Kinaumagahan nga ay nandito na si Justin sa bahay para ihatid ako sa paaralan.
"Ngiting ngiti ka riyan ah?" ani ko nang makita siyang sobrang laki ng ngiti habang nakatayo sa tapat ng gate namin. Ang aliwalas ng mukha niya. Mabuti na lang ang ganda ng ngipin niya, pantay pantay.
"Syempre. Nakita na kita eh." aniya na siyang ikina pula ko. Mas lalong lumaki ang kanyang ngiti nang makita 'yun. Kay agang banat ba naman?! "Cute mo."
"Tse. Mabuti na lang walang nagtangkang sabihin na nasisiraan ka na ng bait diyan. Grabe ka kasi kung makangiti eh." imagine may nakita kang tao na nakangiti kahit wala namang dahilan. Mabuti na lang at lumabas na ako ng bahay, kung hindi ay baka mapagkamalan talaga siyang ewan. Lalo na at mag-isa lang siyang nakatayo rito sa tapat ng gate namin.
"Sa itsura kong ito? Pagkakamalan ako na nasisiraan ng bait?" aniya habang nakaturo sa kanyang sarili. "Ha. Baka nga mainlab pa sila sa'kin kapag nakita nila akong nakangiti." presko nitong sabi.
"Yabang mo na ah? Tara na nga." lumapit na ako sa sasakyan niya at pumasok na rito.
"Eh, totoo naman ah?" wika niya at sumakay na rin ito saka nagdrive papuntang school.
Shortly after ay nakarating na kami sa school and obviously ay nasa cafeteria kami ngayon para kumain ng umagahan.
"Hindi kaya magutom ka na niyan kung sasabay ka pa sa akin kumain? Pwede namang kumain ka na sa inyo saka mo ako ihatid." saad ko habang kumakain na kami. As usual, libre niya na naman.
"Hindi 'yan. Tsaka para masamahan na rin kitang kumain, ayokong mag-isa ka lang dito."
"Sigurado ka ah? Baka mamaya niyan ay magka ulcer ka na niyan." alas otso na kasi kami nakakapunta ng school kaya alas otso na rin kami nakakakain ng aming umagahan. 9 pa kasi ang pasok namin.
"Sus. Makita pa lang kita sa bahay niyo ay busog na ako."
"Tado."
Habang kumakain kami ay may lumapit sa'min. Si Kian.
"Yo, Austin and Justin. It's been a while." pag-eenglish na naman nito. Wow ha. Rhyming pala ang aming pangalan ni Justin. Kelan ko ba siya huling nakita? Hindi ko na natandaan. 'Yun pa ata 'yung time na iniwan namin sila sa chillin' place nila.
"Oh, ikaw pala 'yan Ki. Ba't nandito ka?" sagot ni Justin. Naupo na ito sa tabi ni Justin, magkaharap kasi kami.
"Grabe ka naman sa'kin pre. Parang ayaw mo ata akong makasama ah? Gusto mo lang atang kayo lang ni Austin ang magkasama ritong kumakain."
"Lul. Ilang araw kang hindi sa'kin sumama." ang tilang nagtatampong tugon ni Justin.
"Sus. Namiss mo lang ata ako eh. Pakiss nga ako." akto namang hahalikan nito sa pisngi si Justin na siya namang pinigilan niya. Natawa ako sa kanila. Mahahalata mo sa kanilang sobrang close nila.
"Hindi tayo talo pre." aniya habang nilalayo ang kanyang mukha dahil mahahalikan siya ni Kian.
"Talagang hindi tayo talo dahil mukhang nagkakaigihan na kayo nitong si Austin." bumaling ito sa'kin. "Nililigawan ka na ba niya?"
Natigilan ako sa aking kinakain dahil sa kanyang tanong.
"Don't worry. Alam ko namang gusto ka nitong si Justin. So, ano? Nililigawan ka na ba niya? Dahil kung oo ay huwag mo siyang sasagutin dahil ang daming babae niyan, iiyak ka lang sa huli." nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Hindi sa mga babae raw ni Justin dahil sure akong joke lang 'yun. Kundi sa alam niya raw ang tungkol sa pagkagusto sa akin nitong si Justin. Wala lang. Ang wholesome lang, knowing that this is not the usual kinda type of relationship. Makasabi naman akong relationship as if namang kami na ni Justin. Pero gets niyo 'yung point ko?
BINABASA MO ANG
Into You BxB (COMPLETED)
Romans"'Di ba sabi mo ay wala ka pang nagiging boyfriend?" pagkuway tanong nito. "Wala pa nga." "Pero nagka crush ka man lang ba?" "Hmm. Oo. Pero ayaw ko kasing maging emotionally attached kaya as much as possible ay pinapatay ko na agad ang feelings ko...