"Ang gagaling talaga ng mga prof dito! Palagi na lang silang hindi pumapasok. Sayang ang tuition na pinangbabayad natin sa kanila! 'Di pa sila palitan eh, wala naman tayong natututunan sa kanila!" frustrated na sigaw ko habang papaalis ng room namin.
Bale wala na kaming pasok ngayong tanghali since wala na namang prof. Dalawang subject lang kasi sa isang araw. Naglalakad na kami sa kahabaan ng hallway. Kami kami pa lang ata ang uuwi sa ganitong oras."Kaya nga eh, halos ilang beses pa lang ata natin siyang nami-meet ngayong sem. Tapos malalaman mo mababa pa ang makukuha mong grade sa kaniya." dagdag naman ni Chelsea. Isa rin kasi itong priority ang studies, kung tutuusin nga siya ang isa sa mga matatalino sa room namin idagdag mo pang naging class president pa namin siya. Ako kasi masipag lang talaga at nag cocomply. Ayoko lang talaga ng may namimiss na lessons or quizzes. Okay lang sa akin kung may honor man ako o wala, ang mahalaga naman sa akin ay may natututunan ako.
"Okay na rin 'yan. Para naman makapagtambay tayo at makapagpahinga dahil sa pagod natin last week." ani Andrea, at ayos lang talaga sa kanya since tamad naman siyang mag aral!
"Sabagay, medyo masakit pa nga ang kalamnan ko sa kakareceive at habol ng bola." pagsang-ayon ko naman sa kanya. Noong nakaraan nga halos 'di na ako makababa ng hagdan sa sakit ng legs ko, siguro dahil sa kaka squat ko ito at pagtakbo. Ikaw ba namang dalawang linggong nabugbog ng bola, isama mo na yung linggo ng pag practice namin. Ito ang ayaw ko sa physical activities. Puro sakit lang talaga ng katawan.
"Buti nga kayo matagal tagal ang pahinga niyo. Samantalang ako dalawang araw lang ang pahinga ko! Noong weekends lang!" pagreklamo naman ni Jordan. Sabagay, sila kasi ang last game kaya kaunting araw lang talaga ang kaniyang pagpapahinga.
"Mabuti na rin palang wala ang prof natin ngayon." napabuntong hininga na lang si Chelsea.
"Bale ano nang gagawin natin niyan? Ang aga pa. Ayoko pang umuwi." saad ko. Bukod sa magpapahinga at matutulog lang ako sa bahay pagkauwi ko ay wala na akong iba pang gagawin.
"Tambay na muna tayo. Ayaw ko rin namang umuwi agad eh." suhestyon ni Andrea. Puro tambay talaga ang nasa isip nito, pero ayos na rin ito since ayokong umuwi.
"Saan naman tayo tatambay?" tanong ko.
"Sa inyo na lang kaya Jordan? Para naman makapunta na kami sa bahay niyo." ani Andrea.
"Bakit sa amin? Tsaka hindi pa naman ako nakapupunta sa bahay ninyo ah, kaya bakit hindi na lang sa inyo?" sagot naman agad ni Jordan. 'Di pa nga kami nakakatambay sa bahay ng bawat isa. Ngayon pa lang ata, iyon ay kung papayag itong si Jordan.
"Sa inyo na lang Jordan. 'Di naman kami manggugulo sa bahay ninyo eh." pagpilit naman ni Chelsea.
"Ganito na lang, sa inyo muna tayo tatambay tapos sa susunod naman ay sa ibang bahay naman." pagkokondinsyon ni Andrea. Mukha namang wala nang magawa pa si Jordan kaya sumang-ayon na lang ito.
"Oo na. Sa amin na lang."
"'Yun, pumayag din! Tara na at makapunta na sa bahay niyo." excited na saad ni Andrea. Kaya naman ay napagkasunduan na naming kila Jordan na tumambay. Hindi pa kami nakalalabas ng gate ng school ay may tumawag sa amin. Napalingon kami kung sino ito.
"Sino 'yun?"
"Austin! Guys!" si Justin pala. Tumakbo ito palapit sa amin. Mukhang hinahabol ata kami. Hingal aso ito ng maabutan kami habang nakatukod ang kanyang mga kamay sa tuhod dahil sa layo ng tinakbo.
"Ikaw pala 'yan, Justin. Bakit mo kami tinatawag at tsaka bakit ka nagtatakbo? Tignan mo hinihingal ka na tuloy." ani Andrea.
"Hinabol ko kasi kayo eh. Saan punta niyo?" tanong nito nang mahimasmasan na. Pawisan na rin ang mukha niya kaya pinunasan niya na ito ng kanyang panyo.
BINABASA MO ANG
Into You BxB (COMPLETED)
Romance"'Di ba sabi mo ay wala ka pang nagiging boyfriend?" pagkuway tanong nito. "Wala pa nga." "Pero nagka crush ka man lang ba?" "Hmm. Oo. Pero ayaw ko kasing maging emotionally attached kaya as much as possible ay pinapatay ko na agad ang feelings ko...