25

24 17 0
                                    

Dont Forget to Vote!!!

Risseys' PoV;

'Paano kita makikilala? Eh hindi ko nga alam kung paano ka nabuhay at kung saang lugar ka lang pinulot ng kapatid ko'...

Paulit ulit na pumapasok ang mga sinabi niyang yan sa utak ko na nagdudulot ng patuloy ko paring pag iyak.

Hindi muna ako pumasok sa Room A-11. Masyado ko pang dinadamdam yung sakit na mga salitang sinabi sa akin ni Jieso. Basta na lang ako dinala ng paa ko sa Yoshi fountain at doon ibinuhos lahat na umaagos na luha mula sa mata ko.
Walang tao dito kundi ako dahil lahat ng estudyante ay nasa kaniya kaniyang Room na ang iba naman ay nasa ibang parte ng K.S.U.

Kumuha ako ng isang White flower at hindi ko namalayan na matinik pala ang katawan ng bulaklak na iyon. Pero imbis na masaktan ako dahil sa mga tinik ng bulaklak na iyon ay nang mga oras na yun ay parang namanhid lahat ng katawan ko, hindi ko maramdaman na bumabaon na pala sa kanang palad ko ang mga tinik. Tanging nangingibabaw lang sa akin ang Sakit dulot ng mga ibinigkas sa akin ni jieso.

Lumapit ako sa Fountain dala dala ang Bulaklak at kumapit sa paikot nito. Dumungaw ako sa tubig na gumagalaw dahil sa impact ng pagbagsak ng ibinibugang tubig ng fountain. Tumingin ako dito at pinagmasdan ang sarili. Mamula mula na ang paligid ng aking mga mata at Basang basa ang mukha ko dahil sa luha. Kahit punas punasan ko ito ng palad ko hindi parin tumitigil sa pag agos ito kaya hinayaan ko na lang lumabas lahat ng idinulot niyang sakit. Hinahayaan ko lang hanggang sa maramdaman kong wala na akong luhang mailalabas.

Bakit ganun, Jieso? Bakit kailangan sayo ko pa maramdaman yung sobrang sakit na katulad nito? Bakit kailangang ikaw pa yung makapanakit sa akin ng ganito? Sa dami-dami ng taong pwedeng makasakit sa damdamin ko, bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa na siyang una kong minahal at minamahal...?
Bakit pakiramdam ko, masyado mo kong minamaliit sa sinabi mo?

'Paano kita makikilala? Eh hindi ko nga alam kung paano ka nabuhay at kung saang lugar ka lang pinulot ng kapatid ko'

Pinitas ko ang mga petals ng bulaklak at isa isang inihulog sa sumasayaw na tubig.

Kahit na sa ganoong lugar lang ako napulot ni Clitch. Kahit na sa Squatter Area lang ako nakilala ni ng kapatid niya, hindi niya parin alam kung gaano kahirap ang dinanas ko sa lugar na iyon. Maraming panlalait mula sa kalapitbahay ang palagi kong naririnig na nakakapagpasakit sa damdamin ko. Pakiramdam ko dati wala akong malugaran sa napakahusgang mundong ito. Pero yung pakiramdam na iyon ay nawala hanggang sa makilala ko kayo nila Clitch, pero ngayon... Yung pakiramdam ko na yun na matagal ko nang hindi naramdaman at hindi ko na gusto pang maramdaman ay bumalik. Bumalik dahil sayo, Jieso.

Mga ilang minuto pa ang tinagal ko sa yoshi fountain bago ako mahimasmasan. Inayos ko ang sarili ko at naglakad lakad sa loob ng University. Pakiramdam ko lantay na bulaklak ko na naglalakad sa buwan. Napaka bagal ng paglakad ko na akala mo'y madaming mga tao sa unahan pero wala. Nawawalan pa ko ng gana at feeling ko masyadong naubos yung lakas ko sa nangyari kanina. Napagdesisyonan kong pumunta sa Cafeteria at nakakaramdam na ako ng gutom, naalala kong hindi pala ako nakakain sa Mansion nila Clie.

Pupunta na ako sa Counter ng bigla may tatlong babaeng nakabangga sa akin. Wala akong naging reaksyon dahil wala naman akong naramdamang sakit. Hanggang ngayon namamanhid parin pala ang katawan ko. Narinig ko na Dumaing ang tatlong babae, marahil nasaktan sila pero wala naman sa amin ang napasalampang sa sahig.

"Sorry." Sincere na sabi ko pero parang walang gana ko iyong ibinigkas. Pinagmasdan nila ako mula ulo hanggang paa at nginisihan ako ng nasa gitna.

"So It's you?" Sabi niya na parang may pang iinsulto.

"Yeah, It's me." Sarkastiko kong sagot. Wala pa akong ganang makipag usap sa kahit kanino dahil sa nangyari sa akin kanina kaya iyan na lang ang sinabi ko. Nakita ko pa na pinandilatan nila ako ng mata na para bang hindi nila inexpect ang isasagot ko. Siniringan pa ako ng dalawa.
Nagugutom na ako kaya gusto ko nang matapos ang eksenang to.
"Sorry. But let's just continue it some other time. I'm getting starving na kasi. Padaanin niyo ko at kung hindi baka kayo pa ang makain ko." Sabi ko na nakapag panganga sa bibig nila. Halatang hindi na naman nila inexpect ang sinabi ko. Dumaan ako sa gilid nila pero hinawakan ako sa braso ng babaeng nasa gilid at iniharap sa kanila. Madiin akong pumikit dahil nakakaramdam ako ng dagdag na inis. Ayokong humantong na sa kanilang tatlo ko mabuhos lahat ng sakit, inis at galit na naramdaman ko ngayong araw.

If We Never Met (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon