Rissey's Pov;DAY 1
Nagising ako dahil sa liwanag ng araw galing sa veranda. Ang pinto nito ay kita ang labas kaya kahit nakasarado ito kung wala namang kurtinang nakaharang ay masisinagan ka talaga ng araw. Perpektong lugar na kwarto talaga itong kwarto ni Señorita Saphera. Halatang pinapahalagahan talaga siya ng pamilyang ito.
"A-Ahh! Ang sakit." Pinilit kong bumangon sa hinihigaan ko pero hindi talaga kinaya ng aking katawan.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Manang Rosing. May dala siyang pagkain at isang basong gatas.
"Manang Rosing, Pwede niyo po ba akong tulungan bumangon dito sa kama? Pasensya na po kung natanghalian ako ng gising. Malamang nag iintay na sa akin sa baba sila Clitch." Tumingin ito sa akin at ibinaba ang mga pagkain.
"Oh kumain ka muna. Hindi ka bababa at hindi ka aalis diyan sa kama mo. Ibinilin ka na sa amin ni Señorito Jieso para alalayan sa mga gusto mong ipaabot, sinabi niya rin sa amin na paniguradong mananakit ang katawan mo dahil sa nangyari kahapon." Si Manang rosing.
"Ibigsabihin po niyan, hindi na muna ako mag eensayo ngayon?" Tanong ko kay Manang pero may biglang sumagot sa likod niya at nasa pinto iyon.
"Hindi rin, Rissey. Sa ensayo mo ng araw na ito, hindi mo na kakailanganin ang katawan mo. Hindi katawan mo ang gagana dito kundi utak mo." Sabi ni Clitch mula sa pinto.
Kumunot ang noo ko.Hindi katawan ko ang gagana dito kundi utak ko?
"Miss Westlie." Tawag ni clitch. Pagkatapos noon ay may lumabas sa likod niyang babae. Kumaway ito sa akin at ngumiti. "Si Miss Westlie, Siya ang mag eensayo sayo ngayon upang paganahin muli ang IQ mo." Sabi niya pero naguguluhan parin ako. Nahalata ito ni Clitch. "What I mean is Siya ang magiging guide mo para magkaroon karin ng kaalaman kaparehas ng kaalaman namin ni Kuya Jieso at ni Saphera." Pagpapaliwanag nito. Nakuha ko naman ito kahit papaano. "Kumain ka na Rissey dahil pagkatapos mo ay magsisimula na tayo."
Ginawa ko ang sinabi nito. Tinapon ko ang pagkain at lumipas ang 10 minuto ay nag simula na nga kami. Tinanong ako ni Miss Westlie kung anong baitang lang ako nakapag aral at sabi ko sa kaniya ay hindi ako nakapag aral. Lahat sila ay nakakitaan ko ng lungkot sa mata ng malaman iyon mula sa akin. Huwag naman sana nila akong kaawaan dahil ayoko ng ganun.
Sinimulan ni Miss Westlie akong turuan sa Alpabeto. Mabilis ko naman itong nakabisa pati narin ang mga numero. Pagkaraan ng limang oras ay binigyan niya ako ng mga test na may nakalagay na addition, subtraction, multiplication, division.
Masyado akong natagalan doon dahil ngayon pa lang ako buong araw humahawak ng papel at ballpen.Natapos ang araw na iyon ng may naiwan pa sa akin na gawain para sagutan. Hindi ko ito natapos dahil medyo nahihirapan pa akong magbilang masyado.
Pero ipinagmamalaki ko ang sarili ko dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makahawak ng papel, ballpen, at pagkakataon na matuto sa bagong kaalaaman na sa isip ko dati ay hindi ko na maaabot pa.DAY 2
Mas maayos na ang pakiramdam ko kumpara kahapon. Salamat kay manang rosing at binigyan niya ako ng masahe. Masarap pala sa pakiramdam ang masahihin ka.
Tinulungan ako ni Manang na mag ayos ng sarili para sa paghahanda sa ensayo namin. Hindi parin naman katawan ko ang gagamitin kundi utak ko parin. Kailangan daw muna naming matapos iyon at ang iba pa bago ako makarating sa susunod na pag eensayo.
Ako naman ay hindi nakakaramdam ng pagod sa binigay nilang pagkakataon na magkaroon ng kaalaman. Gustong gusto ko talaga ang matuto kaya bawat salita ni Miss ay itinatatak ko talaga sa utak ko.
Maraming salamat naman at sa araw na ito ay natapos ko ang mga basic na dapat kong matutunan sa Math. Oo, Sa Math, iyon ang sabi sa akin ni Miss.Day 3
Katulad ng galaw ko sa tuwing umaga bago ako mag simula sa ensayo ay nagawa ko na.
Sinabi sa akin ni miss na ang sunod naman naming pag aaralan ay ang Subject na English. Noong una ay hindi na ako makapagsalita, hindi ko kasi kaya. Ayokong makapag salita ako ng salita na mali na magiging dahilan upang pagtawanan nila ako at sa huli ay mapahiya ako.
"Go Rissey. You can do it. Ano ang english ng ANO ANG GINAGAWA MO?." Sabi ni Miss. Yumuko ako at nag aalanganing sumagot.
"Lahat ng tao dito sa loob ng Kwartong ito lumabas, bukod kay MISS WESTLIE AT KAY RISSEY." Utos ni Clitch. At sinunod naman nila ito.
Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Miss ang nandito sa Kwarto."Oh Come on, Rissey. Believe in your self. I know you can do it and I also know that You know from yourself that You can do it. Wag kang mag alala, kung iniisip mo na mapapahiya ka sa akin. Sinasabi ko sayo, hindi. Hindi ako ibang tao na judgemental. Infact, kaya nga kami nasa propesyon ng pag tui-tuitor is because kailangan naming maturuan at matulungan ang mga katulad niyo. Kaya kung wala kayo, walang katulad mo, wala rin kami sa trabahong ito. Pero kung ginagawa mo ang dapat mong gawin bilang studyanteng tinuturuan ko, edi mas mapapanatag at maipagmamalaki ko ang sarili ko. Dahil kung hindi sa akin, hindi ka matututo. Dahil kung hindi sa sipag at tyaga mong matuto, wala kang mararating sa mga gusto mo. Isipin mo na lang sa dinami dami ng gustong matuto sa mundo, isa ka sa mga nagkaroon ng pagkakataong matuto. Kaya wag kang matakot Rissey. Subukan mo."
Pagpapalakas ng loob sa akin ni Miss.Huminga ako ng malalim at sinubukan kong magsalita ng English.
"W-Wat... A-ar... Yu... G-going." Paputol putol kong sabi. Nang makontento ako sa sagot ko ay inulit kong muli ito. At sa pagkakataong ito, kinumpleto at hindi na utal na sabi ko.
"Wat ar yu GOING!" Nakangiti at malakas na sabi ko lalo na sa pang huling salita. Ngiti na siguradong sigurado sa sagot.
Ang dating nakangiti na si Miss ay unti unting nawala at nasapo niya na lang ang noo niya."Konting practice pa, Rissey" ngumiti siya at kumunot noo na lang ako.
Mali ba yung sinabi ko?
Time to vote!!!
BINABASA MO ANG
If We Never Met (On-going)
Teen Fiction"Isang babaeng lumaki sa mahirap lang na pamilya, hindi nakaranas na maging isang bata, hindi nakaranas na maging katulad ng ibang bata. Isang babaeng Hindi nakaramdam na magkaroon ng tunay na kaibigan. Ngunit may makikilala siyang ibang tao na mala...