Kalalabas pa lang namin ng room namin para mag lunch nang bigla akong tawagan ni Justin sa cell phone. Sinagot ko ito.
"Yes, Love?" sagot ko sa tawag niya.
"Nakalabas ka na ba sa room niyo, Love?" sagot niya sa kabilang linya.
"Kalalabas lang namin."
"Nagugutom na ako, ang tagal kasing magpalabas ng prof natin." narinig kong reklamo ni Andrea.
"Palagi ka namang gutom, girl." ani Chelsea.
"Nasaan na ba si Kian para makakain na tayo. Bilisan mo Austin, sino ba 'yang kausap mo?" hindi ko siya pinansin.
"Teka, hintayin mo ako sa labas ng department niyo." ani niya at binaba niya na ang tawag. Gano'n nga ang ginawa ko. Nang makalabas na kami sa department namin ay pinauna ko na silang pumunta sa cafeteria. Hindi rin nagtagal ay dumating na siya.
"Bakit, Love? May problema ba?" tanong ko kaagad sa kanya nang makalapit na siya. May nilabas siya galing sa likod niya. Nagulat naman akong boquet of roses pala ito.
"Happy First Monthsary, Love." nakangiti niyang sabi, lumapit pa siya sa akin at hinalikan sa pisngi. Namula ako sa kanyang ginawa. Nakita tuloy kami ng mga estudyante pero dedma lang.
"Oo nga pala, monthsary na natin ngayon, Love." nasabi ko na lang at inabot niya na sa akin ang bulaklak kaya kinuha ko ito saka inamoy. "Happy Monthsary rin, Love."
"Kaya pala nagpaiwan muna rito para mag celebrate ng monthsary." narinig kong sabi ni Jordan kaya nilingon namin siya. "May kukunin lang ako sa room. Enjoy your day, pre." tapik nito sa balikat ni Justin na tinangoan lang nito, umalis na ito papuntang room namin.
"Tara na sa cafeteria?" ani ko habang kilig na kilig pa rin.
"Hindi na, Love. May pupuntahan tayo." ang excited nitong sabi na kinakunot ng noo ko.
"Ha? Saan ba?"
"Basta, malalaman mo na lang." aniya at hinila na ako papuntang parking lot at sumakay na ng sasakyan niya. Napansin kong ang daming mga gamit sa likod ng sasakyan niya.
Kauupo ko pa lang sa shotgun seat ay bigla niya na akong sinunggaban ng halik sa labi. Nabigla man ay tumugon pa rin ako. Naramdaman kong ngumiti siya at hiniwalay na ang labi namin.
"Na-solo rin kita, Love. Kanina pa kita gustong halikan kaso maraming tao." nakangising wika nito. "Nilagay ko lang 'yung seatbelt mo." nakita ko ngang naka buckle na ito sa akin. Hindi ko man lang napansin dahil sa halik niya.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko ulit sa kanya.
"Basta, surprise 'yun, Love. Heto, neck pillow. Medyo malayo layo rin kasi ang byahe." inabot niya sa akin ang neck pillow.
"Anong sabi mo?! Malayo pupuntahan natin?! May class pa ako." ang nabigla kong sabi. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Huwag kang mag alala, Love. In-excuse na kita sa mga prof. Saka monthsary naman natin kaya dapat ay enjoyin natin itong araw na ito." aniya, tumango na lang ako sa kanya. Mabuti na lang talaga at walang exam ngayon, lessons lang. Maya maya pa ay pinaandar na nito ang sasakyan niya. Sabi niya ay malayo raw ang pupuntahan namin kaya nilagay ko na sa leeg ko ang bigay niyang neck pillow. 'Yung dala ko namang boquet of roses ay nilagay ko muna sa likod, katabi ng mga gamit doon. Mayroon na naman akong itatagong memory.
Nilabas ko ang phone ko at nag video habang nagmamaneho siya. Tinutok ko sa kanya ang camera habang sumasabay sa kanta ng stereo sa sasakyan niya. Tawa naman ako nang tawa. Pinost ko 'yun sa IG story at ti-nag siya.
BINABASA MO ANG
Into You BxB (COMPLETED)
Romance"'Di ba sabi mo ay wala ka pang nagiging boyfriend?" pagkuway tanong nito. "Wala pa nga." "Pero nagka crush ka man lang ba?" "Hmm. Oo. Pero ayaw ko kasing maging emotionally attached kaya as much as possible ay pinapatay ko na agad ang feelings ko...