Don't forget to vote!!!
Clitchs' POV;
"Nginingiti ngiti mo jan?" Bumalik ako sa aking presensya ng bigla siyang nagsalita. "Parehas ba tayo ng na-imagine?" tanong niya.
"What are you talking about? We have a different brains, malay ko ba kung ano yang ini-imagine mo." At sinamaan ko siya ng tingin.
Kung nakaya niyang pabagsakin yung dalawang yun, malamang kayang kaya ko rin... yun ay kung hindi pa masyasong matagal simula nung maparusahan ako...
"Ahm Clie, Alam kong wala akong karapatan para sabihin sayo 'to... Pero Can I have a favor? Kahit ngayong araw lang pwede mo bang kalimutan kung ano man yung nagawa ko sa inyo? Kahit ngayong araw lang ang isipin lang muna natin ay kung bakit nandito tayo sa trip na to? Para sa safety natin please, Sana pumayag ka sa favor ko." Sabi niya pero hindi muna ako sumagot at tinitigan ko lang siya.
Rissey's Pov;
"Hayyy nakakapagod." Sabi ko sabay upo sa bench.
"Yeah, But it's Fun." Ni Jieso. Tumingin naman ako sa kaniya at kinunutan siya ng noo.
"It's Fun... What kind of happy is that?"
"Syempre mas nakilala pa kita kung sino ka talaga. Ahm Rissey, I'm sorry for what I'd said to you before." Sincere na sabi niya. Ewan ko ba pero masaya din ako sa sinabi niyang mas nakilala niya pa kung sino talaga ako.
"Oh, Don't be. I already forgiven you. Let's just forget about that." Sabi ko na nakangiti.
"Muchas Gracias (Thanks a lot)." sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit na kinabigla at kinabilog ng mata ko.
*Tug Tog *TugTog.
At bago pa man niya marinig ang naghuhumiyaw na puso ko ay lumayo na ako sa kaniya at tumawa na lang."Ah. Hehe. De nada(You're welcome)" sabi ko at kamot ng batok. Nakita ko naman siya na nagtaka dahil lumayo agad ako sa pagkakayakap niya pero nawala rin agad yun sa narinig niyang sabi ko. Ramdam ko ang init ng mukha ko.
"Hmm. So how much do you know about speaking spanish language?" Tanong niya sabay Tawa.
"Solo un Poco (just a little bit)." Sabi ko.
"Nice. I didn't know that-that learning spanish language is also a part of your Mission, huh?"
"Hmm Not really. It's just that- I wanna learn Spanish Language 'cause I want to. I don't know but- there's something in me that I am connected in what Country you from." Gulong gulo na sabi ko.
"I got you... Well maybe kaya mo sinasabi yan kasi, nasa ibang mundo ka na ginagalawan mo. Look, Im not insulting your past Place. Ang sinasabi ko lang dito is Nasa Loob ka kasi ng Mission niyo ni Clitch. At ang mission niyo na iyon ay ang magpakita ka ng personality ni Saphera. Si Saphera pure Spain blooded, kaya malaki sa part ng buhay niya ang pagiging Spaniard. At ngayon na ikaw na ang gumaganap bilang siya... Kaya mo siguro na a-adapt yang ganyang feeling dahil doon." Explained niya. Nakuha ko naman ang punto niya.
"Well, maybe you're right." Sabi ko pero deep inside may part sa akin na may something talaga sa akin na taliwas sa ipinaliwanag ni Jieso.
"Let's go to the bus. There's nothung to do here Outside. Tapos narin naman ang gagawin natin dito. Sabi din ni Miss na... After 20 minutes, aalis narin naman tayo." Hinila niya ang kamay ko kaya napatayo ako bigla.
"Teka sandali. You go first." Sabi ko na ikinakunot na naman ng noo niya.
"What are you goin' to do?" Tanong niya.
"I just- I just wanna visit something." Mahina kong sabi.
"Wait what?" Pagpapaulit niya sa sinabi ko. Nginitian ko lang siya at tumakbo papalayo.
Bigla naman akong nakaramdam ng may humawak sa kaliwang kamay ko at si Jieso yun.Ang lambot talaga ng kamay niya.
Bigla ay nakaramdam ako ng panlalambot sa puso ko. Ewan ko basta yun ang nararamdaman ko. HAHAHA. Kinikilig na naman ako.
"Itong babaeng to kung saan saan na lang dinadala ng paa. Next time na humiwalay ka ulit sa akin, poposasan ko na talaga yang kamay mo tsaka yung kamay ko para di ka na makatakas." Biro niya. Tumawa naman ako.
"Sorry naman. Namiss ko lang talaga kasi ang lugar na to eh." Sabi ko na nakapagpatigil sa kaniya sa paglalakad kaya pati ako nadamay dahil hawak niya parin pala ang kamay ko.
"Qué quieres decir¿ (What do you mean?" imbis na sagutin ko siya ay nginitian ko lang siya.
"Yung kamay mo muna..." ibig kong sabihin ay binatawan niya na ako. Tinignan niya naman ang kamay namin pero di niya naman ako binitawan.
"I don't. Baka kapag binitawan kita lumayo ka na naman sa tabi ko." Sabi niya na ikinangiti ko talaga sa kilig. Kanina pa ako kinikilig at hindi ko na talaga kayang pigilan iyon. Kaya imbis na komontra pa ako ay hinayaan ko na lang. " San ka na naman ba kasi pupunta?" Tanong niya. Nginitian ko naman siya.
Jiesos' pov;
"Here we are..." Sabi niya at pinagmasdan ko naman ang paligid.
Nakita ko ang bawat barong barong at mga kagamitan na basta basta na lang inilalagay sa ding ding ng bahay nila. Nakikita ko ang isang lugar na napakalayo sa kinagisnan kong lugar. Hindi sa pang iinsulto at naaawa pa nga ako dahil walang kaayusan ang bawat bahay sa lugar na ito. Yung ibang bahay ay bato ang dingding pero kita naman sa mga bubong nito na marurupok at makalawang na. Yung iba naman ay purong plywood lang ang sinisilungan. Lahat ng bahay dito ay masasabi kong Hindi masyadong maayos ang pagkakagawa pero kayang kaya paring tirahan.May isang bahay lang akong bukodtanging nakakuha ng buong atensyon ko. Sa lahat ng bahay dito ay ito lang ang bukod tanging hindi na matitirahan pa. Kitang kita ko ang mga kahoy na nagsipagbaklasan at bubong na piyapiyaot na. Pakiramdam ko kung tutungtong ako sa bahay na iyon ay maaaring bumagsak na ito.
"May pagbabago rin pala ang lugar na to Simula nung umalis ako." Biglang sabi ni Rissey. Natigilan ako doon at nirealize ang ibig niyang sabihin.
No me cuentes(don't tell me)... She lived here before?
"Do you see that Putrid House? Yang maliit na barong barong sa lahat ng bahay dito..." Then she pointed the house that I was Thinking too. "Doon kami nakatira..." After ahe said that, mas lalong nanigas ako at walang makalabas na kahit anong words sa bibig ko.
Time To Vote!!!
BINABASA MO ANG
If We Never Met (On-going)
Teen Fiction"Isang babaeng lumaki sa mahirap lang na pamilya, hindi nakaranas na maging isang bata, hindi nakaranas na maging katulad ng ibang bata. Isang babaeng Hindi nakaramdam na magkaroon ng tunay na kaibigan. Ngunit may makikilala siyang ibang tao na mala...