5

39 28 0
                                    

DONT FORGET TO VOTE. VOTE LANG NG VOTE PARA GANAHAN ANG MAGANDANG DALAG NIYO NA AUTHOR😂

COMMENT KUNG MERON SUGGESTION SA STORY KO. LIKE ANO BANG GUSTO NIYONG IPANGALAN SA MGA SUSUNOD NA CHARACTERS. MAMIMILI AKO AT IS-SPECIAL MENTION KO DITO SA STORY. MUAH

Rissey's Pov;

Tinignan ko si Senorita Clitch at binigyan ng nagtatakang tingin. Nakita naman at nakuha naman niya ang ekspresyon ko.
Naguguluhan na talaga ako. Sino ba si Saphera sa buhay nila? Kamukha niya ba talaga ako?

"K-kuya. Take it easy. H-Hindi siya si S-Saphera..." Malungkot at nagpipigil na iyak na ni Señorita Clitch.

Ngayon sigurado na talaga ako na Kamukha ko talaga ang sinasabi nilang Saphera.

Unti unting lumuwag ang pagkakayakap sa akin ng Lalaki at takang tinignan ang mukha ko. Napatingin din ako sa kaniya. Unti unti itong tumayo at inalalayan din akong tumayo.
Nakikita ko parin sa mga mata niya ang pagtataka at pagkabigla.

Ano ba sa kanila si Senorita Saphera?!

Umupo kami sa harap ng hapagkainan AT hanggang ngayon ay nakatitig parin sila sa akin at pinagmamasdan ako. Nailang naman ako kaya ibinaling ko na lang  sa ibang bagay ang paningin ko. Sa harap ko ay may malaking lamesa, Nakita ko ang samut saring sa tingin ko palang ay mga masasarap na pagkain na alam kong ni minsan hindi ko pa nalasahan sa talambuhay ko. Napalunok ako dahil sa takam. Gutom na gutom na talaga ako. Wala pa akong kinain simula kaninang umaga kasi inuna ko pa yung pamamalengke at baka magalit sa akin si Mam-...

HALA! SI MAMA! Nawala si mama sa isip ko dahil sa mga nangyari ngayong gabi. Patay ako nito.

"Ah. Señorita Clitch, kailangan ko na po talagang umuwi. Iniintay na pong bumalik, gabi na po. At nag aalala na sa akin Ang aking mama." Sabi ko na may pag aalala sa tono.
Nakita ko na umayos siya ng upo pati narin ang lalaki sa tabi niya.

"Ahmm... Rissey, Ang kapatid ko... Si Kuya Jieso. Jieso la Venganza. Kua Jieso, S-Si Rissey. Ang Babaeng pinapag usapan natin kanina." Pagpapakilala niya sa aming dalawa.
Tinignan ko si Jieso... Nakatitig parin ito at mukhang kinakabisa bawat sulok ng mukha ko.

"A-Ah ikinagagalak ko kayong makilala Senorita Clitch at Jies-" Ah mali! Dapat ko ding tawaging Senorito si Jieso.
"...Señorito Jieso. Pero kailangan ko na po talagang bumalik sa amin." pagpapatuloy ko.

"Rissey, Wag mo na kaming tawaging Senorita o Senorito. Tawagin mo na lang kami sa aming mga Ngalan. At ahm isa pa Rissey... Hindi ka muna maaaring bumalik sa inyo." sabi ni Clitch, sabi niya wag ko na daw sila tawaging Senorita at Senorito at  ginagalang ko ang kanilang desisyon.
Pero...

"Po? Hala bakit? Mag aalala sakin si mama." Sabi ko.

" Kailangan pa kita-namin... Kailangan nating mag usap." sabi ni Clitch.

"Po? Eh pano na po si Mama, mag aalala sakin yun" Sabi ko.

"Rissey, We can call her anytime naman. Dont worry." sabi nito.

"Eh wala naman po kaming telepono kaya hindi niyo matatawagan yun."
Sabi ko. Totoo naman talaga. Yung telepono ni mama, isinanla noya na para may pang bayad naman kami sa kuryente pero hindi na nabawi iyon.

"I gave her phone." Sabi nito.

"Po?" Hindi talaga ako makaintindi ng english dahil sa elementary lang ang tinapos ko. Ang tanging alam ko lang ay ang mag sulat ng mga salita at ng pangalan ko. Bumabase din ako sa mga ekspresyon nila at inagtutugma ito sa mga english na pananalita nila at doon ko nalalaman ang gusto nilang sabihin.

If We Never Met (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon