"Miss, are you okay?"
Napabaling ako sa likuran ko dahil may nagsalita. Nang tiningnan ko ay doctor ng hospital na 'to.
"Uhm.. I-I'm okay Doc" I said
Tinanaw niya si Drix na nagpapahinga na sa ngayon.
"Ka ano-ano mo ang pasyente?" Tanong niya habang nakatingin pa rin siya kay Drix.
Tinanaw ko na rin ngayon si Drix habang sumasagot sa mga tanong ng Doctor.
"Boyfriend po, Doc" sabi ko
At bahagya siyang napatingin sakin saka ibinalik ang mga paningin kay Drix.
"Anong mararamdaman mo kapag-"
Hindi ko siya pinatapos kasi binara ko agad ang tanong na 'yon. Alam ko. Alam ko kung anong tanong 'yon.
Masakit para sakin ang sagutin 'yon. At ayokong marinig ang tanong na 'yon.
"Wag mo na akong tanungin ng mga ikakasakit ko, Doc. Please parang awa mo na, gamutin mo nalang siya. Pwede ba?" Sabi ko at binalingan siya.
"Of course. I'll do my best for my friend." He said
Nagulat ako dahil sa huling sinabi niya. Naramdaman at nakita niya siguro 'yon kaya ngumiti siya sakin.
"Yes, I'm his friend" siya na ang luminaw sa katanungan ko.
"Stage 4 na 'yong sakit ni Jay Drix pero alam kong makakaya niya parin yan. Malakas pa rin naman siya. Naniniwala akong kaya niyang labanan ang sakit niya."
My jaw dropped. Nabigla ako sa mga sinabi niya. Alam kong impossible pero sana nga. Sana nga...
"Stage 4 na nga diba Doc? Kaya impossible." Naisabi ko na lang.
Napatingin siya sakin at napatingin din ako sa kanya.
"Magtiwala ka lang. Dahil ang impossible magiging Possible kapag nagtitiwala ka."
Gusto kong matawa sa mga pinagsasabi niya. Pero na realized ko kalaunan na wala namang masama kung maniwala.
Tinapik niya ako sa balikat..
"Narinig ko kayo ni Selene kanina. Sana ipaglaban mo yang nararamdaman mo. Sana siya lang ano man ang kahahantungan nito."
Ngumiti siya at ilang sandali'y pumasok na siya sa ICU para i-check si Drix.
Napatulala ako sa kawalan dahil sa mga sinabi niya sakin.
Tumingin ako sa loob ng ICU. Nandoon siya at chineck si Drix.
At ilang minuto lang ay nagulat ako kasi may nagsalita na naman sa likod ko...
"Hoy ano, okay ka lang?" Si Janeth.
Muntik na akong mapamura dahil sa biglaang pag sulpot nilang dalawa ni Martin at kinamusta ako. Tinanong kung anong nangyari sa usapan namin ni Selene.
"Ayun. Sinampal ko" sabi ko
Namilog ang mga mata at bibig ni Janeth.
"Ang OA ha." Inis kong sabi sa kanya.
"Sayang! Di ko nakita 'yon ah!"
Aniya na napatawa naman si Martin.Sira talaga 'tong si Janeth.
"Martin"
"Hey man!" Ani Martin na lumapit na ngayon sa kakalabas na Doctor sa ICU.
"Kumusta na si Jay Drix?" Tanong ni Martin.
Napatingin muna ang Doctor sakin saka binalingan at sinagot si Martin.
"Lumalaban parin.." The doctor said.
![](https://img.wattpad.com/cover/242716398-288-k936483.jpg)
BINABASA MO ANG
LA COSTELLE (COMPLETED)
Ficción GeneralMinsan may mga taong bulag sa Pag-ibig. Minsan may mga taong matigas pagdating sa Pag-ibig. Pero minsan, may mga taong naiintindihan kung ano nga ba talaga ang Pag-ibig. Desisyon, Tiwala at Sakripisyo. Pero isa lang sa mga iyan ang mas mananaig pagd...