DONT FORGET TO VOTE. VOTE LANG NG VOTE PARA GANAHAN ANG MAGANDANG DALAG NIYO NA AUTHOR😂
COMMENT KUNG MERON SUGGESTION SA STORY KO. LIKE ANO BANG GUSTO NIYONG IPANGALAN SA MGA SUSUNOD NA CHARACTERS. MAMIMILI AKO AT IS-SPECIAL MENTION KO DITO SA STORY. MUAH
Risseys Pov:
"Manang Rosing, Ako nga po pala si Rissey. Sino po ba si Señorita Saphera? Tsaka bakit po pati ako nise-Señorita niyo rin po? Hindi po ako dapat tawagin na ganun dahil mahirap lang po ako." Sabi ko habang ipinapasuot niya naman sakin ang damit na nakahanda na.
"Tinatawag ka naming Señorita dahil lahat ng mga binibining pumapasok at nagiging kaibigan ng aming alaga ay dapat Señorita din ang tawag sa kanila. Yun ang dapat dahil yun ang batas ng mga taga España. Ang pamilyang La Venganza ay May lahing Kastila mula sa purong dugo ng lolo ni SENORITA CLITCH. Ang lolo ni Señorita Clitch ay may matalik na kaibigan na isa ring may purong dugong kastila... At iyon naman ang lolo ni Señorita Saphera. Kaya kung tatanungin mo ako kung sino Si Señorita Saphera, Siya ang matalik din na Kaibigan ng Señorita Clitch." Pagpapaliwanag nito.
At inumpisan naman akong suklayan at pabanguhan ng mamahaling perfume, napaka bango nito. Alam ko na kung sino man ang makakaamoy sa pabango na ito ay mahuhumaling sa kaniya.Kaya pala ganoon na lang ang naging reaksyon ni Señorita Clitch noong una akong makita marahil ay inakala niya na ako si Senorita Saphera. Pero nasaan ba si Senorita Saphera?
"Manang. Nasaan po ba si Señorita Saphera?" Tanong ko. At tinitigan ang mukha ni manang rosing. Nagbago ang itsura nito at bahagyang nalungkot. Umiling lang ito at hindi sumagot. Hindi ko narin siya pinilit dahil baka magalit pa siya sa akin.
Nang matapos kami ay tumingin ako sa salamin at nakita ang sobrang pagbabagong nagawa sa itsura ko mula talampakan hanggang bunbunan. Ibang iba. Hindi parin ako makapaniwala na naranasan kong maging maayos kahit minsan lang. Hinding hindi ko makakalimutan ang itsurang nakikita ko ngayon sa harapan ng salamin.
Ang pagbabago ko.
Habang bumababa kami ni manang ay may narinig akong mag uusap at nag mumula ito sa dulo ng lagusan na ito.
Rinig ko ito kahit malayo pa kami dahil napakatahimik ng lugar na ito at marahil narin sa echo dahil sa pagiging bato ng bahay na ito."Qué Diablos (What the hell!), Clitch! Did you know what are you doing? Are you Nut? Bakit ka nagpapasok dito ng ibang tao ng hindi ka nagpapaalam sa akin at mas lalong lalo na sa parents natin ha? Paano na lang kung malaman nila ang ginawa mo?! Paniguradong Magagalit sila sayo! Pero yung mas malala Madadamay ako dahil sa kagagawan mo! And then what? Aampunin mo pa kamo? Seriously, Clitch? Hindi ito foundation o ampunan ng mga napupulot mo lang sa kalye!" Rinig ko na sigaw ng isang lalaki kay Señorita Clitch. Ramdam na ramdam ko dito ang galit niya. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng awa sa sarili ko sa mga pinagsasabi ng lalaking iyon. Pakiramdam ko tungkol sa akin lahat ng sinasabi niya. Ako ba yung pinag uusapan nila?
"El hermano mayor (Kuya), Arrepentido kung gumawa ako ng mga kilos na hindi niyo alam. Pero Mi Hermano Mayor, kaya ko lang naman nagawa iyon kasi... Kuya, alam kong hindi mo mapapaniwalaan lahat ng sasabihin ko sayo ngayon. Pero kuya, maiintindihan mo rin ako kapag nakita mo na siya." sabi ni Clitch.
"¿Dónte Está? (Where is She?)" Sabi ng lalaki. Hindi ko naiintindihan ang mga lengwahe nila pero alam ko na... Sa Spanish na lenguahe iyon dahil nalaman ko kay manang rosing na may lahi pala silang Kastila.
"At Saphera's Room" Sabi ni Clitch.
"Unbelievable, Clitch. Tsk" sabi ng lalaki at nang malapit na kami ni manang rosing sa kusina nila... Nakita ko na sila Clitch at iyong lalaki. Nakatalikod ang lalaki sa banda sakin at si Clitch ang nakaharap sakin.
Nakita kong tumayo at akma aalis na ang lalaki na kausap ni Señorita Clitch. Pero napa atras ito patalikod ng nakita niya na ako at naging dahilan ng pagkawala ng balanse niya kaya napasalampang siya sa sahig pero nakatitig parin sakin."KUA!" alalang sabi ni Senorita clitch.
"¡DIOS MíO!(oh my god!)" Sigaw sa gulat ng lalaki.
Nakaawang ang labi nito at gulat na gulat. Agad kong tinulungan siya pero hindi siya nagpahawak sakin, nakikita ko sa mga mata niya na natatakot siya at nag tataka ng makita niya ako dito. Hindi narin siya nakapag salita at tinitigan lang ako nang may gulat parin sa mukha.
"P-Patawad po." Ako na ang humingi ng dispensa dahil baka nabigla ko siya kaya siya napasalampang sa sahig. Yumuko ako dahil sa nahihiya na ako sa paraan ng pag titig niya.
Naramdaman ko na lang na Hinawakan niya ang pisngi ko at inalalayang itaas ang mukha ko para makita niya ako ng buo at makita ko siya.
"S-Saphera?" Tinignan ko siya at nakita ko sa mga mata niya ang nagbabadiyang bumagsak na mga luha niya. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya dahil natulala narin ako ng makita ko ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Napakakinis ng mukha nito. May matangos na ilong at manipis at mamula mulang labi ito. Ang mas lalong nakapagpatulala sakin ang Kilay niyang makapal ang ang mata niya na singkit at makakapal na pilikmata. Napaawang labi na lang ako ng maramdamang nasa pisngi ko parin ang kamay niyang malambot. Ang kutis niya ay katulad rin ng Kutis ni Senorita Clitch.
Nakita ko na bumagsak na talagang tuluyan ang mga luha niya at niyakap ako. Naramdaman kong humagulgol na siya sa likod ko at ako naman ay nagulat na lang na tumingin sa likod ng lalaki at nahagilap ng mata ko ang umiiyak na si Senorita Clitch at si Manang Rosing na May lungkot parin sa kaniyang mga mukha at hindi rin malabong maiyak rin siya dahil nakakahawa talaga ang iyak ng dalawang anghel na nasa harap namin.
"S-Saphera..." Ulit ng lalaki na ito habang yakap yakap parin ako.
DONT FORGET TO VOTE. VOTE LANG NG VOTE PARA GANAHAN ANG MAGANDANG DALAG NIYO NA AUTHOR😂
COMMENT KUNG MERON SUGGESTION SA STORY KO. LIKE ANO BANG GUSTO NIYONG IPANGALAN SA MGA SUSUNOD NA CHARACTERS. MAMIMILI AKO AT IS-SPECIAL MENTION KO DITO SA STORY. MUAH
BINABASA MO ANG
If We Never Met (On-going)
Teen Fiction"Isang babaeng lumaki sa mahirap lang na pamilya, hindi nakaranas na maging isang bata, hindi nakaranas na maging katulad ng ibang bata. Isang babaeng Hindi nakaramdam na magkaroon ng tunay na kaibigan. Ngunit may makikilala siyang ibang tao na mala...