48

4 0 0
                                    

Don't forget to vote!!! Labyah!

Jieso's Pov:

*Tugtog *Tugtog *Tugtog.
Ramdam na ramdam ko ang kabog ng puso ko na para bang gusto nang kumawala sa katawan ko.

Tinignan kong maigi ang babaeng kakadating pa lang at nasisilaw sa liwanag na nakatapat sa kaniya. Maging kami ay nasisilaw sa suot niyang evening gown na kinang ng kinang dahil sa natatapatan siya ng ilaw.

Lahat ng tao ay nakatingin na sa kaniya at namamangha sa nakita. May mga ilan na nagtataka kung sino ang babaeng iyon.

"Who's that girl?" bulong na tanong ni Zein sa akin. Maging siya din pala ay hindi niya makilala. Kahit ako sa una ay hindi ko makilala ang babaeng iyon, pero once na mahalaga siya sayo at sa puso mo, kahit anong Wig, damit, o maskara pa ang suot niya, makikilala at makikilala mo siya.

Alam kong maganda si Rissey. Pero mas napakaganda niya ngayong gabi. Hindi nagsasawa ang mga mata kong titigan siya.

Bigla ay naimagine ko na lang na kami ang magkapartner ngayong gabi. Naimagine ko na lang na sana siya ang nakahawak sa braso ko ngayon at wala nang iba pang babae.

I want to be closer at you, Rissey...

Zyron's POV:

What the hell? Ang ganda ni Ave ngayon! I mean, maganda naman talaga siya. Pero iba ang Aurang ibinibigay niya sa mga mata namin ngayon.

Hindi pa agad ako nakalapit sa kaniya dahil busy ako sa pagtingin sa alindog niya ngayon. Napaka swerte mo Jieso. Tsk tsk.
Nilapitan ko na si Ave dahil mukhang hindi niya alam ang gagawin at hindi niya alam kung saan siya pupunta.

Ikaw ba naman ang titigan ng lahat ng tao dito sa loob ng Gymnasium, kung di ka ba naman mataranta sa gagawin mo.

Nang makalapit ako sa kaniya ay hinawakan ko na ang kamay niya at hinila sa gilid ng gymnasium na ikinagulat niya. Mukhang hindi niya pa nakikilala ang humila sa kaniya.

"Zyron?" tanong nito sa likod ko. Lumingon naman ako dito at napailing.

"Grabe, Ave! Hindi ko alam na matatalbugan mo pa ng ganda ang kakambal mo." sabi ko sabay tawa.

"What? Anong kakambal?" nabawi ko ang ngiti ko at inisip kung ano ang nasabi ko.

"Ah? HAHAHA ang sinasabi ko yung kamukha mo, Si Saphera. Grabe, kaya mo palang talbugan ng kagandahan yung babaeng iyon?" pang aasar ko sa 'Saphera' na yun.

"Anong maganda ka jan? Make up lang to ano ka ba! Mas kabog parin si Saphera, walang makakatalo dun. Tsaka wala na si Saphera dinadamay mo pa pangalan niya." medyo nakabusangot na sabi niya.

"Wala na nga ba talaga?" pagpapaisip ko sa kaniya.

"Anong wala na nga ba talaga? Hindi kita maintindihan, Zy!" sabay suntok sa tiyan ko.

"Ay ha! Chansing ka. Gusto mo lang maramdaman matigas kong abs." biro ko.

"Hahampasin na talaga kita jan pag di ka pa tumigil, isusumbong kita kay Clitch eh!" sabi nito at nagtawanan kami.

Oo nga. Asan na ba yung babaeng iyon?

"Pero seryoso, Ave. Ang ganda mo tonight." Sabi ko.

"Hmm Salamat." ngiting sabi niya at nag bow pa sakin.

"Tara na magsstart na ang Ball." aya ko sa kaniya at tumango naman siya.

"Ay teka. Nakita mo ba sila Sam? Tsaka sila Clitch?" tanong niya at nagtitingin tingin narin sa paligid.

"Hindi pa nga eh. Pero si Jieso, hindi mo itatanong sa akin kung nakita ko na ba?" Pagbibiro ko. Nakita ko na talaga si Jieso. Nakatitig pa nga kay Rissey nung kakapasok pa lang sa entrance eh. Titig na titig talaga ang loko na para bang may paima-imagine pa.

If We Never Met (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon