Ang ganda ng gising ko. Ang gaan gaan sa pakiramdam. Ganito pala ang feeling ng in love? Parang napakagaan lang ng buhay, palaging masaya. Walang pino-problema. Sana ganito na lang palagi. Napangiti agad ako nang makita ang good morning text ni Justin. Nakakapanibago.
"Good morning, Love. Magprepare ka na po sa pagpasok sa school, puntahan na kita riyan. i miss u :)"
Pagkatapos ko siyang reply'an ay bumangon na ako sa aking kama at bumaba na. Sure akong nasa trabaho na si ate Mitch. Pagkatapos kong maligo ay hindi na muna ako nagsuot ng uniform ko. Tee-shirt pa lang at shorts. Nasabi niya rin kasing dito siya magluluto ng umagahan namin eh. Narinig kong may bumubusina na sa labas ng aming bahay. Sigurado akong si Justin na 'to kaya lumabas na ako para pagbuksan siya ng gate.
"Hi Love." nakangiting bungad sa akin ni Justin pagka bukas ko ng gate ng aming bahay. Ang gwapo niya shit. Naka uniform na siya at naka brush up pa ang buhok. Ang aliwalas niya sa umaga! Nakaka in love lalo tignan.
"Uy, Love. Natulala ka na riyan." nag snap pa siya ng kanyang daliri at natauhan ako. 'Di ko man lang namalayan na natulala na pala ako. "Gwapo ba?" mas lumawak ang ngiti niya ng tanungin niya ako kung gwapo ba siya.
"Ah, eh. Pasok ka na. At oo, ang gwapo mo sa umaga." nakangiti ko ring sabi at natawa na lang siya. Tumuloy na kami sa loob.
"Anong lulutuin mo, Love?" tanong ko sa kanya habang naghahanda na siya ng mga lulutuin. Tumawa na naman siya. Tawanan ba naman ako?
"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Namumula na siya katatawa.
"Ang cute lang pakinggan kapag tinatawag mo ako ng 'love', iba ang epekto sa akin eh."
"Ah." napatango na lang ako at napangiti na rin. Ang cute niyang kiligin sa mga simpleng bagay.
"Fried rice with omelette on top ang lulutuin ko." binuksan niya na ang kalan para magsimula na siya sa pag luluto.
"Oh, marunong ka pala nun?" syempre alam ko kung ano 'yung lulutuin niya. Madalas ko 'yun mapanood sa anime eh.
"Oo kaya roon ka na muna sa sala. Ako na ang bahala rito."
"Gusto kitang tulungan eh. Para matuto na rin akong mag luto." sabi ko at tumabi na sa kanya. Wala na siyang nagawa kaya tumulong na nga ako. Mabuti na lang pala at may tirang kanin para sangagin. Sabagay 'di na pala ako nakakain kagabi since nabusog na ako ng pizza. Bago siya magluto ay hinubad niya na muna ang uniform niya para 'di madumihan. Nag apron na rin siya. May sando naman siya. Nakita ko na naman tuloy ang ganda ng katawan niya. Ang hot niya sa suot niya ngayon. Nakita ko rin ang kwintas na regalo ko sa kanya. Napangiti ako. Palagi niya pala itong suot.
Ako na ang humahalo ng fried rice nang maramdaman ko siya sa likod ko at yumakap sa'kin habang nakahawak sa kamay ko, sabay kaming naghahalo. Napasinghap ako ng maramdaman kong inaamoy niya ang batok ko.
"Ang bango mo talaga." mahinang bulong niya. Pero kakaiba 'yung sensasyon ng pagtama ng hininga niya sa batok ko. Ganito pala siya ka clingy kapag kaming dalawa lang. Hinalikan niya ako sa pisngi ng madalian. Nagulat naman ako dahil dun.
"Bakit may pag kiss?" asar ko sa kanya.
"Haha. Ang cute mo kasi eh. Nakakagigil." palagi niya na lang ako sinasabihan ng cute.
Natapos na kaming magluto. Parang 'di nga ata kami nag luto eh. Puro lang kasi kami landian. Mabuti na lang at maaga pa kaya 'di kami male-late sa klase namin. Nagpalit na muna ako ng tee-shirt ko. Medyo nadumihan na eh. Mabuti na lang talaga at 'di pa ako naka uniform.
"Sarap." sabi ko nang matikman na ang niluto namin.
"Syempre. Luto natin 'yan ng may pagmamahal." kumuha siya ng fried rice with omelette sa plato niya sabay tutok sa'kin ng kutsara para kainin 'yon. Sinubo ko na rin. Humalik na naman siya sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Into You BxB (COMPLETED)
Romance"'Di ba sabi mo ay wala ka pang nagiging boyfriend?" pagkuway tanong nito. "Wala pa nga." "Pero nagka crush ka man lang ba?" "Hmm. Oo. Pero ayaw ko kasing maging emotionally attached kaya as much as possible ay pinapatay ko na agad ang feelings ko...