaya ako nang naging akin siya.

Inalala ko ang mga panahon noong una ko siyang nakita.

Naglalakad siya at nang napasulyap siya sa gilid ay nakita ko ang tangos ng ilong niya at ang kagandahan niyang ikina distract pa sa pagmamaneho ko.

Napahinto ako at nakangising napatingin sa side mirror ko. Nang umaamba na siyang sugurin ako ay pinatakbo ko na ang kotse ko. Pero bago pa ako makalayo roon ay narinig ko ang sigaw niya.

"Tarantado ka rin eh no!?"

Napahalakhak nalang ako at napailing sa reaksyon ng napakagandang babaeng nakita ko.

Nang nalaman ko na doon pala siya nagtatrabaho sa Resort ay ginawa ko ang lahat mapansin niya lang.

"Ano itong nakalap kong sabi-sabi Drix na may namamagitan daw sa inyo no'ng waitress sa Resort? Totoo ba iyon?" Tanong ng Tita ko

Umiling ako.

"Well.. I'm not yet his boyfriend. Nagpapansin lang ako kumbaga" sabay ngisi ko

"You like her?"

"Of course! I do like her" sagot ko

Napailing siya at tumingin sa Tito ko..

"Kung saan ka sasaya Drix susuportahan ka namin ng Tita mo. Basta ipangako mong gagaling ka sa sakit mong iyan. Labanan mo please lang" pagmamakaawa ni Tito

Oo, may sakit ako. Cancer.
Kagagaling lang namin ng America pero sinabi kong dito nalang ako magpapagamot at dito nalang siguro mamamatay.

Masakit syempre para sa akin na malaman kong may sakit ako. Kasi kahit may maibubuga rin ang yaman namin, ay may pangarap akong gusto kong tuparin.

Iyon ay ang makabuo ng aking sariling pamilya. Pero paano kung ang pangarap na gusto ko ay hindi ko matupad dahil sa sakit ko?

Gusto kong sabihin kay Hez ang sakit ko pero sa tuwing nakikita ko siyang masaya, gusto ko nalang sarilinin ang lahat at wag ng sabihin pa.

Kaya nag desisyon akong huwag nalang sabihin ang lahat.

Masakit Oo. Pero iyon lang ang paraan ko para mapasaya siya kahit hindi na ako ang magpapasaya sa kanya.

Kasi na realized ko noon na baka.. Baka ibinigay itong sakit ko para mas mapasaya ko ang taong pinakamamahal ko sa taong mas may maraming oras na mahalin siya kaysa sakin na ilang oras nalang siguro ang bibilangin ay mawawala na.

Mahal ko siya, mahal na mahal. Mahal ko na kaya kong isakripisyo ang lahat mapasaya lang siya para may chance na mahanap niya ang kaligayahan niya sa iba kung mawawala na ako sa mundo niya.

Hindi ko intensyong saktan siya. Pero ganito nga talaga siguro kapag nag mahal ka... Masasaktan at masasaktan kang talaga!

"Wow. Ang ganda naman! Ang galing mo pa rin talaga Drix" sabi ni Tita

Ginawan ko kasi ng portrait painting si Hezdrina noong pumunta ako ng Manila para makapag check up.

"Thanks Tita!"

LA COSTELLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon