Chapter 14: Confusion

106 11 0
                                    

Nagising ako sa mahimbing kong tulog dahil sa ingay na bumubusina sa labas ng bahay namin. Sino naman kaya ito at ang agang nambubulabog sa tulog ko. Tinignan ko ang oras sa cell phone ko. Alas siete pa lang ng umaga. Bumaba na ako ng kwarto at lumabas ng bahay para alamin kung sino ito. Baka Shoppee lang ito o Lazada na naman dahil sa binili ni ate online. Pagbukas ko naman ay nakita ko si Justin na nakatayo sa tapat ng gate. Napatulala ako sa kanya. Ang gwapong bungad ba naman, sabay mo pa ang sinag ng araw na para bang nagpadagdag ng ganda sa aesthetic view. Ngumiti siya nang makita ako.

"Good morning." bati niya sa'kin.

"A-anong ginagawa mo rito?" ang naguguluhan kong tanong sa kanya. Wala akong matandaang pupunta siya rito at sa ganitong oras pa talaga.

"Eh, kasi 'di ba naiwan mo 'yung bag mo at wala kang pamasahe? Kaya nandito ako para ibigay 'to sa'yo." dala niya nga ang bag ko. Kinuha ko ito sa kanya.

"Salamat."

Nagkatitigan pa kami saglit.

"Hindi ka pa ba aalis?" tanong ko nang makita siyang nakatayo pa rin sa tapat ng gate namin.

"Ah. Ihahatid na rin kita sa school." napakamot batok siya. Nahihiya. Napamaang naman ako sa kanya.

"Ah, eh. Huwag na kaya."

"Sus, nandito na ako. Kaya ihahatid na kita sa school para sabay na tayong pumasok." kaya pala naka uniform na siya. Samantalang ako naka pajama pa at naka pantulog na damit. Nakakahiya sa kanya. Gulo-gulo pa ang buhok ko at hindi pa ako naghihilamos.

"Hindi ka ba malelate? Tara pasok ka na sa loob. Mamaya pang 9 ang pasok ko eh." pumasok na siya sa gate.

"Sakto. Mamayang 9 din ang pasok ko eh. Maaga lang akong pumunta rito since hindi ko alam ang schedule mo. Mamaya baka 7 AM pala tapos wala kang pamasahe." Oo nga no? Mabuti na lang at naisip niya 'yun. Dumiretso na kami sa sala. Eehk. Ang kalat na naman ng sala. Si ate talaga. Hindi talaga sa'min pwede ang surprise visit dahil ang visitor namin ang masusurprise sa kalat ng bahay.

"Pasensiya ka na, ha. Ang kalat kasi eh, hindi ako nakapaglinis. Hehe" nahihiya kong paghingi ng paumanhin sa kanya. Kung alam ko lang kasing pupunta siya rito ay baka naglinis ako ng bahay kahapon.

"Ano ka ba? Okay lang 'yun. Ang cute nga ng bahay ninyo eh."

"Sige, maupo ka na muna riyan sa sofa at maliligo lang ako saglit." naupo naman siya. Pero bigla naman siyang tumayo noong paalis na ako.

"Teka, nag almusal ka na ba?" pagpigil-tanong niya sa'kin.

"Ah, hindi pa. Actually kagigising ko lang noong bumubusina ka sa labas. At saka hindi ako rito kumakain ng almusal eh, sa school." tumuloy siya sa kusina namin. Anong gagawin niya sa kusina?

"Ako na ang magluluto ng umagahan mo." ani nito.

"Ha?! H-huwag na. Maupo ka na lang sa sala at hintayin akong maligo, bibilisan ko na para maaga tayong makapunta sa school at doon na lang kumain." pagpigil ko sa kanya pero mukhang wala na akong magagawa kasi naghahanap na siya ng maluluto niya.

"Marami pa naman tayong oras kaya rito na lang tayo mag almusal, okay? Maligo ka na at ako na ang bahala rito." tumango na lang ako sa kanya.

"Sige, ikaw na ang bahala riyan, meroong mga pwedeng maluto riyan sa ref. Tignan mo na lang." umalis na ako para maligo.

Sakto namang pagkatapos kong maligo ay tapos na rin siyang magluto at nakahain na sa lamesa. Pumanhik na ako sa kwarto ko para magsuot ng uniform. Bumaba na ako.

"Tara, kain na tayo." nakita kong bacon with sunny side up ang nakahain sa mesa. Nakasangag din 'yung kanin.

"Sige. Mukhang masarap 'tong luto mo ah?" naupo na ako at nag serve na ng pagkain. "Hindi ko alam na marunong ka palang magluto."

Into You BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon