Dont Forget to Vote!!!
Risseys' Pov:
Pagkatapos ng usapan namin Ni Zy sa harap ng Room nila Jieso... Pagkatapos kong malaman na Ex girlfriend pala ni Jieso ang transferee... Hindi na ako umiimik.
Palagi nang malalim ang iniisip ko. Lalo na kapag naaalala ko yung sinabi ni Zy na hindi malayong magustuhan at balikan ulit ni Jieso si Zein.
Si Zein yung tinutukoy niyang babaeng una niyang minahal ng sobra pero nagawa lang nitong iwan at ipagpalit sa ibang lalaki si Jieso.
Kinuha ko ang Cellphone ko at idinial ang # ni Clie. Kailangan ko ngayon ng kausap. Kausap na maiintindihan ang sitwasyon ko. Hindi pwedeng si Zy dahil baka kung ano maisip niya kapag nag kwento ako sa kaniya na gusto ko si Jieso. Si clie ang naisipan ko dahil bukod sa alam niya na gusto ko si Jieso, kapatid rin siya nito. Kaya bilang kapatid, alam niya ang mga nangyayari sa kuya niya.
Hello? ( sagot ng nasa kabilang linya)
H-Hello Clie.
What's the problem?
Y-Yung Kuya mo. Kamusta na?
He's always fine. Mas mabuti na siya kesa dati kasi nandito na si Zein... YUNG EX GIRLFRIEND NA MINAHAL NIYA NANG SOBRA. Oh sigi na. Madami pa kong gagawin. Bye.
Call Ended.
Matapos kong marinig iyon ay bumagsak na lang yung luha ko.
Bakit ganun? Hindi ako manhid para hindi ko maramdaman ang kinikilos at pakikitungo sa akin ni Clie pag nababanggit ko sa kaniya ang kapatid niya. Ramdam ko na hindi siya interesado sa kung ano ang nararamdaman ko para sa kuya niya.
Sa tuwing kausap ko siya tungkol sa kuya niya, palagi kong napapansin na tinutuldukan niya agad ang usapan namin.A-Ayaw niya ba ako sa Kuya niya?
Ayokong isipin iyon kay Clie. Kaibigan ko siya. Hindi ko dapat pag isipan siya ng ganun.
Sa pag iisip ko ay pumunta na lang ako sa Yoshi Fountain pero nabigla ako at kumabog ng malakas ang dibdib ko ng makita ko ang likod ni Jieso. Nakaharap siya sa Fountain at parang malalim ang iniisip. Mag isa lang siya dito kaya naisipan kong lapitan at kausapin siya.
"J-Jieso..." Mahinang tawag ko mula sa likod niya. Nabigla siya pero hindi siya humarap sa akin. Nakatalikod parin siya at nakaharap sa Fountain.
"Jieso. M-May problema ba? N-Napapansin ko kasing hindi mo na ko pinapan-""Sorry. Let's just talk some other time. I have something to do." Sinabi niya sa akin iyon ng nakatalikod at akmang aalis pero hinawakan ko ang braso niya. Iniimagine ko pa nga lang na iniiwasan ako ng taong mahal ko, naiiyak na ako. Paano pa kaya ngayong harap harapan ko nang nararamdaman na iniiwasan niya ako... Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang pigilan ang luha ko. Ang sakit at hapdi na ng mata ko sa kakapigil na tumulo ito.
"A-Alam ko... Nararamdaman kong iniiwasan mo ko..." Mahina at nakayuko kong sabi.
"I'm not." tipid niyang sabi.
"M-May nakapagsabi sa akin na kapag nasa harap ka ng Yoshi Fountain, hindi ka pwedeng mags-sinungaling... Kapag nagsinungaling ka, matindi ang ibabalik sayo nitong parusa." Pagpaparinig ko.
"I'm telling you the truth. At hindi ako naniniwala sa walang kwentang philosophy na yan. I'll Get Goin'." Akmang aalis na siya pero mas hinigpitan ko ang pagkakakapit sa braso niya at doon na nagsimulang tumulo ng tumulo ang luha ko.
"J-Jieso... Why are you doing these? A-Ano ba kasing problema? Bakit mo ko iniiwasan? M-May nagawa ba kong mali? Jieso naman..." Huminto ako at tumingin sa kaniya pero mukhang kanina pa talaga siya hindi tumitingin sa akin. "K-Kung hindi ka naniniwala sa sinabi ko sayo tungkol dito sa Fountain, ako naniniwala. J-Jieso... M-Mahal kita..." Sa pagkasabi ko noon ay tumingin siya sa mga mata ko dahil sa hindi niya inaasahan na sasabihin ko. Kasabay noon ang mas lalong pagkabog ng puso ko...
"T-Tama ba yung n-narinig ko?" tanong niya. Tumango naman ako at ngumiti ng konti. Hindi siya nakareact sa sinabi ko kaya tinanong ko siya.
"Jieso... D-Do you like me?"
"No..." Nagulat ako sa sinabi niya. Pero mukhang hindi pa doon magtatapos ang sasabihin niya. "I don't like you because I Love—" Buglang huminto siya sasabihin ni Jieso sa hindi ko malamang kadahilanan.
"Y-You Love me?" Kabang tanong ko pero nung tinignan ko siya, nakatingin siya sa likod ko. Lumingon ako sa likod pero wala namang ibang tao. "Jieso... M-Mahal mo ba ako?"
Tumingin siya sa akin at bigla ay nag iba na ang ekspresyon niya."W-What the heck!? Who told you that I Love You?" At nginisihan niya ko. Kumunot naman ako sa naging asta niya.
"Pero si-sinabi mo saken na Y-You don't like me b-because y-you l-love me..." Pahina ng pahina kong boses at mas lalong napaiyak. Yun naman talaga ang pagkakarinig at pagkakaintindi ko sa sinabi niya kanina.
"Of course n0t! Ako? Sayo? Magkagusto? I.DONT.LIKE.YOU.BECAUSE.I.HAVE.GIRLFRIEND.ALREADY. Who do you think you are?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay napaatras ako at mas lalong sumikip yung dibdib ko. Unti -Unti ko na ring nararamdaman na nahihirapan na akong huminga sa kakaiyak.
A-Ang sakit lang marinig sa kaniya na diniinan niya ang mga salitang I.DONT.LIKE.YOU.BECAUSE.I.HAVE.GIRLFRIEND.ALREADY.
Hindi na ako nakapagsalita nang dahil sa sinabi niya. Siya naman ay hindi na tumingin pa sa akin.
"Jiejie!"
Nakita ko si Jieso na tumingin sa likod ko, kaya napatingin narin ako. "I was looking for you nandito ka lang pala." Sabi ng babaeng transferee, si Zein. S-Sino bang kinakausap niya? S-Si Jieso ba? "Who is she, Jiejie?" Hinawakan niya ang braso ni Jieso at humarap sa akin. Kinalas ko naman ang pagkakahawak ko kay Jieso. Yung babae naman ay parang minumukhaan ako.
"S-Saphera?" tawag niya. Hindi naman ako nakasagot at tuloy parin ako sa pag-iyak ng marealize ko na ang babaeng nasa harap ko, na ex girlfriend ni Jieso... Na Girlfriend niya na ulit ngayon... Ay si Zein."A-Averill?!" Napalingon ako ng dahan dahan at nakita si Zyron na may mukhang nag aalala at nakatingin sa akin. Papalapit na siya sa'kin. Nginitian ko lang siya kahit na patuloy parin ang pag agos ng luha ko... At pagpikit ko, naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa sahig. Narinig ko pa na tinawag ulit ako ni Zy, pati narin si Jieso pero nandilim na lang ang paligid ko.
Don't Forget To Vote!!!
BINABASA MO ANG
If We Never Met (On-going)
Teen Fiction"Isang babaeng lumaki sa mahirap lang na pamilya, hindi nakaranas na maging isang bata, hindi nakaranas na maging katulad ng ibang bata. Isang babaeng Hindi nakaramdam na magkaroon ng tunay na kaibigan. Ngunit may makikilala siyang ibang tao na mala...