"Baby you got lucky 'cause you're rocking with the best. And I'm greedy. So greedy. 'Cause I'm so. I ain't talkin' money I'm just physically obssessed and I'm greedy. So greedy. 'Cause I'm so GREEDYYY!!!"
Nagising ako sa ingay ni Ariana Grande na nambulabog sa tulog ko ng mahimbing dahil sa alarm tone na isinet ko para maaga ang gising ko sa pagpasok sa paaralan.
"You know I'm greedy for love! You know I'm greedy for love! 'Cause I'm so GREEDYYY!!!" birit ulit ni Ariana.
Pinatay ko na ang alarm ko bago pa mabasag ang eardrums ko sa birit ni Ariana sa kanta niyang Greedy. Ever since talaga na narinig ko 'yang kanta ni Ariana ay si-net ko na siya as alarm para madali akong magising. Ang taas ba naman ng notes na halos mabingi ako kapag naririnig ko 'yan. Nakabubuhay ng dugo.
"Ang sakit ng ulo ko. Kinulang na naman ako ng tulog." hinilot ko ang aking sintido para maibsan ang sakit nito.
Tinignan ko ang cell phone ko para malaman kung anong oras na. Alas cinco na pala ng umaga. Kailangan ko nang mag ayos para sa pagpasok sa paaralan. Mamayang eight AM pa naman ang first subject ko pero kailangan ko talagang agahan ang pag pasok ngayon dahil may exam kami. Asahan mo pang sobrang traffic pa. Kaloka! Hanggang kailan ba ako magdudusa sa traffic na yan?!
Naligo na ako at nagbihis. Mamaya na ako kakain sa school. Nakakatamad magluto rito sa bahay eh.
Anyway. Kaming dalawa lang ng nakatatandang kapatid ko ang nakatira rito sa bahay at si mama naman ay nasa probinsiya.
Sure akong wala na rito ang ate ko dahil maaga itong pumapasok sa trabaho. Nagmadali na akong naligo at nagbihis na.
Habang nasa jeep ako ay kinuha ko ang aking reviewer sa bag. Semis na pala namin ngayon. Kailangan ko nang magreview para naman may masagot ako sa exam. Ang hirap pa naman ng type of exam sa course namin. More on analization.
By the way first year college na ako sa kursong AB Psychology. Kaya ito ang bet kong course kasi maganda siya at gusto ko ring makatulong sa mga taong nangangailangan ng professional help lalo na sa mental health. Mahirap pa namang i-handle ang mental health problem ng mag-isa lang. Kaya take note na hindi masama ang mag seek ng mental health professionals. Makakatulong sila para maayos ang ating mental na pag-iisip.
Ang mental health kasi ay kasing importante rin ng ating pisikal na kalusugan. Mas dapat natin itong pagtuunan ng pansin sapagkat mahirap itong kalaban lalo na't hindi ito nakikita.
Ngayong first year pa lang ay sinasanay ko na ang aking sarili na intindihin ang lahat ng mga nangyayari sa paligid lalong lalo na't ito ang aking field na napili. Kailangang malawak ang pang unawa at pag obserba sa mga nakapalibot.
Pinag-iisipan ko pa kung ipu-pursue ko ang Clinical Psychology after. Mahaba haba pa naman ang panahon para makapag decide kaya huwag ko na munang stress-in ang sarili ko.
Pagkarating ko sa tapat ng school namin ay bumaba na ako ng jeep at nagpatuloy sa pagrereview habang naglalakad.
Nagkasalubong kami ng aking kaibigan sa gate ng school namin. Halos sabay lang pala kaming papasok.
"Austin! Tara sabay na tayo papasok. Nakapagreview ka na ba para sa semis?" tanong ni Andrea sa akin habang naglalakad kami sa kahabaan ng hallway.
"Ah. Oo. Nakapagreview na ako nung weekends at kanina rin sa jeep. Inaantok pa nga ako karereview lalo na sa majors." saad ko naman sabay hikab. Siguro iidlip na lang ako mamaya kung may oras man. Halos inaantok pa ako. Kulang na kulang ang tulog ko dahil sa pagreview. Alas dose na ata ako nakatulog kagabi eh.
"Buti ka pa nga. Eh, ako? Nganga! Hahahahaha!" nakuha niya pa talagang tumawa kahit hindi siya nakapagreview? Kakaiba talaga 'tong babaeng 'to. "Pahiram nga niyang reviewer mo para naman makapagreview ako." ani nito sabay agaw sa akin ng reviewer ko.
BINABASA MO ANG
Into You BxB (COMPLETED)
Romantizm"'Di ba sabi mo ay wala ka pang nagiging boyfriend?" pagkuway tanong nito. "Wala pa nga." "Pero nagka crush ka man lang ba?" "Hmm. Oo. Pero ayaw ko kasing maging emotionally attached kaya as much as possible ay pinapatay ko na agad ang feelings ko...