Chapter 16: Confession... again???

102 9 0
                                    

"Oh, ba't parang antok na antok ka ata?" pagbungad na tanong sa'kin ni Andrea pagkapasok ko ng bahay nina Jordan. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa sofa para makaidlip saglit.

Grabe, kulang na kulang ang tulog ko. Alas kwatro na ata ako ng madaling araw dinalaw ng antok. Kasalanan 'to ni Justin. Kung hindi niya sana sinabi sa'kin 'yon kahapon baka maayos pa ang tulog ko kagabi. May research pa naman kami ngayon.

"Hoy." pi'noke ako ni Andrea. "Ayos ka lang ba? May sakit ka ba?" tanong nito habang sinasapo ang aking noo. "Wala naman ah. Pero ba't parang lantang gulay ka riyang nakahiga sa sofa?" wala nga akong sakit pero feeling ko magkakasakit ako dahil kay Justin. Nudaw? Oa.

"Hoy!!" napabangon ako sa pagkakahiga at yamot na tinignan si Andrea. Sigawan ba naman ako?

"Ano ba?!" inis kong sabi sa kanya. Bumalik ulit ako sa pagkakahiga.

"Yan ka na naman." kinulit niya na naman ako. Pero this time ay niyuyugyog niya na ako.

"Bwisit ka naman Andrea eh. Itong inaantok pa ako." napahikab ako. Ba't kaya ganun? Nung gusto kong matulog kagabi hindi man lang ako dinadalaw ng antok tapos ngayon namang kailangang gising ako ay inaantok ako. Nasira na ang sleeping routine ko dahil kay Justin. Ginulo niya ang body clock ko. Gusto ko na lang umuwi at matulog para ma reset ang body clock ko. Mahirap na't baka makasanayan ko nang matulog ng madaling araw. May pasok pa naman kami.

"Eh, ba't ka inaantok?" ang bobong tanong nito. Obvious namang alam niya kung bakit inaantok ang tao.

"Dahil kinulang sa antok? Duh!" ang pagbabara ko sa nakakatangang tanong niya sabay inikutan ng mata't diretso na sa pagpikit para umidlip. Natawa siya sa sinabi ko.

"Kulang ka nga sa tulog dahil ang sabi mo ay 'kinulang ka ng antok' at hindi tulog." pagpuna nito sa sinabi ko. Oo nga no? Lutang na nga ako dahil sa sleep deprivation. Baka maging insomniac na ako nito't mag lead sa pag hahallucinate ng mga bagay bagay. Nudaw?! Kasalanan talaga 'to ni Justin. Justin na naman?! Hindi na siya maalis sa hippocampus ko. Alam niyo ba na ang hippocampus ang responsible sa pagreretain ng ating memories? Share ko lang. Narinig ko lang 'yan sa prof namin. Nakatatalino siguro ang kulang sa tulog no? Kaya hindi ako makatulog sa dami ng iniisip ko eh.

"Nag space out ka na riyan." pag snap sa'kin ni Andrea pabalik sa reyalidad.

"Ah, oo. Kinulang nga ako sa antok." nasabi ko na lang. Tawang tawa na naman siya. Bakit kamo? Nasabi ko na namang kinulang ako sa antok! Argh!

"Nakakatakot ka na Austin. Baka sinapian ka na riyan ng masamang espirito o ano. Ganyan pa naman ang sintomas nun. Natutulala at palaging lutang." napadilat ako sa kanyang sinabi.

"Ang OA mo talaga! Kinulang lang ako ng tulog hindi sinasapian."

"Umayos ka na kasi. Tatapusin pa naman natin ang research natin ngayon." kaya umayos na ako ng aking upo dahil guguluhin lang naman ni Andrea ang pag idlip ko. Kailan kaya ako tatantanan nitong si Adrea? I-unfriend ko na kaya siya in real life? Para guminhawa na ang buhay ko.

"Nasaan pala si Jordan? Akala ko ba ay gagawa tayo ng research pero wala siya rito?" natanong ko ng mapansing wala si Jordan sa sakop ng aking paningin. Bahay niya 'to tapos wala siya rito?!

"Sabi niya ay kukunin niya lang ang laptop niya. Ewan ko nga kung ano nang nangyari sa kanya dahil ang tagal nito. Baka naman tinatapos niya na ang research natin ng mag-isa?" ika niya.

"Kung ganun ay uuwi na lang ako. Sayang 'yung oras, natulog na lang sana ako." aktong tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Andrea.

"Teka lang. Baka naman naghanda lang siya ng makakain natin. Saka huwag ka ngang umalis, may hindi ka pa sinasabi sa'kin." napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi.

Into You BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon