Chapter 19: Rivals and Permission

97 9 1
                                    

"Sunduin na lang kita riyan sa bahay niyo mamayang 3 PM." dm sa'kin ni Justin sa twitter.

"Gege." reply ko sa kanya. Bakit mamayang 3 pm pa? Pwede namang ngayon na lang, gayong wala naman akong ginagawa rito sa bahay. Katatapos ko lang kumain ng pananghalian.

Ngayon na 'yung araw na lalabas daw kami ni Justin. Saan naman kaya kami pupunta? Okay lang na lumabas kami dahil wala kaming pasok since Sabado ngayon. Wala naman akong gagawin kaya mas mainam pang matulog na lang ako, gigising na lang ako ng alas dos.

Tapos na akong maligo at nakabihis na rin ako. Naka skinny jeans lang ako at plain peach v-neck tee-shirt. Nag white fila shoes din ako. Mag aalas tres na pala. Saan na kaya siya? Kinuha ko ang phone ko para i-chat sana siya nang marinig kong may bumusina sa labas. Nandiyan na pala siya eh. Lumabas na ako ng bahay. Pag bukas ko ng gate ay nagulat ako nang makitang hindi sasakyan ni Justin ang naka abang sa labas.

"Sino kaya 'to?" bulong ko sa aking sarili habang inaaninag ang bintana ng sasakyan para makita kung sino ang driver. Familiar sa akin ang sasakyan niya. Nakita ko namang bumukas ang pinto at lumabas ang taong hindi ko inaasahan.

"Oh, Jordan. Ano ang ginagawa mo rito?" ang nagtataka kong naitanong sa kanya, tuluyan na akong lumabas ng gate. Wala akong matandaang nagsabi siyang pupunta siya rito. Lumapit siya sa'kin. Pormang porma siya ngayon ah. Anong meron?

"Pumunta ako rito para ayain ka sana." aniya.

"Ayain saan?"

"Labas sana tayong dalawa ngayon. Since hindi ka pwede kahapon baka ngayon ay pwede na. Di'ba sabi mo next time na lang? Edi ngayon na 'yung next time na 'yun." ba't ngayon pa niya naisipang lumabas kung kailan lalabas kami ngayon ni Justin? Nakakahiya naman siyang tanggihan, nakaporma pa siya oh. Hindi ko namang inasahang ngayon na pala 'yung next time na sinabi ko.

"Ah, ano kasi Jordan eh." napakamot ako ng aking noo dahil hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko. Nagulat maman ako nang may biglang bumusina na namang sasakyan. Huwag mong sabihing si Justin na 'yan? Nilingon ko ito at hindi nga ako nagkamaling kay Justin ang bagong dating na sasakyan. Bumaba na siya rito. Pormang porma rin siya. Ang gwapo niya nga lalo eh. Mas lumabas ang kanyang sex appeal sa suot niya.

"Bakit nandito siya?" tanong sa akin ni Jordan.

"A–" sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Justin.

"Dahil lalabas kami ngayon ni Austin. Eh ikaw, ano ang ginagawa mo rito?" lumapit na siya sa'min. Nasa harap ko ngayon ang dalawang nagtatangkarang lalaki. Sana ganyan din ako katangkad sa kanila.

"Hindi pwede, dahil kaming dalawa ni Austin ang lalabas ngayon. Kaya ikaw, umuwi ka na lang. Oo nga. Umuwi ka na." madiing wika ni Jordan.

"Hindi ako uuwi dahil sa pagkakaalam ko ay ako ang naunang nag aya sa kanyang lalabas kami ngayon. Kaya ikaw ang dapat na siyang umuwi ngayon." ang hindi papatalong tugon ni Justin. 'Yung totoo? Nag-aaway ba sila?

"Talaga? Sa pagkakaalam ko rin ay ako ang naunang dumating dito at nagkataon sanang umalis na kami kung hindi ka pa dumating. Lalabas pala kayo pero pinaghihintay mo siya ng matagal. Kaya kami na ni Austin ang lalabas ngayon."

"Hindi pwede dahil–" pinutol ko na siya sa kanyang sasabihin.

"Bakit hindi na lang kaya kayong dalawa ang lumabas, total may mga sasakyan naman kayo eh. At ako naman ay dito na lang sa bahay."

"Hindi pwede!" ang sabay nilang pagpigil sa akin.

"Eh sino naman sa inyong dalawa ang sasamahan ko, aber?"

"Umuwi ka na kasi Jordan. Tara na Austin." hinila na ako ni Justin papunta sa sasakyan niya.

"Hindi ako papayag." hinila rin ni Jordan ang isa kong kamay. Tinanggal ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak nila.

Into You BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon