6

35 27 0
                                    

DONT FORGET TO VOTE. VOTE LANG NG VOTE PARA GANAHAN ANG MAGANDANG DALAG NIYO NA AUTHOR😂

COMMENT KUNG MERON SUGGESTION SA STORY KO. LIKE ANO BANG GUSTO NIYONG IPANGALAN SA MGA SUSUNOD NA CHARACTERS. MAMIMILI AKO AT IS-SPECIAL MENTION KO DITO SA STORY. MUAH

Risseys' Pov;

Pagkatapos nang nangyari kagabi ay hindi na naman ako nakatulog. Magdamag kong inisip lahat ng mga naging desisyon ko kagabi.

Kakayanin ko kaya?
Paano kung hindi? Madidismaya ko lang si Clitch at Jieso... Pati narin ang pangako ko kay Mama ay mapapako kapag hindi ko pinanindigan ang naging desisyon ko.

Mama. Namimiss na kita. Pangako, gagawin ko lahat lahat ng makakaya ko para hindi na tayo mahirapan pa sa buhay.

Nakahiga parin ako sa malambot na kama na ito at naghihintay na antukin muli. Ngunit nabigo ako.

Tumayo na lamang ako at nagpunta sa terrace ng malawak na kwartong ito.
Ang kwartong ito ay mas malaki pa sa bahay namin ni mama sa Squaters Area. Napaka linis at ditelyadong ditelyado ang pagkakasaayos ng bawat bagay na makikita mo dito sa loob ng kwartong ito. Hindi katulad ng sa amin na tabing tabing na lang at kapag umambon lang ng konti ay kalahati sa mga gamit namin ay nababasa. Napaka ganda ng kwartong ito, napakaswerte ng taong tumutuloy rito. Napaka Swerte ni Senorita Saphera.

Sinubukan kong magtanong kagabi kay clitch kung nasaan si senorita saphera pero umiling na lamang ito At sabi niyang bukas na lang daw namin pag usapan at kumain na muna daw kami kasi alam niyang buong maghapon ako hindi nakakain.

Nalaman ko rin rito na Simula noong nakita niya ako ay hindi na ako hinayaan pang mawala sa paningin niya... Kaya nagawa nitong pasundan ako sa tinitirahan namin at manmanan lahat ng kilos at kung ano ang pamumuhay namin.

Kaya ganun na lang sila kaagarang ibigay at ibalik kay mama ang mga pinamili ko dahil alam na nila sa una pa lang kung saan ako nakatira. Nang nagkaroon naman daw sila ng pagkakataong makausap at makaharap muli ako ay hindi na nila ako hinayaang makawala pa sa mga kamay ng guardia niya. Yun ay dahil akala nila ay ako si Saphera at nawawala lang sa katinuan kaya bumagsak ako sa ganung pamumuhay.

Mayroon sa aking parte na gusto ko na agad makilala si Senorita Saphera. Marahil gusto kong makita kung gaano ba talaga kami kamukha at gusto kong malaman kung ano ang pinagkapareha at pinagkaiba namin...

Ahhh oo nga pala. Mukha lang ang pinagkapareha namin at ang pinagkaiba namin ay ako ay galing lamang sa mahirap na pamilya at siya ay galing sa mga mamaharlikang pamilya. Napaka swerte niya din dahil may mga kaibigan siyang malaanghel at sobrang mababait. Ramdam ko sa kanila kung gaano nila kamahal at pinapahalagahan si senorita saphera sa paraan ng pagtatrato nila sa akin.

Haytsss...

Naalala ko ang sinabi ni Clitch na bukas na bukas din ay magsisimula na ako para sa pagsisimula rin ng kaniyang plano. At ngayong araw yun mismo. Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubusang maisip kung ano ang kaniyang plano at para saan naman ito.

Tumingin ako sa malaking relo at mahigit alas kwatro na pala.
Maya maya pa ay may kumatok na naging dahilan ng pagkagulat ko.

"Senorita Rissey? Gising ka na ba?" Si manang rosing pala.
Paano po ako magigising eh hindi naman po ako nakatulog.

"Opo. PAsok po kayo."
Maya maya pa ay bumukas na ang pinto at may dala dala siyang isang bote ng gatas.

"Oh ito, uminom ka muna ng mainit na gatas. Maya maya rin ay magsisimula na kayo ni Senorita Clitch" sabi ni Manang at inabot sa akin ang gatas. Agad ko naman itong tinanggihan.

"Ah Huwag na po Manang, kayo na lang po ang uminom niyan. Nakakahiya naman po" sabi ko dito.
Ayos lang naman sakin na hindi ako mag gatas dahil mas sanay naman akong walang iniinom na kahit anong mainit sa pagsapit ng araw.
Ngumiti ito sa akin at ibinigay parin sa akin ang gatas. Ipinahawak niya ito sa akin at hinawakan niya din ang Kamay ko na ngayon ay hawak hawak ang Gatas.

"Tapos na ako Iha. Inomin mo na ito. Wag ka nang mahiya. Ganito talaga dito. Lahat ng Senorita at Senorito dito sa loob ng bahay na ito ay kailangan naming pagsilbihan sa lahat ng oras dahil iyon ang dapat." Sabi nito.

"Pero hindi naman po ako Senorita dit-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may magsalita mula sa pinto ng kwartong ito.

"At Simula ngayon ay magiging isa ka na sa amin. Magiging Isa ka na ring Señorita... Senorita Saphera" sabi ni clitch.

Nagulat ako sa mga sinabi nito, pati narin si Manang Rosing ay nagulat at napaawang ang labi.

"P-Po? Pero Clitch. Hindi ako mayaman, isa lang akong babaeng napulot niyo sa Squaters na yun. At... At mas lalong lalo na hindi ako pwedeng maging si Senorita Saphera. Ano na lang ang iisipin ni Señorita Saphera kung malaman niya na ginaya at kinopya ko ang Pangalan niya?" pagtutol ko sa mga sinabi nito.

"Hindi niya na ito malalaman. Wala na siyang iisipin at sasabihin na kahit amo sayo dahil... Rissey, wala na siya..." Sa sinabi nito ay bigla akong kinabahan. Ang lakas ng kabog ng puso ko. At wala man lang lumalabas na salita mula sa akingayibig.
"P-Patay na siya, Rissey" pagpapatuloy nito.

Pagkasabi nito ay nasaksihan kong tumulo na ang mga luha ni Clitch. Si manang rosing ay tumayo at inalalayan na tumahan Ang alaga niya, kita ko rin sa kaniya ang lungkot. Habang ako ay
Natulala na lang sa mga nalaman. Hindi ako nakapag salita ng tuluyan sa nalaman ko.

P-Patay na si Señorita Saphera?

DONT FORGET TO VOTE. VOTE LANG NG VOTE PARA GANAHAN ANG MAGANDANG DALAG NIYO NA AUTHOR😂

COMMENT KUNG MERON SUGGESTION SA STORY KO. LIKE ANO BANG GUSTO NIYONG IPANGALAN SA MGA SUSUNOD NA CHARACTERS. MAMIMILI AKO AT IS-SPECIAL MENTION KO DITO SA STORY. MUAH

If We Never Met (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon