Chapter 29: get well soon

73 7 0
                                    

Pagkatapos naming magbanlaw ay bumaba na kami. Kanina pa kasi kumakatok 'yung maid nila, pinapatawag kami.

"What took you so long? Lalamig na sana 'yung mga niluto ko kung hindi pa kayo bumaba." agad na sabi ni Tita Madison nang makarating na kami sa dining table. Mukha ngang kanina pa nila kami hinihintay ni Josiah. Napatingin naman ako kay Justin at sinamaan ng tingin, dahil sa kanya ay natagalan kaming mag banlaw.

"What?" mahinang tanong nito sa akin, parang walang idea sa nangyari kanina. Inikutan ko nga ng mata.

"Medyo natagalan po kasi sa pagligo si Justin kaya po gano'n Pasensya na po." paghingi ko ng paumanhin na siya namang sinang ayunan ni Justin.

"Yeah." napatango na lang si tita Madison.

"Okay. Let's eat na." masayang wika nito. Magkatabi kaming naupo ni Justin habang nasa kabilang side ng mesa si tita Madison at Josiah. Nakita kong ngumiti sa akin si Josiah kaya kinawayan ko 'to.

"Kain ka ng marami." sabi ko sa kanya.

"Opo, kuya Austin." hinainan na siya ni Tita.

Hindi ko naman alam na ganito pala mag celebrate si Tita Madison dahil sa dami ng nakahain. Kinuha ko ang menudo at rice. Para diretso hapunan na. Nang matikman ko ito ay namangha ako dahil ang sarap. Kaya pala may pinagmanahan si Justin sa sarap ng pagluluto. Siguro ay cooking ang bonding nila.

"Ang sarap po ng luto niyo, tita." kumento ko sa lasa ng pagkain habang nginunguya. Napangiti naman siya nang marinig iyon.

"Ay, ano ka ba. Maliit na bagay. Ito pa oh, kainin mo 'tong adobo." sabay inabot niya sa akin ang mangko ng adobo. Inabot ko naman ito at kumuha rito.

"Siguro kaya ka niya sinagot Jus, dahil sa luto ko." baling nito kay Justin na kumakain lang sa tabi ko. Naguluhan naman ako sa sinabi ni tita Madison kaya napalingon ako kay Justin ng may pagtataka.

"Siya kasi 'yung nagluto ng sinigang na pinabigay ko sa'yo dati." bulong niya sa akin. Napaisip naman ako saglit para alalahanin iyon. Naalala ko na! Iyon 'yung unang natanggap ko sa kanya. 'Yung pinaabot niya pa. Napatango na lang ako sa kanya.

"Syempre mommy, kung hindi dahil sa sinigang mo ay baka hindi ako nagustuhan nitong si Austin." aniya.

"Pinabigay mo lang kaya 'yun. Kaya paano naman kita magugustuhan aber?"

"Torpe ka pala Jus eh." asar sa kanya ng Mommy niya.

"Hindi kaya mommy." kamot ulong tugon nito.

"Paano ba kayong nagkakilala nitong si Justin, Austin?" baling ng Mommy niya sa akin. Napahinto ako saglit sa pag kain para mag isip. Naalala ko 'yung pagtama ng bola sa mukha ko.

"Nung Foundation week po sa school. Natamaan niya po kasi ako ng bola sa mukha, dinala po ako nun sa clinic, hindi ko naman po alam na sumunod pala siya para humingi ng sorry tapos nagpakilala na po siya." mahabang salaysay ko. Hindi naman ata considered 'yung unang pagkikita namin nung nabangga ko siya sa cafeteria.

"Actually hindi 'yan ang dahilan kung bakit tayo nagkakilala." bulong sa'kin ni Justin. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko na siya natanong pa dahil bigla namang nagsalita si tita Madison.

"Ah. 'Yan 'yung time na nanood kami ng laro niyo. Alam mo ba pagkauwi namin dito ay sising sisi siya sa nagawa niya sa'yo. Na dapat daw ay hindi ka tinamaan ng bola. Parang naiiyak pa nga siya eh. Sabi niya sinaktan niya raw 'yung crush niya. Baka raw magalit ka na sa kanya." panglalaglag ng mommy niya kaya napalingon ako sa katabi ko na namumula na sa hiya.

"Hindi naman 'yan totoo Mommy eh." pagmamaktol nito.

"Anong hindi. Gusto mo pa nga sana siyang balikan para ihatid pauwi eh."

Into You BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon