Chapter 4: Fries and Coke Float

194 10 0
                                    

Putek naman oh. Naabutan pa ako ng ulan. Hindi tuloy ako makaalis dito sa waiting shed sa tapat ng school namin. Kanina pa ako nandito dahil napakalakas ng buhos ng ulan.

'Yung payong ko naman ay naiwan sa bahay. Kung kaylan naman kailangang kailangan ko saka naman 'di ko nadala. Ang akala ko kasi 'di uulan. Unexpected din kasi ang pagbago ng panahon ngayon eh.

Kung wala lang itong waiting shed baka nabasa na ako kanina pa. Naka all white pa naman ako. Ultimo sapatos ko ay kulay puti. Ganyan kasi ang uniform naming mga psych.

Kanina pa ako palinga linga rito at sa kasamaang palad wala akong kakilalang pwedeng makasabay sa pagpasok. Marami rin akong mga kasabay rito sa waiting shed. Sigurado akong mga wala rin itong dalang payong.

Wala nga pala talaga akong kakilala rito masyado since bago lang ako rito. Mga kaklase ko lang mga kilala ko, 'yung iba 'di ko pa close.

After ng mga ilang minuto pang paghihintay ay may nakita akong bagong dating na kotse at maya maya'y bumukas ito at inilabas ang payong.

Teka, siya si cafeteria guy! Binuksan niya na ang payong niya at naglakad na ito papasok ng school. Huminto ito nang makita niya ako. Anong kailangan niya sa'kin? Galit kaya siya dahil sa nangyari sa'min sa cafeteria? Baka mamaya ay bugbugin niya na lang ako rito, ang lakas pa naman ng ulan.

"Oh, bakit nandito ka pa? Ang lakas na ng ulan ah." tanong niya sa akin at sumilong na rin siya sa waiting shed. Tumabi siya sa'kin.

Medyo nagulat ako sa pag approach niya sa'kin kasi kinausap niya ako, 'di ko naman siya kilala at ka close. Nabangga ko lang naman siya sa cafeteria nung nakaraan at 'yon pa lang na insidente ang unang pag uusap namin which is unexpected lang din.

"Ah eh, ano kasi. Wala kasi akong dalang payong kaya naghihintay sana akong magpatila ng ulan o kaya makasasabay papasok ng school." mahina kong sagot sa kanya. Tinignan ko siya sa mata. Shit nakatitig siya sa'kin na waring inoobserbahan niya ang aking itsura. Nailang tuloy ako. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagbuhos ng ulan. Pero ang gwapo niya kahit medyo basa siya ng ulan, nabasa pa rin kasi siya kahit may payong siya dahil sa lakas ng ulan.

"Gano'n ba? Tara sabay ka na sa'kin pumasok. Hatid kita sa building niyo." offer nito sa'kin. Shit makasasabay ko siya?

Nilingon ko siya.

"Nako, huwag na. Hihintay na lang ako ng makasasabay ko baka maabala pa kita. At saka ang lakas pa ng ulan oh siguradong mababasa rin tayo kapag sabay tayo riyan sa payong mo." pagtanggi ko sa kanya. Ayaw ko talaga siyang makasabay. Nakakahiya.

"Edi hintayin nating tumila ang ulan. Mukhang kanina ka pa rito nag hihintay sa waiting shed eh." 'Di ba siya makaramdam na ayaw ko siyang makasabay? We're not even close to begin with.

"Mauna ka na kaya? Baka kasi ma-late ka pa dahil sa'kin." pagdadahilan ko ulit.

Tinignan niya naman ang relo nya. Naka black G-shock siya.

"8:30 AM pa lang naman eh. Mamaya pang 9:00 ang first subject ko."

Ang kulit niya!

"Ah. Ikaw ang bahala." nasabi ko na lang. Naghintay pa kami ng ilang minuto sa waiting shed. Ang tahimik namin. Yung malakas na buhos lang ng ulan ang tanging naririnig. Di naman ako nakikipag-usap sa hindi ko naman ka close. Unless otherwise mag i-initiate siya ng conversation.

Ang awkward naman kaya nagkunwari na lang akong busy sa pagdutdot sa cell phone ko.

Maya maya nama'y nagsalita rin siya dahilan para mapalingon sa kanya.

"Psychology ang course mo?" tanong niya sa akin. Siguro nalaman niyang psych ang course ko base sa uniform ko. Saka sa ID lace rin namin na may nakalagay ng course namin.

Into You BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon