Dalawang linggo na siyang wala. Sobrang miss na miss ko na siya. Noong araw na 'yon ay inihatid na lang niya ako sa bahay. Hindi ako nakapag trabaho noong araw na 'yon kasi sinusulit ko ang oras na meron kami non.
Dalawang linggo at sa tawag at text lang kami nag-uusap. Gusto ko na siyang makita at makausap sa personal.
Ewan pero nababaliw na siguro ako. Ganito ba ang isa sa epekto ng Pag-ibig? Nang dahil sa pagmamahal mo sa isang tao, para kang mababaliw kaiisip sa kanya.
Hays. Buhay nga naman!
"Janeth, sorry" narinig kong sabi ni RJ kay Janeth na nasa likod ko.
Gusto kong bumaling sa kanila pero hindi ko ginawa kasi baka maistorbo pa ang pag-uusap nila.
Tinanaw ko nalang ang mga customers na kumakain at baka may tumawag at gusto pang umorder.
"Pwede ba? Wag mo 'kong kausapin! Oo at na gustohan kita at binigyan kita ng chance manligaw, pero bakit naman gumawa ka pa ng karantadohan!? Gago ka ba? Ilang araw lang at si Vivian na ang gusto mo? Niloloko mo lang ba ako simula't sapul!?" Iritadong bulalas ni Janeth.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ano raw? Teka! Hindi ko alam yan ah!
"Sorry pero siguro nga gago ako. Hindi ko inisip kung anong mararamdaman mo. Gusto kita Janeth pero mas gusto ko si Vivian. Hindi ko intensyong saktan ka, nangyari nalang eh. Yun na yung naramdaman ko bigla." Paliwanag ni RJ
Hindi nagsalita si Janeth. Gusto ko nang sapakin si RJ pero kapag ginawa ko 'yon magkakagulo lang at pagtitinginan kami ng mga tao.
"Gusto kita pero mas gusto ko siya. Sana maintindihan mo 'yon, Janeth" dagdag ni RJ
Biglang tumahimik at ilang minuto pa bago ko binalingan ang likuran ko at nakita ko si Janeth na nagpupunas ng mga luha niya sa pisngi.
Nilapitan ko siya at hinagod ang likod niya.
"Akalain mo 'yon? Ang sabi niya ako ang gusto niya. Ngayon naman sinasabi niya iyong Vivian na yon yung mas gusto na niya. Ano kami laruan? Kapag nagsawa na sa isa, pipiliin yung bago at iyon naman ang paborito? Tarantado!" Bigla ay sabi niya
Hinagod ko na lang ang likuran niya. Pinapatahan dahil baka magka eskandalo pa kami rito. Alam kong kapag nasasaktan itong si Janeth, nasasaktan talaga.
Pero wala naman akong magawa dahil iyon naman ang rason ni RJ at walang kahit sino ang makakapag pigil doon. Siguro ganoon talaga.
"Siguro ganoon talaga kapag hindi para sa'yo iyong tao na yon. Gagawa at gagawa ang tadhana ng masakit na rason kung bakit ka iiwan ng tao na 'yon." Sabi ko
"Kasi ganoon ang mga nagmamahal. Masasaktan at masasaktan talaga. Gustohin mo man o hindi. Ganoon ang Pag-ibig. Kusa kang magmamahal at wala kang magagawa kung sa huli ay iiwanan ka lang." Dagdag ko.
Tiningnan niya ako. Ngayon ay napawi na ang luha na umaagos sa mga mata niya kanina.
"Ang lalim naman niyan." Aniya
Napangisi ako.
"Malalim talaga. Dahil masakit kapag pinasok mo na" Sabi ko
Namilog ang bibig niya.
"Grabe ka talagang bruha ka! Naranasan mo na yon? Masakit ba talaga?" Bigla ay tanong niya.
Nangunot ang noo ko sa tanong niya. Ilang sandali'y nalaglag naman ang panga ko sa ibig niyang sabihin.
"A-Ano ka ba! Hindi pa no!" Sabi ko at biglang nag init ang pisngi ko dahil hindi ko pa naman talaga nasusubukan 'yon.
"Eh bakit na uutal utal ka riyan?" Ngingisi-ngisi na niyang tanong
![](https://img.wattpad.com/cover/242716398-288-k936483.jpg)
BINABASA MO ANG
LA COSTELLE (COMPLETED)
Fiksi UmumMinsan may mga taong bulag sa Pag-ibig. Minsan may mga taong matigas pagdating sa Pag-ibig. Pero minsan, may mga taong naiintindihan kung ano nga ba talaga ang Pag-ibig. Desisyon, Tiwala at Sakripisyo. Pero isa lang sa mga iyan ang mas mananaig pagd...