"Oh, finollow ako ni Justin sa twitter." nasambit ko sa aking sarili nang makita sa notification ang pag follow sa'kin ni Justin. Diba, pagkagising pa lang nag twitter agad. Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Actually alas otso na ng umaga pero ayon sa announcement kagabi sa GC ng block namin ay wala raw kaming pasok sa first class namin. Kaya mamayang tanghali pa ako papasok. Ang galing 'di ba? Walang pasok kahapon sa last period namin tapos ngayon wala na naman. Nakakatamad mag-aral kapag ganyan palagi ang ganap. Anyway, whatever.
Finollowback ko na si Justin at binasa ang recent tweets niya. Nagulat naman ako sa tweet niya!
@jstn_andrsn
"I'm so Into You, I can barely breath.
And all I wanna do is to fall in deep."Kagabi niya lang ito ni-tweet. Wiw, inlab ata ang mokong! At Into You pa talaga ni Ariana Grande ha! Isa 'yan sa mga paborito kong kanta niya. Well, halos lahat naman ng kanta niya ay paborito ko, but I consider Into You as one of her god tier song. Ni-like ko naman 'yung tweet niya saka pinatay na ang phone. SYEMPRE KANTA IYON NI ARIANA NO!
Bumaba na ako para maghilamos.
"Makapagluto nga ng pang agahan." kaya kumuha ako ng longganisa at itlog sa ref at niluto ito saka sinangag ang kanin.
After ko namang kumain ay nakaupo lang ako rito sa may lamesa, tulala. Ang boring naman! Ba't kasi walang pasok sa first period namin?! Napabuntong hininga na lang ako sabay kuha ng phone ko.
@austinjms
"bored af! ba't kasi walang pasok sa first period? 'yan tuloy wala akong magawa😴"
Tweet sent...
Rant ko sa Twitter. Huwag na kayong magtaka. Ganyan lang talaga ako. Lahat na lang ng bagay na nangyayari sa akin ay tinitweet ko. May quotes, may support para sa artists everytime na mag rerelease sila ng kanta, may mga rant at iba pang mga kadramahan. Diyan ko binubuhos ang mga mema ko at mga walang kwenta kong thoughts. Wala naman kasi akong kausap masyado kapag nasa bahay kaya nirerelease ko na lang sa twitter. Katulad ngayon wala akong kasama rito sa bahay since may trabaho si ate tapos wala pang pasok. Kaloka!
May nag-like ng tweet ko pero 'di ko muna ito pinansin. Nag visit na muna ako sa Curious Cat account ko. May nabasa naman akong mga tanong, 'yung iba naman ay mga walang kwentang statements lang. Katulad nito.
"Ang qt mo naman po. Hehez." Basa ko, sana all qt. Tsk, alam ko namang mga nangtitrip lang 'to. May chance ngang si Andrea lang 'to o kaya ibang taong ka close ko. Paano ko nalaman? Gawain ko rin minsan, nangtitrip din ako sa iba.
"Ano ang skincare mo? Share mo naman!" Sorry wala akong skincare routine. Sadyang makinis lang talaga ang mukha ko, no brag. Kahit magpuyat ako 'di ako nagkakapimples. Pero isa lang ang nage-gain ko kapag nagpupuyat. EYEBAGS!!!
"Lul panget!" See. May mga insecure din dito, 'yung may mga simpleng galit sa'yo dito na lang dinadaan. Pathetic! Pero tignan mo mga nakaabang 'yan sa tweets mo kahit di ka nila pinafollow. Bet lang talaga nilang manira. Pake ko sa kanila? Ang holy pa naman nila sa bio nila na salungat sa pag-uugali nila. Talk about two faced.
"Galing mo naman pong mag volleyball." hm, siguro napanood nito ang laro namin. Pero paano niya naman akong nakilala ha?!
Nagulat ako sa isang statement na nabasa ko. Pareho lang 'to ng nakasulat sa note doon sa tupperware.
"I'll see you soon :)" napakurap ang mata ko. Magkaparehong tao kaya ang nag send nito at ang taong nagpabigay sa'kin ng sinigang? Siguro. Nagreply naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Into You BxB (COMPLETED)
Romance"'Di ba sabi mo ay wala ka pang nagiging boyfriend?" pagkuway tanong nito. "Wala pa nga." "Pero nagka crush ka man lang ba?" "Hmm. Oo. Pero ayaw ko kasing maging emotionally attached kaya as much as possible ay pinapatay ko na agad ang feelings ko...