"Hoy Justin, dalian mo na riyan! Male-late na tayo sa school!" katok ko sa kanya sa pintuan ng cr namin. Kanina pa siya riyan eh. Anong oras na?!
"T-teka lang. Malapit na akong matapos!" naghihingalong sigaw niya. Ginagawa nito?!
"Sige. Dalian mo na."
Naupo na muna ako sa sofa habang hinihintay siyang matapos maligo. Alas otso na eh. Mabuti na lang nakakain na kami ng umagahan. May tagaluto na ako ng umagahan sa loob ng isang linggo. Narinig ko ang pagbukas ng pinto hudyat na tapos na siyang maligo.
"Mabuti naman at lumabas ka na." nagulat naman ako pagkalingon sa kanya dahil nakatapis lang pala siya ng kanyang tuwalya sa bewang. Meroon pang butil-butil ng tubig sa katawan niya since katatapos niya lang maligo. Mayroon din siyang abs. Agad ko ring iniwas ang tingin sa kanya, siguro namumula na naman ako. Ang ganda pala ng katawan niya lalo na kapag walang damit. Naalala ko tuloy 'yung nangyari kanina sa kwarto. Kakaiba kasi 'yung naupuan ko eh. Iniling ko ang ulo ko. Ang aga aga 'yon agad ang iniisip ko.
"May ginawa pa kasi ako eh. Hehe." ano naman kaya 'yon?!
"Oo na. Bilisan mo na't magbihis para makapasok na tayo no. Ang dami pa kasing ginagawa eh." pagtataray ko sa kanya. Natawa lang siya at umakyat na sa taas para makapag damit na. Hindi rin magtagal ay bumaba na siya bitbit ang kanyang bag.
"Tara na." nakangiting aya niya sa'kin. Tumayo na ako at sumabay na sa kanya palabas. Ang bango niya sa umaga.
In-assure ko munang natanggal ko lahat ng saksak ng appliances at chineck ang kalan kung nakapatay na 'to. To be honest iba ang anxiety level ko pagdating sa kalan. Feeling ko kasi ay sasabog na lang 'to any moment. Kaya palagi ko 'tong chinicheck para sure akong nakapatay talaga at walang singaw. Kaya rin ata ayokong magluto dahil sa fear na 'yan eh. Kaloka.
Nang masiguro kong okay na ay sumakay na kami sa sasakyan niya at dumiretso na sa school. Hinatid niya pa ako hanggang room namin.
"Sabay tayo pauwi mamaya."
"Malamang, nasa'kin 'yung susi ng bahay."
"Sungit mo ngayon." pinisil pa ang ilong ko.
"Aray." Paanong hindi ako magsusungit eh ang tagal niya.
"Hehe. Sige pasok na ako." umalis na siya.
"Si Justin ba 'yung kasama mo kagabi?" tanong sa'kin ni Andrea. Tsismis din agad ang bungad nito.
"Oo dahil wala ka naman."
"Mas okay nga 'yun. Para naman makapag moment kayo ni Justin at magawa niyo ang lahat ng gusto niyo. Kung nandoon ako, sure akong mahahadlangan lang ang lahat ng iyon."
"Ano ba ang pinagsasabi mo? Nagreview lang kami no. Kung ano-ano na ang naisip mo riyan." pumasok na ako sa loob ng room. As usual nasa ibang upuan na si Jordan. Wala naman akong magagawa kundi ang hayaan na lang muna siya.
"Sus. Hindi ako naniniwalang nagreview lang." nagdududa niyang wika. Naalala ko tuloy 'yung yakap ko sa kanya nang magulat ako at 'yung eksena sa kwarto namin, yung yakap at 'yung isa pang insidente. Mas mabuti pang huwag ko na lang sabihin sa kanya dahil sure akong mang aasar lang siya.
"Ano? Meroon no?"
"Oo. Meroong mangyayari sa'yo kung hindi ka pa titigil diyan." pagbabanta ko sa kanya na siyang ikinalayo niya. Mabuti naman.
"Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ni Jordan? Kahit sa chat man lang o sa kung anong klaseng way of communication?" pag iba niya na ng usapan.
"Hindi eh. Hinahayaan ko muna siya. Sana bumalik na kami sa dati." napabuntong hininga na lang ako habang tinitignan siyang mag-isang nakaupo sa upuan niya, naka earphone lang. Nagmu-music siguro, naging loner tuloy siya. Kami lang kasi ang kaibigan niya rito eh.
BINABASA MO ANG
Into You BxB (COMPLETED)
Romance"'Di ba sabi mo ay wala ka pang nagiging boyfriend?" pagkuway tanong nito. "Wala pa nga." "Pero nagka crush ka man lang ba?" "Hmm. Oo. Pero ayaw ko kasing maging emotionally attached kaya as much as possible ay pinapatay ko na agad ang feelings ko...