Tatlong araw na ang nakalipas magmula nang mangyari ang insidente at tatlong araw ko na ring iniiwasan at hindi pinapansin si Justin. Nasasaktan pa rin kasi ako sa tuwing nakikita ko siya at nasasaktan din ako sa sitwasyon naming dalawa. Pero kahit na gano'n ay hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na ma-miss siya.
Parang normal lang ang naging buhay ko nang tatlong araw na 'yun. Except lang sa hindi kami magka ayos ni Justin. Minsan nakakasabay namin siya sa lunch namin pero hindi ko siya pinapansin. Hindi naman naging dahilan ang away namin para hindi na siya pansinin nina Andrea dahil may pinagsamahan naman sila kahit papaano.
Kung tutuusin ay hindi na ako galit sa kanya. Nasasaktan na lang talaga. Kahit naman kasi gano'n ang nagawa niya ay mahal ko pa rin naman siya. It's just a matter of time para magkabati kami. Ayoko na munang mag usap kami kasi baka magkasakitan lang kami at baka mas lalo lang lumala. Mas okay nang okay na muna ako at siya bago kami ulit mag usap.
Nang dismissal na namin ay nagpasama sa akin si Andrea na nagpa facial sa mall. Gusto niya raw kasing marelax at maging fresh. Wala naman akong ginagawa kaya sinamahan ko na nga siya. Hindi na sa amin nakasama si Chelsea dahil sinundo na siya ni Lawrence habang si Jordan naman ay umuwi na lang dahil ayaw niyang maghintay kay Andrea sa pagpapa facial at may gagawin pa raw siya. Kaya kaming tatlo nina Andrea at Kian ang pumunta ng mall. Nag jeep na lang kami.
Habang nasa session si Andrea ay naiwan kaming dalawa ni Kian sa labas na nakaupo. Hindi naman totally nasa labas. Nasa loob pa rin kami ng spa premises. May room kasi para sa facial something. Medyo na awkward'an tuloy ako kay Kian dahil hindi naman kami masyadong close at kaibigan niya pa si Justin. Tho, nakakausap ko naman siya minsan pero hindi kagaya kina Andrea ang closeness namin. Mas lalong awkward dahil kaibigan niya nga si Justin at siya palagi ang kasama nito nung time na hindi ko 'to pinapansin.
Nag cell phone na lang ako at nag browse sa twitter para makatakas sa awkward atmosphere. Alam kong matagal pa si Andrea sa loob. Natigil naman ako sa pag scroll sa feed nang magsalita siya.
"Musta ka na?" tanong niya dahilan para lingunin ko siya.
"Ayos naman kahit papaano." sagot ko.
Tumango siya. "Good."
Natahimik ulit kami.
"Si Justin." siya naman ang napalingon sa akin. "Kumusta na siya?" ang parang napapaos kong tanong sa kanya. Tumingin siya ng seryoso sa akin.
"Ayon, medyo okay naman siya. Nalungkot siya sa nangyari pero okay naman na siya." sabi niya.
"I'm sorry." hindi ko alam kung bakit ako nag so-sorry. Siguro dahil sa nangyayari rin kay Justin?
"Don't feel bad about yourself. Nasaktan ka lang kaya ganyan ang naging reaksyon mo. At nasaktan din siya dahil mahal na mahal ka niya. Alam mo bang matagal ko nang naging kaibigan 'yan si Justin? Pero ngayon ko lang 'yan nakitang ganyan. Ngayon lang siya naging ganyan sa isang taong mahal niya. Huling beses ko siyang nakitang malungkot at umiyak ay nung time na nag break sila ni Ashley, sineryoso niya rin kasi 'yon eh. Pero ayun, for some reasons nag break pa rin sila." pagkukwento niya. Nakikinig naman ako sa kanya dahil interesado ako sa pinagsamahan nilang dalawa ni Justin bilang magkaibigan. At ano raw? Umiyak si Justin? Umiyak siya dahil sa akin.
"Naging kaibigan ko 'yan dahil magkaklase kami niyan magmula first year high school hanggang sa mag Senior High at hanggang ngayon. Parang magkapatid na kami niyang dalawa. Palagi kaming magkasama niyan kaya halos kilalang kilala na namin ang isa't isa. Kahit na nag come out siya sa akin ay tinanggap ko pa rin siya dahil kaibigan ko siya." napangiti naman ako dahil sa sinabi niyang iyon. "Nung una ay nagulat ako pero ayon. Nagbiro na lang ako sa kanya na huwag niya lang akong gagapangin. Kahit naman ganyan siya ay tanggap ko pa rin. Kaibigan ko siya eh." tumawa siya sa kanyang sinabi kaya natawa rin ako.
BINABASA MO ANG
Into You BxB (COMPLETED)
Storie d'amore"'Di ba sabi mo ay wala ka pang nagiging boyfriend?" pagkuway tanong nito. "Wala pa nga." "Pero nagka crush ka man lang ba?" "Hmm. Oo. Pero ayaw ko kasing maging emotionally attached kaya as much as possible ay pinapatay ko na agad ang feelings ko...