It's been 3 weeks at alam kong busy siya. Tuwing pagka gising ko sa umaga at pag uwi ko sa gabi kami nagkakausap pag may trabaho ako. At kapag day off ko naman, hinihintay ko nalang siyang tumawag baka kasi makakadisturbo lang ako.
Nang papasok na ako sa resort nakita kong may pumasok na sasakyan na paniguradong sa mga Del Campo 'yon.
Tinanaw ko ang sasakyan mula sa kinatatayuan ko ngayon. Napahinto kasi ako kasi curious ako kung sino ang bababa.
At nakita ko ngang si Ma'am Charlotte ang bumaba. Siya lang mag isa at hindi niya kasama si Sir William. Maganda siya at maputi. Nangangamoy karangyaan talaga.
Nakita kong papunta siya sa gawi ko. Nang papalapit na siya ay ngumiti siya sakin. Nginitian ko rin siya syempre.
"Good morning, Ma'am" bati ko sa kanya.
She nodded
"Good morning, hija. How are you?" She asked
Akala ko iba ang pupuntahan niyang direksyon pero parang sakin talaga siya makikipag-usap.
"Okay lang naman po, Ma'am"
Sabi ko"Good. Ikaw ang panganay sa anak nila Helena at Henry diba?" She asked and smiled.
I nodded.
"Yes, Maa'm"
"At ikaw rin ang girlfriend ngayon ni Jay Drix, diba?" She asked again but this time I'm nervous to answer her question.
"Uhm.."
"Y-Yes, M-Ma'am" napapikit kong sagot.She laughed because of my reaction.
"Don't worry, hija. Gusto ko lang kumpirmahin. I like you for my nephew. I hope you will love him despite of his—"
"Tita"
Hindi niya naituloy ang sasabihin kasi biglang may tumawag sa kanya sa likuran niya. Sabay naming binalingan 'yon. And I was shocked because it was Drix with a girl...
Nakita kong nagulat din si Drix pero saglit lang 'yon. Ewan pero nasaktan ako. Hindi man lang niya sinabi sa akin na uuwi na pala siya.. At may kasama pa talagang babae.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tiningnan na ako ni Ma'am Charlotte. Kaya ibinaling ko nalang ang buong atensyon ko sa kanya.
"Uh, Ma'am.. Is it okay if I can go now?"
"Sure. But.." Tiningnan niya ako saka si Drix.
Nginitian ko nalang siya at tumango. Tumango rin siya kaya umalis na ako roon.
Gusto kong pumutok ngayon. Tang ina!
Papasok na sana ako ng restaurant nang may humila sa kamay ko.
"Shit! Ano ba!?" Reklamo ko at nanlaki na lang ang mga mata ko dahil si Jay Drix 'yon!
"Bakit ba ang hilig-hilig mong manghila?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
Ngumisi siya.
Langya! Bakit pa ngisi-ngisi siya? Gago!"Ba't ka galit?" Tanong niya pabalik sakin.
"Hindi ako galit!" Sabi ko
"Bakit ka sumisigaw?" Malumanay niyang tanong.
"Hindi ako sumisigaw! Ganito lang talaga ako magsalita!"
He nodded.
"Ah, ganyan ka magsalita kapag nagseselos ka" Humalakhak pa talaga!
"Hindi ako nagseselos. At teka nga! Sino ba ang pagseselosan ko? Paki ko ba!" Sabi ko at tinalikuran siya
BINABASA MO ANG
LA COSTELLE (COMPLETED)
Fiksi UmumMinsan may mga taong bulag sa Pag-ibig. Minsan may mga taong matigas pagdating sa Pag-ibig. Pero minsan, may mga taong naiintindihan kung ano nga ba talaga ang Pag-ibig. Desisyon, Tiwala at Sakripisyo. Pero isa lang sa mga iyan ang mas mananaig pagd...