Chapter 17: Confusion Intensifies!

132 9 0
                                    

"Hoy!" nagulat ako nang sinigawan at tapikin ako ni Andrea. "Nakatulala ka na naman diyan." nakapangalumbaba kasi ako rito sa aking arm chair. Hindi ko siya pinansin. Wala ako sa mood para pansinin ang panggugulo niya sa pag space out ko rito. May iniisip ako rito tapos bigla na naman siyang eeksena.

"Uy." ginulo na naman ako ni Andrea!

"Anuba?! Kanina ka pa!" inis kong sigaw sa kanya.

"Ayos ka lang ba? Ilang araw na kitang napapansing palaging nakatulala. Tapos naman na ang research natin kaya wala nang rason para maging lutang ka pa. So, what's the issue dear?" ani nito. Palagi raw akong tulala these past few days? Bakit nga ba? Eh pa'no kasi iniisip ko ang mga confession nilang nakaloloka! Una ay si Justin ang may gawa ng mga natatanggap kong mga pagkain at kung ano-ano pa tapos pangalawa naman ay si Jordan na may gusto rin sa'kin. All this time, lahat ng sweetness at malicious actions niya ay may meaning pala! I can't no longer handle this. I also hate to admit this but I was affected by their confession.

Nitong mga nakaraang araw ay iniwasan ko rin sila. I need some space!

"Hoy! 'Yan ka na naman. Para kang lutang na ewan!" ginulo niya na naman ang aking pag-iisip.

"May iniisip lang ako. Huwag ka ngang magulo." pagrarason ko sa kanya. Babalik na sana ako sa aking pag-iisip nang pigilan niya ako.

"Anong huwag magulo?! Baka nakakalimutan mo nang may hindi ka pa sinasabi sa akin!" nagulugan ako sa sinabi niya.

"At ano naman 'yun? Nasabi ko na sayong may iniisip lang ako kaya ako nakatulala." pangangatwiran ko.

"Hindi 'yon! Huwag tanga please?" pambabara nito sa'kin.

"Eh, ano ba kasi? Hindi pa kasi sabihin eh." paghuhulain niya pa ata ako, itong ang dami ko na ngang iniisip.

"Hindi mo pa sa'kin sinasabi 'yung nangyari sa pakikipagmeet mo nung nakaraang Biyernes. Ano ba 'yun? Ikwento mo naman." akala ko pa naman nakalimutan niya na 'yon. Kaya nga hindi ko na sa kanya in-open up ulit 'yon eh.

"Iyon ba? Wala naman eh. Kalimutan mo na 'yun." ani ko.

"Anong kalimutan?! Ang daya mo naman bakla! Kapag ako nakikipagmeet kinukwento ko naman sa'yo. Pero ikaw ayaw mo man lang. Sabihin mo na." pamimilit niya sa'kin.

"Kasalanan ko bang kinukwento mo sa'kin. As much as I remember, I didn't ask you to tell me. Ikaw na mismo ang nagkukwento." tinignan niya ako ng masama. Sabihin ko na kaya sa kanya na si Justin ang na-meet ko sa library at nag confess pa ito ng feelings niya sa'kin at gano'n din si Jordan?

Tinignan ko siya. Hinihintay niya pa rin akong magkwento. Napabuntong hininga na lang ako saka nagsalita.

"Si Justin ang–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang nag-hysterical at pinagpapalo pa ako. "Aray!" sabi ko na nga ba. Dapat hindi ko na lang sa kanya sinabi. Ang sakit niya pa pumalo. Volleyball player nga pala 'to dati.

"Si Justin?! As in Justin na kaibigan natin?!" ang sigaw pa nito. Mabuti na lang at kami lang ang tao rito sa room. Hindi ko alam kung nasaan ang mga kaklase ko. At hindi ko rin alam kung bakit kaming dalawa lang ni Andrea ang nandito. Kaka space out ko ay 'di ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko.

"Oo nga. Siya 'yung nakameet ko sa library nung nakaraang Biyernes." pag awat ko sa kanya dahil hindi pa rin siya tumitigil sa kapapalo sa'kin. Baka magkalasog lasog na ako nito kung hindi pa 'to titigil.

"Oh, ano raw sabi?!" mabuti naman at tumigil na siya at naintriga na sa kung ano nga ba ang nangyari.

"Hmm. Wala naman." pagsisinungaling ko. Ayoko nang sabihin pa sa kanya dahil baka mabali na ang buto ko sa mga palo niya kapag nalaman niyang nagconfess sa'kin si Justin.

Into You BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon