3

43 33 3
                                    

Rissey's Pov:

Nagising na lang ako sa malamig na simoy ng hangin mula sa bintanang nakabukas.

Nahulog pa ako sa higaan na malambot ng hindi ko namalayan na hindi pala ito nakapatong mismo sa sahig. Ang kama na ito ay malaki, malambot, mabango, malinis at nakakapang akit talaga matulog ulit  ng sobra. Ang kama na ito ay nakapatong sa sobre kama at hindi sa sahig kaya nahulog ako. Hindi katulad ng hinihigaan namin ni mama sa bahay. Isang simpleng banig lamang na punit punit pa.

"Aray ko ang sakit sa likod." Sabi ko at unti unting bumangon at umupo sa sahig ng nakapikit parin at namimilipit sa sakit ng likod. Nang medyo nabawasan na ang sakit ay nagmulat na ako at nakita ko ang sarili ko sa salamin at doon na bumalik ang huwisyo ko.
"AHHHHHH!!!" Napasigaw na lang ako ng nakita ko ang mukha ko sa salamin. Diyos ko po. Ako po ba talaga to?! Lumapit ako ng dahan dahan sa malaking salamin at pinagmasdan ang sarili ko.
Mahabaging panginoon... Ako po ba talaga ito? Hindi kumukurap ang mata at nakaawang parin ang labi sa nakikita sa salamin. Maayos ang mukha ko, nawala ang dungis sa bawat parte ng katawan ko, nawala ang libag ko! Bago din ang suot kong damit, tinignan ko ang buhok ko at inamoy, mabango ito at malambot na hindi katulad ng dati. Ang mga kamay at paa ko ay wala naring bahid ng alikabok at putik. Pati narin ang mga kuko ko ay malilinis narin, at may kolorete pa sa mga kuko.

Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nag aalalang mukha ng babaeng nakita ko sa Van at ang kasunod niyang isang maid na nabigla din ng makita ako. Hinagilap ako ng mata nito at nang makita ako ay mabilis na lumapit siya sakin at hinawakan ang dalawa kong braso.

"¡Dios Mío!(Oh my God!) What happened? Are you okay?" Sabi nito na may pag aalala sa mukha.

"S-Sino ka? A-Ako ba talaga ito?" Sabi ko at tumingin muli sa salamin.
Ngumiti siya at inalalayan niya ako pabalik at pinaupo sa kama. Hindi parin naaalis sa malaking salamit ang paningin ko.

"Ako si Clitch... Clitch la Venganza. And yes, ikaw yan. As in Ikaw iyan" sabi niya na ngiting ngiti.

Natahimik ako ng sandali at inisip isip ang mga nangyare at naging ganito ang itsura ko.

"Ughh.." Bigla na lang akong nabigla ng maalala ko si Mama. Patay! yung mga pinamili ko. Kailangan ko anng umalis, hindi magugustihan ni mama na sa pangalawang oagkakataon ay hindi ko na naman maibigay yung mga pinamili.

Agad kong hinagilap sa malaking kwartong ito ang mga pinamili ko.
"Hala patay. Saan na ba yun? Malalagot na naman ako kay Mama nito kapag di ko nabigay." ito na lang ang nasabi ko habang hinahalungkat ang bawat sulok ng kwartong iyon.
Nawala na lang ang kaba ko bigla sa babaeng ito dahil hindi nila ako sinaktan bagkus ay binihisan at inayusan pa nila ako.
Lumapit ako sa babae na Clitch daw ang pangalan.

"Ah C-Clitch. Maraming salamat at naging maayus at hindi ako napahamak sa inyo pero kailangan ko nang umalis. Hinihintay na ako ni Mama sa amin. Saan niyo nilagay ang mga pinamilo ko?" Sabi ko kay Clitch.
Si Clitch naman ay bahagyang lumayo sakin, tumingin sa ibang paligid at nagtaklob ng ilong.

Hala hindi kaya?...
Inamoy ko ng palihim ang bibig ko at doon ko na pagtantong galing sa bunganga ko ang baho. Marahil ito ang naamoy niya kaya nagtaklob siya ng ilong. Napahiya ako ng sobra kaya umatras din ako at yumuko.

"Ahh. Kailangan kasi kitang kausapin. Kaya rin kita pinakuha sa mga el guardia (Guards) ko." Sabi ni Clitch.

"Ahm. Makikipag usap ako sayo pero hindi muna ngayon... Kailangan kong balikan at ibigay ang mga pinamili ko kay mama. Paniguradong nag aalala na sa akin iyon." Pabulong na Sabi ko na may pag aalala na baka maamoy niya ang hininga ko. Sa lahat kasi ng inayos sakin tanging amoy ng bibig ko ang hindi nagbago.

"Dont worry about it. Ipinadala ko na ito sa mga El Guardia at El Ayudante (helper) ko para dalhin nila sa Nanay mo. Dinagdagan ko narin iyon ng stocks good for 1 month na yun o baka sobra pa. Binigyan ko narin ng hindi naman gaanohang kalaking pera pero alam kong sasapat ito sa pangangailangan niya sa loob ng isang buwan." Sambit nito. Pero paano nila mapupuntahan iyon kung hindi nila alam? Teka....

"Paanong... Bakit mo ba ito ginagawa?!" Medyo pasigaw kong sabi. At iyon na naman, nagtaklob na naman siya sa ilong niya. At ako naman, nahiya na naman ulit ako.

"I'll talk to you later. Lets have a dinner first. Manang, please assist her." Sabi nito sa Maid at tumango naman ito bilang pagsang ayon.
"Kita na lang tayo sa baba." Sabi nito na nakangiti at tinapik ang balikat ko bago umalis.

Inalalayan ako ng Maid nila at sinabing tumungo daw muna kami sa Cr. Habang inaayos ko ang sarili ko papuntang CR ay kinausap ako ng Manang ni Clitch.

"Señorita S-Saphera?" Utal at kinakabahang tanong nito.

Sino ba si Saphera?

Nagdadalawang isip ako na magsalita dahil alam kong mabaho na talaga ang bibig ko kaya umiling lang ako ng bahagya at ngumiti.

"Ah Señorita. Tutulungan ko na po kayong linisin ang sarili niyo. Sinabi po kasi ni Señorita Clitch na dapat pagbaba niyo ay maging maayos at maging komportable kayo sa lagay niyo" Sabi nito.

Gusto ko sanang sumagot kaso nahihiya na talaga ako na pati siya ay maamoy ang baho sa bibig ko.
Tanging pag iling at pag kunot ng noo lang ang ipinakita ko sa kaniya na nagsasabing kaya ko na ang sarili ko at ako na lang ang gagawa mag isa nun. Mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin.

"Kayo po ang bahala, Señorita. Iintayin ko na lang p kayo dito sa labas." Sabi nito. At tumango na lang ako.

Tuluyan na akong pumasok sa Cr at bumungad sa akin ang isang parang kwarto. Napa nganga na lang ako sa nakikita ng mata ko. Sobrang linis ng Cr na ito. Kung ako ang papaliin kung saan mas magandang matulog, sa cr ba na ito o sa kwarto ko... Mas pipiliin ko na dito na lang. Napaka kintab ng tiles ng sahig at naglalakihang salamin. May cabinet na punong puno ng mga sabong pang katawan at lotions. Bawat nakikita ng mata ko ay mukhang napaka mamahalin. Sa una ay nahihiya pa akong gamitin lahat ng kailangan kong gamitin sa pagpaligo at pag brush ng aking ngipin dahil iniisip ko na, nahihiya ako at mas lalong nahihiya ako sa sarili ko dahil gagamitin ko ang mga gamit nato sa madumi kong ngipin. Pero mas mapapahiya ko ang sarili ko kung kakausapin ko silang may mabahong bibig. Kaya kinuha ko na ito at sinimulang linisin ang bibig. Maka limang beses pa akong nag Sipilyo bago ko naamoy ang sarili kong hininga na ayos na at hindi na amoy bulok na isda. Ang pangatlong beses ko na pagsisipilyo ay hindi talaga siya bumula sa bibig ko pero ang pang ikaapat at ang ikalimang beses ko naman na pag sipilyo ay naging mabula na ito at naging maginhawa na ang bawat paghinga at pagngiti ko sa salamin. Pag katapos noon ay naligo narin ako.

Nang matapos ako sa pagligo ay kinuha ko ang towel na nakasabit doon at pinangtaklob ko sa katawan ko. Ang bango ng towel na iyon, Nakakahiya na nagamit pa ng isang katulad ko.

Pagkalabas ko ay sinalubong agad ako ni Manang. Siguro mga nasa Edad 45 na siya.
"Ah Manang ano pong pangalan niyo?" Tanong ko sa kaniya ng inalalayan niya ako paupo sa isang table na puno ng mga pang lagay sa katawan. Katulad ng lotions, brush, liptint, powder, make up kits, perfume, etc...
Nakita ko ang hindi pagbabago ng mukha nito ng magsalita ako at masaya ako dahil dun. Masaya ako na hindi na mabaho ang hininga ko kapag nagsasalita.

"Rosing. Manang Rosing" nakangiti niyang sagot. Kinuha niya ang lotion na nasa harap ko at ipinahid iyon sa balikat, kamay, binti at sa paa ko.
Nakikiliti ako sa ginagawa ni manang rosing kaya habang ginagawa niya iyon ay nagpipigil akong ngumiti.

"Alam mo ba iha, lahat ng mga nasa harapan mong gamit ay gamit ng aming Señorita Saphera. Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan?" Tanong nito. Lahat ito kay Saphera? Bakit nila pinapagamit sakin ito? Hindi ko gugustuhing magalit sakin ang may ari nito kapag nalamang may ibang gumamit ng gamit niya. Pero... Sino si Saphera? Si Señorita Saphera?

DONT FORGET TO VOTE. VOTE LANG NG VOTE PARA GANAHAN ANG MAGANDANG DALAG NIYO NA AUTHOR😂

COMMENT KUNG MERON SUGGESTION SA STORY KO. LIKE ANO BANG GUSTO NIYONG IPANGALAN SA MGA SUSUNOD NA CHARACTERS. MAMIMILI AKO AT IS-SPECIAL MENTION KO DITO SA STORY. MUAH

If We Never Met (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon