11

29 22 0
                                    

DONT FORGET TO VOTE. VOTE LANG NG VOTE PARA GANAHAN ANG MAGANDANG DALAG NIYO NA AUTHOR😂

COMMENT KUNG MERON SUGGESTION SA STORY KO. LIKE ANO BANG GUSTO NIYONG IPANGALAN SA MGA SUSUNOD NA CHARACTERS. MAMIMILI AKO AT IS-SPECIAL MENTION KO DITO SA STORY. MUAH

Rissey's Pov;

Nabigla rin katulad ko ang dalawa ng marinig nila ang lalaking nagsalita mula sa likod ko. Natatakot akong bumalik ng tingin sa kaniya dahil baka pag nakita niya ako ay magalit o magulat din siya na kamukha ko ang Saphera na tinutukoy ng dalawang nasa unahan ko.
Dahil sa bigla ay nabulunan pa si Jieso ng kinain niyang Adobo, agad naman itong binigyan nang Baso ng tubig ng kaniyang Kapatid.

"B-Butler Ching (Shing)" sabi ng dalawang nasa unahan ko at yumuko dito.

"Ang sasaya niyo ah? Bakit parang pakiramdam ko, sa tinagal tagal ng panahon ng mawala si Señorita Saphera eh ngayon ko muli kayong nasilayang ngumiti ng ganiyan? At hindi ko alam na may bisita pala kayo" pagkasabi nito ng ganoon ay Napalunok na lamang ako. Mas lalo pa akong napalunok ng tignan ako ng dalawang magkapatid sa Mata.

Anong gagawin ko?!

"Señorita Clitch, Señorito Jieso... Maaari ko bang makilala ang binibining nasa harapan niyo?"
Pati ang dalawang magkapatid ay napapalunok na din at walang salitang lumalabas sa kanilang bibig.
"Binibini... Maaari ko bang makilala ang panauhin ng aking mga pinapangalagaan?" Tanong nito sa akin mula sa likuran ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na't nakikita ko sa dalawang magkapatid na kinakabahan at hindi din nila alam kung ano ang gagawin.

"Ahh.. Arrepentido (Sorry), Butler. Pero meron siyang stiff neck kaya hindi siya makakalingon sayo." Agaran na sabi ni Jieso. Alam ko rin na kinakabahan na ito dahil ang mga sinasabi nito ay kung ano ano na. Gusto kong matawa sa sinabi niya pero wala ako sa lugar para tumawa at mas nangingibabaw sa akin ang kaba.

"Kung ganoon ay ako na lamang ang haharap sa kaniya" narinig ko ang mga hakbang nito papalapit sa akin na siya naman agad na pinigilan ni Clitch.

"Butler, kakadating niyo pa lang hindi ba? Why don't you take some rest muna?"
pagpipigil ni Clitch sa Butler nila.

"Ayos lang ako Señorita. Isa pa, hindi naman ata maganda kung hindi ko papansinin at pauunlakan ang binibining panauhin ninyo..." Narinig ko na magsimula ulit siyang maglakad palapit sa akin. Kinakabahan na ako.

"Butler!!" Pigil ng dalawang magkapatid pero huli na ang lahat. Nasa harapan ko na ang lalaking tinatawag nilang butler at mula sa walang emosyon na mukha nito ay naging gulat ito. Dumilat pa lalo ang mga mata nito upang makita kung tama ba ang nakikita niya at umawang naman ang labi nito katulad ng reaksyon ng dalawang magkapatid ng una akong makita.

"¿Qué Diablos? (What The?),
S-Señorita S-Saphera?...¿Eres Tú? (Is that You?)" Gulat na gulat na sabi nito. At parang maaapusan na ng hininga sa pagkabigla.
Napalunok na lang ako.
Maya maya pa ay napakapit siya sa gilid ng lamesa upang maging sandalan kung sakaling mawalan siya ng balanse sa pag tayo.

"BUTLER!! No Es (She's not), Butler.
She is Rissey. Es nuestro  Amiga (She is our Friend). A new friend." Sabi ni Clitch habang inaalalayan naman ni Jieso ang kanilang butler na umupo.
Nakatitig parin sakin at hindi makapaniwala ang butler nila sa nakikita. Kaya nagpasiya na akong magsalita.

"A-Ako po Si Rissey. Pa-Pasensya na po Manong kung nagulat ko kayo. A-Alam ko pong nagulat kayo dahil sa kamukha ko si Señorita Saphera pero hindi po ako siya" nakayuko at kinakabahan parin na sabi ko.

If We Never Met (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon