Jieso's POV:
"WAHHHHH SAM!!!! ANG GALING! SAMANTHA YAN NI KEEN! PUTCHA KEEN NAMUMULA KA!" pang aasar ni Homer kay Keen. Si Keen naman ay pangiti ngiti lang at halatang kinikilig kilig pa. Kakatapos lang kumanta ni Sam at talagang nakakaantig ang malamig na boses ni Sam. Kaya nga hindi na kami nagtataka kung bakit hanggang ngayon after 4 years, crush parin ni Keen si Sam. Torpe nga lang kaya hindi makalapit.
Tapos na ang 18 candidates na kumanta at magpakita ng angking galing nila... Pero hanggang ngayon wala parin si Rissey sa upuan niya. Ano na ba kasing nangyayari sa kaniya? Nasaan ka na ba, Rissey?
Kanina ko pa nililibot ang mata ko sa loob ng gymnasium pero hindi ko siya makita. Nahagilap ng mata ko si Zyron na parang walang pakealam kung nawawala ang nililigawan niyang babae ngayon. Wala soyang ibang ginawa kundi manood sa kumakanta at makipagtawanan sa mga kateammates namin sa basketball habang ako kanina pa hindi mapakali at nag aalala na kay Rissey. Wala ka talagang kwentang lalaki Zy. Mas lalo mong pinapakita na hindi ka pwede sa Kapatid ko.
Tatayo na sana ako para hanapin si Rissey ng bigla akong hatakin paupo ng mga kaklase namin before ni Zein.
"San ka pa pupunta, Jieso? Kakanta na yung Girlfriend mo oh!" sabay turo nito sa stage. Tumingin naman ako at nakatingin din sa akin si Zein at nakangiti.
"I would like to dedicate this song to my one and only man of my pretty world, Jieso De lavenganza." pagkasabi niya noon ay naghiyawan ang mga tao at pati narin ang mga kaklase namin ay halos magwala na sa kilig.
Nagsimula na ang intro ng kanta at nakatitig parin siya sa akin pati rin ang mga taong nasa paligid namin ay salit saliyan ang tingin saming dalawa kaya wala na akong nagawa kundi umupo na lang muna at panoorin siya. Kahit na wala na akong gusto kay Zein, may Care parin ako sa kaniya. Ayokong mapahiya siya sa maraming tao.
Intro pa lang nangkanta ay sobra na ang hiyawan sa loob ng gymnasium. Lahat sila ay manghang mangha sa boses ni Zein. Kahit ako hanggang ngayon ay manghang mangha parin. Kapag narinig mo ang boses ni Zein, automatick na mapapasmile ka. Yung boses niya ay nakakapangrelax ng tenga, masarap pakinggan. Isa yan sa nagustuhan ko dati kay Zein.
Habang patagal siya ng patagal sa pagkanta, unti unti ko naring naiimagine na si Rissey ang kumakanta sa harapan. Si Zein ang nakikita ng mga mata ko ngayon pero yung utak at puso ko iniimagine na ang tinitignan at pinapakinggan ko ngayon ay si Rissey.
Bigla ay may tumapik sa balikat ko, kaklase namin ni Zein."Ang swerte mo kay Zein, Dude." sabi nito na may inggit pa sa ekspresyon. Ngumiti lang ako dito dahil hindi ko talaga alam kung anong dapat ko bang sabihin sa sinabi niya.
Tinignan kong muli si Zein at matatapos na siya sa pagkanta. Ilang stanza na lang ay matatapos na ito at sunod na si Rissey, pero wala parin siya sa upuan niya. Kaya napagdesisyonan ko na nahanapin siya.
"Excuse me. Excuse me. Paraan." sabi ko habang pinapagilid ang mga nagsusuksukang mga tao sa dadaanan ko. Una kong nilibot ng mabilis ang gilid ng gymnasium pero hindi ko siya nakita.
Nakita ko si Sam at tinanong siya pero hindi niya din alam kung nasaan si Rissey, nag aalala narin daw siya kasi kanina pa wala sa upuan si Rissey. Hindi naman daw siya makaalis sa upuan niya dahil hindi pa tapos ang contest nila.Natapos na ang pagkanta ni Zein at nagpalakpakan at nag hiyawan ang mga tao at patuloy nilang isinisigaw ang pangalan ni "Zein".
"Rissey, ikaw na ang sunod. Where in the earth are you?" sabi ko na lang sa sarili ko.
"AND THE LAST CANDIDATE NA SASALANG SA CONTEST NA ITO AY ISANG TRANSFEREE DAW. TIGNAN NATIN ANG GALING NI MS. AVERILL VIDALES, PLEASE GIVE HER A ROUND OF APPLAUSE." sabi ng MC pero natapos na lamang sa pagpalakpak ang mga tao pero wala paring Rissey ang nagpapakita sa stage. "Miss Averill, May we call you here? Where is the last candidate?" paghahanap ng MC. May lumapit sa kaniya at sa palagay ko ito ang nagmamanage ng mga candidates sa loob ng Auditorium. Binulungan ito ng Manager at kumunot ang noo ng MC. "Tsk tsk. NAKO. MUKHANG MAY NAGBACK OUT SA ATING MGA KANDIDATA. MUKHANG KINABAHAN SI MISS AVERILL SA BOSES NG MGA NAUNA NATING CANDIDATES LALONG LALO NA SA NAPAKASARAP SA TENGANG BOSES NI MISS ZEIN." sabi ng MC at napangiti na lang si Zein. Bigla ay sumagi sa isip ko na pundahan ang Powder Room. Ito na lang ang hindi ko pa natitignan. Nang malapit na ako doon ay ganoon na lamang ang relieved sa sarili ko nang makita ko siyang papalabas ng powder room.
"MISS AVERILL. TINATAWAGAN KITA DITO SA STAGE FOR THE LAST TIME. AT TGE COUNT OF 10 AT WALA KA PA. YOU WILL BE DISQUALIFIED TO THIS CONTEST." rinig ko na sabi ng MC at nag "Awww" naman ang mga tao na para bang sinasabi nilang 'sayang naman'. Tinignan ko si Rissey pero parang wala lang sa kaniya ang sinasabi ng MC. Normal lang ang pag galaw niya at inaayos ayos pa ang gown at buhok niya.
"Excuse Me." pagpapatabi nito sa akin bago dumaan.
H-Hindi niya ba ako nakilala o H-Hindi niya lang talaga ako pinansin?
Sa inasta niya parang 'someone' lang ako na estudyante sa KSU at hindi niya kilala.
10!
9!
8!
7!
6!Matagal akong nanatili sa posisyon na iyon at iniisip ang inasta sa akin ni Rissey.
A-Anong...Tumingin ako sa stage sa likod ko at nakita ko na kausap ni Rissey ang Manager at mukhang humihingi ito ng apology sa hindi niya pagsulpot agad. Nilapitan ng Manager ang MC at sinabing nandoon na si Rissey.
"NAKO, MUKHANG UMATRAS ANG KABA NI MISS AVERILL. SHE'S HERE! FOR THE LAST CANDIDATES NA SASALANG, GOODLUCK TO YOU. ONCE AGAIN. THE LAST CANDIDATES OF THE VOICE OF KSU 2022 , MAY WE CALL ON... MISS AVERILL VIDALES!" pagkatapos nito ay pumalakpak ang mga kalalakihan pero napansin kong konti lang sa kakaihan ang pumalakpak. Isa narin si Clitch na hindi pumalakpak at may ibang klaseng tkngin siya sa stage. Tingin na para bang may Gap sa kanilang dalawa.
Maya maya ay lumabas si Rissey at katulad ng ineexpect ko ay napanganga na lang ang mga kalalakihan at ibang mga babae na nakakita sa kaniya. Bukod sa napakaganda ng suot niya ay napakaganda din niya. Para siyang Version 3.0 na Rissey. Hindi ko kaagad nakilala siya sa kaniyang bagong style ng buhok at pag kakaayos sa kaniya. May bangs narin siya na mas nagpacute pa sa kaniya. Mas lalo pang umangat ang ganda niya ng tapatan siya ng spot na ilaw. Bago siya magstart kumanta ay hindi ko napansin ang sarili ko na bumalik na pala ako sa upuan ko kasama ang mga kklase namin ni Zein, kaya narinig ko ang mga bulungan nila."No way, may namumukhaan ako sa kaniya." sabi ng babae naming kasama.
"Ako rin. May ghosh bebs bigla na lang ako nakaramdam ng goosebumps. Kinikilabutan ako, kamukha siya nung namatay na KSU students din dito dati... Si S-Saphera." bulungan nila.
"Wait, what? Omohhh oo nga no! Is it for real?" sabi pa ng isa.
"Wala naman silang pinagkaiba sa mukha, kamukhang kamukha niya talaga si Saphera. Bebs, kinikilabutan ako. Paano kung si Saphera talaga yan at palabas lang na namatay siya?"
Namatay na si Saphera, ginagawan niyo pa ng kwento.
"Hindi. Never be. Tsaka kung si Saphera yan, dapat sa dance competition siya sumali. Alam naman nating lahat na doon magaling si Saphera at hindi sa pagkanta."
Tama kayo. Kasi ibang tao naman talaga ang nakikita niyo at hindi si Saphera."Yeah you're right. But then, kinikilabutan parin ako kasi kamukhang kamukha niya talaga. Para silang magkambal tapos identical twins ganun." napatigil ang sistema ko sa narinig ko sa kanila. Napatingin pa ako sa kanila na abala na sa pag tingin at pag aabang sa pag kanta ni Rissey.
Kambal? Identical twins? What if nga talaga may kambal si Saphera?
Pero nawala ito sa isipan ko nang marinig ko na ang pagsimula nang tugtog ng kanta. Mag sisimula na siyang kumanta. Habang nag iintro pa lang ang music, pinagmasdan ko muna ang mga tao. Ang iba ay nakatingin parin sa stage pero halata mo sa mukha nila na wala na silang ineexpect na maganda kay Rissey. Ang iba naman ay busy na sa kani kanilang mundo. May nag aayos ng sarili, nag reretouch, nakikipag usap sa mga barkada at kasintahan, ang iba naman ay kumakain na lang.
Para silang nawalan na ng gana pagkatapos marinig ang boses ni Zein. Alam kasi ng lahat na walang makakatalo sa boses ni Zein, dahil totoo naman talagang napakagaling nitong kumanta, kaya ineexpect na nila na si Zein ang mananalo at itong babaeng kakanta pa lang ay hindi na kaworth it worth it pakinggan. Pinasadahan ko ng tingin sila Zyron, Clitch at mga barkada niya, pati ang mga taong nakakakilala kay Saphera, sila lang ang nakikita kong interesado sa pagkanta ni Rissey. Tsk Yun ang akala nila. Ang hindi nila alam may taglay din nakakayahan si ang babaeng nasa harapan nila.Don't forget to Vote!!!
Natatawa ko sa story ko HAHAHAHHAHA
BINABASA MO ANG
If We Never Met (On-going)
Teen Fiction"Isang babaeng lumaki sa mahirap lang na pamilya, hindi nakaranas na maging isang bata, hindi nakaranas na maging katulad ng ibang bata. Isang babaeng Hindi nakaramdam na magkaroon ng tunay na kaibigan. Ngunit may makikilala siyang ibang tao na mala...