47

1 0 0
                                    

Rissey's POV:

"GO BABY! GO ZYRON"
"GO MY KING! MY BABY BUNCH! MY JIESO! GO GO GO!!!"

Sari saring mga sigawan at pag cheer ang mga tao sa loob ng Gymnasium na kasalukuyang pinag gaganapan ng basketball. Lahat nang babae grabe kung makapag hiyawan kapag napapasa ang bola kila Zyron at Jieso.

Magagaling silang maglaro at masasabi kong nakakaenjoy silang panoorin habang itumatakbo at nagshoshoot ng bola sa ring.
Lalo na kapag naghahawi nang basa nang buhok dahil sa pawis si Jieso, nakakainlove siyang panoorin.

Maya maya ay nagtime out muna sila. Sinundan ko nang tingin si Jieso at may lumapit sa kaniyang babae at pinunasan ang pawis niya, binigyan rin siya nito ng tubig, si Zein.

Naalala ko tuloy ang napag usapan naming dalawa.

*Flashback

"A-Anong?" taka kong tanong sa sinabi niya.
Paano niya nasasabi yung ganong salita.
"W-Wala akong magagawa diyan. H-Hindi ko siya masasaktan dahil... W-Wala naman siyang gusto sa akin." maliban na lang kung... Meron talaga. May alam ba ang babaeng ito sa nararamdaman sa akin ni Jieso? "M-May g-gusto ba-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Yes, he likes you. And that's not a big deal cause he's mine. You know that. You should." malungkot pero mataray niya paring sabi. Hindi ako nakapagsalita sa gulat ko dahil sa sinabi niya. Ibigsabihin, nagsinungaling siya sa akin sa fountain.

Bagamat may gulat parin ako sa mukha, hindi ako nagpatinag sa nararamdaman kong tuwa. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago tumingin sa kaniya.

"You want me to hurt him, right? Ohh, one moment. Do you really love him?" me.

"Tsk, Of course I do really love him. And you don't know how much I really love him." mataray parin na sabi niya.

"Ok, then. I'll do the deal. But if you really love him, then why are you planning him to be hurt by me? Ganyan ba ang pagmamahal? Handa mong saktan ang taong mahal mo para lang sa kagustuhan mo na mangyari? At ano nga bang mapapala mo kapag nagkataong ginawa ko talaga ang gusto mong mangyari? May mapapala ka ba? Magagawa ba nun na mahalin ka pagkatapos mong saktan siya gamit ang tunay na mahal niya?" kalmado kong tono. Pero sa totoo lang, pinipigilan ko na maging garalgal ang boses ko dahil nasasaktan sa hindi ko malamang dahilan.
Bago pa man tumulo ang aking luha at makita niya pa... Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Hindi pa man din ako nakalalayo ay nag iwan muna ako ng salita.

"Huwag kang mag alala, gagawin ko kung ano yung sinabi mo. Maging masaya ka lang, kahit na masasaktan mo yung taong mahal mo." at tumulo ang luha ko. Pinunasan ko iyon ng mabilis at umalis na.

Nasasaktan din ako sa mga sinasabi ko.
Pakiramdam ko, sarili ko ang kalaban ko.
Masasaktan ko ang taong mahal ko para sa kaligayahan at katahimikan ng babaeng 'to. Isasakripisyo ko ang kaligayahan at gusto kong mangyari dahil sa babaeng ito?

*End of Flashback.

Jieso's POV:

"WHOOOOOOOOO! HERSKIE FOR THE WIN! CONGRATS GEEZ! I knew it, tayo talaga ng mananalo, sa inyong dalawa pa lang ni Zyron, panalo na tayo." sabi sa akin ng kasamahan namin. Ngumiti lang ako.

"Dude, ako pa. Wala atang hindi kayang ipanalo to!" pagmamayabang ni Zyron habang nagfe flex ng bicep niya.

Tss. Puro kayabangan lang nasa utak.

"Sus, mamaya na pala ang ballnight. Magiging matinik ka na naman sa chikababes niyan, Zyron. Lalo na't team natin ang nanalo sa basketball!" biro ng kasamahan namin.

If We Never Met (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon