26

25 17 0
                                    

Dont Forget to Vote!!!

Risseys' Pov;

*Kringggggg *Kringgggggg
Nagising ako dahil sa alarm clock. Tinignan ko ang oras at 5:30 am na. Bumangon ako ng mabilis at inayos na ang sarili bago pumuntang K.S.U.
Dahan dahan pa ako dahil hanggang ngayon ay masakit parin ang sugat na binigay sa akin nung tatlong babae. Pati narin ang aking kamay na binendahan ko na ng bago. Habang binebenda ko pa nga iyon ay naaalala ko kung bakit ko nakuha ang ganitong sugat sa palad.

"Manang-" tawag ko kay Manang Rosing dahil magpapatulong sana akong izip yung blouse ko sa likod pero naalala kong wala na pala ako sa Mansion.

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto at pinagmasdan. Kung tutuusin, mas maganda ang kwartong ito. Dito kasi lahat bago. Doon kasi sa kwarto ni Saphera, mga luma na ang gamit dahil sa kaniya lahat iyon. Hindi pinapapalitan o ipinapatanggal ni Clie yung mga gamit doon dahil para narin sa naiwang alaala ni Saphera. Pero sa bahay na iyon, hindi ako nag-iisa. Pero dito, ramdam kong ako lang ang mag-isa.

*Tinggg..

Natigil ako sa kakaisip ng tumunog ang phone ko.

*One Message From Clitch...
Nandiyan na yung sundo mo, baba ka na lang kapag ayos ka na sa lahat. Im sorry ulit kung hindi man lang kita napagtanggol dun sa mga babaeng yun. Dont worry malapit na Rissey, sa susunod... Pwedeng pwede na kitang samahan kahit saan pang sulok ng K.S.U. yan. Pero syempre bukod doon sa mga kaniya kaniya nating Rooms for schedule. Anyways, wag mo kakalimutan yung mga sinabi ko sayo.

Napangiti naman ako sa text message niya. Ramdam ko kung gaano ka concerned si Clitch sa nangyari sa akin, lalo na nung magkausap kami sa Call kagabi. Ramdam ko kung gaano siya kagigil sa mga gumawa sa akin nito. Mas galit pa nga yung aura niya kesa sakin eh. Pero sinabi ko lang sa kaniya na hayaan na lang. Wala naman sa plano namin na pati ang iba madamay pa. Hindi pa siya nagpatinag pero sa huli napapayag ko rin naman siya.

Hindi mo lang alam, Clitch. Mas masakit yung sinabi sa akin ng Kuya mo kesa sa mga ginawa sa akin nung tatlong babae.

Sumakay na ako sa Elevator pababa at nang makarating ako sa Receptionist, ibinigay ko ang Room Key ko. Noong una kong pasok dito, kinakabahan pa ako dahil baka kapag nakita nila ako... Magulat sila dahil kamukha ko ang namatay ng nagmamay-ari ng hotel na ito, lalo na't gagamitin ko pa ang exclusive condo unit ng kaibigan ni Saphera Which is Clitch. Pero sabi ni Clie, wala naman akong dapat ika worry dahil hindi naman daw naabutan ng mga kasalukuyang mga staff si Saphera. In short, mga bagong impleyado sila kaya hindi nila kilala ang may-ari ng hotel. Kilala lang nila sa pangalan pero sa mukha hindi.
Pagkalabas ko ng Hotel ay nakita ko na nga ang kotseng palaging mag susundo sa akin papunta at pabalik ng University. Sumakay ako dito at binati ang driver. Binati din ako nito at umalis na kami.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang hindi isipin yung mga nangyari sa akin kahapon. Hindi ko rin maiwasang ipagkumpara ang buhay ko noong last year kesa ngayon. Naalala ko yung mga oras na hindi nga ako nasasaktan pisikal... nasasaktan naman nila ako sa emosyonal sa paraan ng panunutya nila sa akin sa dati kong kinagisnan. Pero ngayon, katulad ng mga ginawa sa akin ng tatlong babae, hindi nga ako nasasaktan sa emosyonal... Nasasaktan naman nila ako sa pisikal.

Siguro kailangan ko na talagang tanggapin na kahit na saang lugar ka pa o kahit ano pa ang estado mo sa buhay... Masasaktan at masasaktan ka parin, mapaemosyonal man yan o pisikal.

*Tinggg

Tinignan ko ang Cellphone ko dahil tumunog.

*One message from Jieso-kyut.
(Jieso-kyut nilagay ko na name sa contact niya, totoo naman talaga kasing cute siya.)

If We Never Met (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon