Chapter 6: Facial

175 10 0
                                    

Second day na ngayon ng aming foundation week. At ngayon na rin ang laro namin sa volleyball. Kinakabahan ako. First time ko lang kasi itong maglalaro ng volleyball sa harap ng maraming tao. Naglalaro lang kasi ako ng volleyball kapag laro laro lang, 'di ko pa na-try ang actual game.

Kararating pa lang namin dito ni Andrea sa room namin, si Jordan naman ay may binili lang. Mamayang hapon pa naman ang first game namin after lunch.

"Hindi ba tayo mag pa-practice, Andrea?" tanong ko kay Andrea. Bakas din sa mukha kong kinakabahan ako kahit mamaya pa naman ang laro namin. 'Di ko maiwasang mangamba. Baka kasi kung ano lang ang mangyari sa court kapag inatake na ako ng kaba at hiya. Kailangan pa namang active ang attention mo sa bola dahil any moment ay darating na lang ito sa'yo.

"Oh, ba't parang namumutla ka ata?" nagtaka siya nang makita niya akong namumutla raw. Namumutla ba ako? Kinakabahan nga ako.

"Ano. Kinakabahan lang kasi ako para mamaya." nahihiyang sambit ko.

"Naku Austin, huwag kang kabahan. Nag practice naman tayo nung nakaraan 'di ba? Tsaka mamaya pang nine am ulit ang last practice natin, masyado pang maaga." napatango naman ako sa kanya.

"Pwede pa bang mag back out?" 'di ko siguradong natanong sa kanya. Nagulat naman siya. Eh sa kinakabahan ako eh! Kaya mas okay na lang na mag back out na lang.

"Ano ka ba, Austin? Mamaya na ang game natin tapos ngayon ka pa mag ba-back out? Baka gusto mong masampal?" pinakita niya pa sa'kin ang kamay niya na akmang sasampalin ako kaya naman hinarang ko agad ang kamay ko. Ang harsh naman nito.

"Joke lang, ito naman 'di na mabiro." agad kong nasabi baka kasi sampalin na lang ako bigla nito. Volleyball player pa naman, alam ko kasi masakit manampal ang mga volleyball player.

"Oh ba't parang magsasapakan na kayo riyan?" napalingon kami sa nagsalita, si Chelsea pala. Kadarating lang.

"Eh paano kasi Chels ayaw niya na raw maglaro. Gusto nang mag back out." sumbong naman ni Andrea. Kumunot naman ang noo ni Chelsea at tinignan ako.

"Bakit naman, Austin? Makukulangan na lalo tayo nito sa player." halata sa mukha niyang dismayado siya sa narinig niyang kagustuhan kong mag back out kuno. Bwisit na Andrea kasi.

"Joke nga lang kasi. Di naman ako mag ba-back out. Kinakabahan lang talaga ako." paninigurado ko ulit sa kanila. Mukha namang naginhawaan si Chelsea.

"Mabuti naman kung gano'n. Siguro Engineering ang makakalaban natin." tumabi ng upo sa'min si Chelsea.

"Engineering na naman?! Engineering din kalaban natin nung sa basketball 'di ba?" exaggerated na react ni andrea.

"Kung maka react ka naman parang ang big deal masyadong kalaban natin sila." ani ko sa kanya. "Paano mo pala nalaman, Chelsea?"

"Nakita ko lang sa mga lista ng mga maglalalaban laban para sa Volleyball."

Dumating si Jordan sa room namin.

"Hoy! Hinahanap na kayo ng Coach niyo! Mag practice na raw kayo." sigaw nito sa may pintuan ng room. Ang aga naman ata? Akala ko ba 9 am ang start ng practice?

Nagpalit na muna kami ng damit na panglaro saka umalis at tinungo na ang lugar kung saan kami magpa practice.

Pagkarating namin sa field nakita naming nagpapractice ang iba naming player. Di lang pala kami ang mga nagpapractice. May iba ring colleges ang nagpapractice sa ibang bahagi ng field. Kasalukuyan kasing may naglalaro sa gym kaya sa open field na lang nagpractice.

"Oh, kayo riyan. Samahan niyo na silang mag practice." sabi agad sa'min ng coach namin nang makitang dumating na kami. Kaya nama'y nakilaro na kami sa kanila.

Into You BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon