"Hay, kapagod." naupo ako sa bench para mamahinga. Iniwan ko muna si Andrea sa room.
Nandito na naman kami sa 4th floor ng Engineering building at katatapos lang namin mag interview ng mga respondents para sa research namin. Pahirapan ang pag interview ngayon dahil kailangang vacant nila, kaya naglibot pa kami sa buong building para malaman kung aling room ang vacant o walang prof.
Kung gaano ako kapagod ay siya namang sobrang kaligayahan ni Andrea. Palibhasa kasi ay ayos lang sa kanya ang maglibot libot dito sa building dahil napapalibutan siya ng mga naga-gwapohang mga kalalakihan. Kaya 'di siya mapagod pagod dahil busog na busog ang kanyang mga mata.
Kagaya ngayon, nando'n pa rin siya sa loob dahil tinatanong niya na ng mga personal questions na hindi naman sakop ng aming research.
Ang tagal niya naman ata ngayon? Kung ano-ano pa kasi ang mga pinagtatanong. Kaya rin kami natagalan.
Sa sobrang inip ko ay tumayo na muna ako at lumapit sa edge ng building para magpahangin. May harang naman ito kaya safe ang mga estudyante sa matataas na floor.
Tumama sa'kin ang malamig na simoy ng hangin. Sinariwa ko ang presko nito sa'king balat.
"Ang ganda pala ng view rito." bulong ko sa sarili ko. Kita pala rito ang building namin sa baba. Maliit lang kasi ito ng kaunti 'di kagaya sa building na 'to na sobrang laki. Ang ganda rito tumambay, makikita mo ang mga estudyanteng naglalakaran sa baba, 'yung iba ay naghaharutan habang ang iba naman ay pasimpleng nagde-date sa bench.
Teka, nasaan na ba si Andrea? Nakipaglandian na ata sa mga interviewee eh. Binalikan ko na ulit ito kung saan ko siya iniwan.
"Oh? Ba't wala na siya rito?" inikot ko ang paningin ko sa loob ng room, nagbabakasakaling makita ko siya pero wala. Saan na kaya ito nagsusuot?
Narinig ko naman ang boses niya sa 'di kalayuan kaya lumapit ako kung saan ito nanggagaling. Ang ingay niya talaga, hanggang dito ay rinig ko ang boses niya.
Pagkarating ko sa dulong parte ng building kung nasaan ang hagdan ay nakita ko na siya, pero may kausap siya. Si Kian.
Nagtago muna ako sa gilid para 'di nila ako makita. Ano kaya ang pinag uusapan nila? Sumilip ako ng kaunti.
"Sige, mauna na ako, baka hinahanap na ako ni Austin eh." narinig kong pagpaalam nito kay Kian kaya umalis na ito. Nagkunwari naman akong kararating ko lang.
"Oh, Austin!" gulat nitong saad. Ramdam kong meroon siyang tinatago sa'kin.
"Nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Tapos ka na ba sa pag interview mo ng mga personal questions sa mga lalaki?"
"Ah, eh. Oo! Kaya tara na, balik na tayo sa room. Ikaw na nga ang magdala nitong mga papel." binigay niya sa'kin ang paper bag na naglalaman ng mga papel na pinagsulatan namin ng mga sagot nila.
"Pupunta ka ba mamaya?" bigla niyang tanong habang bumababa na kami ng building. Napapahinto pa ito every floor kasi sinisipat niya ang mga nakatambay sa labas ng room na mga lalaki. Muntanga lang.
"Ha? Pupunta? Saan ako pupunta?" pinagsasabi nito?
"'Di ba makikipagmeet ka mamayang 5 sa library?"
Oo nga no? Nakalimutan ko nang Friday pala ngayon at mamayang hapon na iyon.
"Siguro?" sagot ko naman.
"Pumunta ka! Naku. Sayang naman kung hindi ka pupunta." pagpupush nito sa'kin.
"Oo na." pupunta naman talaga ako eh. Nakalimutan ko lang talaga, mabuti na lang pinaalala niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Into You BxB (COMPLETED)
Romantik"'Di ba sabi mo ay wala ka pang nagiging boyfriend?" pagkuway tanong nito. "Wala pa nga." "Pero nagka crush ka man lang ba?" "Hmm. Oo. Pero ayaw ko kasing maging emotionally attached kaya as much as possible ay pinapatay ko na agad ang feelings ko...