Bumaba na kami pagkatapos naming mag harutan sa kama. Naabutan naman namin si Ate Mitch sa kusina, naghahanda ng pagkain. Tinignan niya kami na parang nag uusisa nang makarating na kami at naupo na.
"Tara kain na tayo." nagsimula na nga kaming kumain. Walang trabaho ngayon si Ate Mitch since Linggo ngayon. Pagkatapos naming kumain ay nagpasya nang umuwi si Justin.
"Ingat ka, Love." paalam ko sa kanya, humalik lang siya sa pisngi ko saka sumakay na sa sasakyan niya at umalis na. Nagulat naman ako nang pumasok ako sa gate ng bahay namin dahil nandun pala si Ate Mitch.
"Oh, Ate Mitch!" gulat kong nasabi.
"Kayo na pala ni Justin." monotonous nitong wika, hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o hindi. "May pagkiss pa at Love pa ang tawagan ah." dugtong pa nito.
"Ah, kami na nga." ang nahihiya kong sabi.
Bumuntong hinga lang siya.
"Nakasuporta lang ako sainyo. Malaki na kayo. Basta huwag lang hahayaan ang pag aaral." nakangiti niyang sabi kaya napangiti na rin ako.
"Opo, Ate." pumasok na kami.
"Kaya pala puro picture niyo ang nakalagay sa frame ha. May pag kiss pa sa enchanted kingdom." nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakita niya 'yung ginawa kong frame? Naalala kong pumasok nga pala siya kahapon sa loob ng kwarto ko. Nakita niya na siguro. "Talo mo pa ako ah." natawa ako sa huling sinabi niya.
"Bakit kasi hindi ka ulit mag boyfriend? Tumatanda ka na." ani ko.
"Saka na. Focus muna sa trabaho at tapusin mo muna 'yang pag-aaral mo." na touch naman ako sa kanyang sinabi. Magmula kasi nung nakapag trabaho na siya ay siya na ang tumutulong kila Mama. Kaya napag aral niya na rin ako.
Buong mag hapon lang kaming nanood ng movies sa Netflix.
× × × × ×
Kinaumagahan ay maaga akong nag ayos para sa pag pasok sa school. Kanina ko pa hinihintay si Justin pero wala pa rin siya. Nasabi niya rin kahapon na sabay raw kami ngayon. Dahil sa inip ay kinuha ko ang phone ko para tawagan sana siya nang mag vibrate ito. Sakto siya 'yung tumawag.
"Love, saan ka na?" ang agad kong sabi nang sagutin ko na ang tawag niya.
"Sorry, Love. Hindi kita makakasabay ngayon. Ihahatid ko kasi si Josiah sa school niya. May pinuntahan kasi si Mommy. Mauna ka na, Love. Baka ma late ka pa."
"Sige, ayos lang. Ingat ka ha. I love you."
"I love you too. Maya na lang kita ihatid pauwi. Sige na." binaba ko na ang tawag at naghanda na papasok. After ng ilang buwan ay ngayon na lang ata ulit ako nakapag commute. Okay na rin 'to siguro para 'di masyadong nagagastusan si Justin.
Pagkarating ko pa lang sa room namin ay hindi ko inasahan ang nasaksihan ko. Nakikipag biruan si Andrea at Chelsea kay Jordan. Napatigil pa ako sa may pinto at napakurap para masiguro ko lang na si Jordan nga ang katabi nila sa upuan.
"Oh, Austin. Nandiyan ka na pala. Tara rito bilis." saka lang ulit ako natauhan nang tawagin na ako ni Andrea kaya lumapit na ako sa kanila. Tahimik lang akong naupo sa tabi nila habang hindi pinapansin si Jordan. Malay ko bang sila lang pala ang gusto niyang makausap o ano. Baka mamaya ay galit pa pala siya sa akin.
"Salita ka naman." siko sa akin ni Chelsea.
"Ah eh." hindi ko alam ang sasabihin ko. Napatingin na lang ako kay Jordan na nakatingin lang din sa akin. Maya maya ay ngumiti ito sa akin kaya napanganga ako sa ginawa niya. Narinig kong humagalpak sa tawa sina Andrea at Chelsea.
BINABASA MO ANG
Into You BxB (COMPLETED)
Lãng mạn"'Di ba sabi mo ay wala ka pang nagiging boyfriend?" pagkuway tanong nito. "Wala pa nga." "Pero nagka crush ka man lang ba?" "Hmm. Oo. Pero ayaw ko kasing maging emotionally attached kaya as much as possible ay pinapatay ko na agad ang feelings ko...