Nagising ako sa alarm ng aking cell phone. Parang tinatamad ako ngayong pumasok. In-snooze ko na muna ito at natulala sa kisame. Naisip ko na naman ang nangyari nung nakaraan sa outing namin. Naalala ko na naman ang mga sinabi niya. Siguro issue lang talaga sa akin 'yung mga sinabi niya. Nasaktan kasi ako sa paraang nawawalan siya ng tiwala sa akin nang dahil lang sa nakita niya. Simple lang pero ang sakit pala. Bumuntong hininga na lang ako at pinatay ulit ang alarm nang tumunog ulit ito.
Matamlay akong umalis ng kwarto ko at bumaba na para maligo. Mag co-commute na lang siguro ako papasok. Hindi pa kami nagkaka ayos ni Justin kaya mas mabuti na lang na maaga na akong pumasok at mag commute para 'di niya ako makasabay. Sigurado akong susunduin ako nun ngayon. Ayoko muna siyang makita, medyo galit pa rin ako sa kanya ngayon. Somehow, nalulungkot ako dahil hindi kami mag kaayos ngayon. Siguro kailangan ko na munang palipasin ang araw.
Nang matapos akong masuot ang aking uniform ay kinuha ko na ang bag ko at agad na umalis na ng bahay. Sumakay na ako ng jeep. Bihira na lang akong makapag commute. Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa school namin. Hindi pa pala ako kumakain kaya dumiretso ako patungong cafeteria. Sakto namang nakasalubong ko sa hallway si Andrea kasama si Kian. Kakain din siguro.
"Kakain ka pa lang ba? Tara sabay sabay na tayo." aya nito kaya tumango na ako, tumabi na ako sa kanya.
"Ang aga mo ata ngayon? At hindi mo ata kasama si Justin ngayon?" umiba naman ang timpla ng mukha ko nang marinig ko ang sinabi ni Andrea.
"Magkaaway nga kami ngayon 'di ba?" sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Oo nga pala. Hindi pa rin ba kayo nagbabati?" tanong nito. Nakapasok na kami sa cafeteria. Medyo kaunti pa lang ang mga estudyante, siguro dahil maaga pa ngayon.
"Hindi pa eh."
"Naku, magbati na kayo. Baka lumala pa 'yan." hindi naman ako nakasagot sa kanyang sinabi. Magbabati rin kami, hindi lang siguro sa ngayon.
"Iba ka rin Austin eh, pinag aawayan ng dalawang lalaki." pagbiro naman ni Kian.
"Alam mo Kian, ang daldal mo. I-order mo na nga lang kami no." pambabara ko sa kanya. Tumawa lang ito.
"Oo na. Libre ko na kayo. Baby, bili lang ako. Baka ako naman ang awayin ng bebe ni Jus eh." pagpaalam niya kay Andrea saka kumindat sa akin bago umalis. Nang iinis. Nakakairita siya sa umaga. Kami naman ni Andrea ay naupo na at hinintay si Kian.
Kinuha ko na muna ang cell phone ko para mag socmed. Nakita kong ang dami ko palang unread messages. Halos karamihan ay kay Justin. May ilang missed calls din. Hindi ko na lang ito pinansin at nag browse na lang. Maya maya naman ay dumating na si Kian dala ang mga inorder niya.
"Ayan, leche flan." inabot sa akin ni Kian ang isang platito laman ang leche flan. Napatingin naman ako sa kanya at binigyan ng nagtatanong na tingin.
"Tumawag sa akin si Justin kung kasama raw ba kita ngayon, sabi ko nandito tayo ngayon sa cafeteria, sinabihan niya na rin ako na bilhan ka na rin ng leche flan, kaya ayan." paliwanag niya at naupo na sa tabi ni Andrea.
Napatitig naman ako sa leche flan na nasa lamesa. Inaalala niya pa rin ako ngayon kahit na magkaaway kami. Medyo napangiti naman ako pero nawala rin agad nang maalala ang nangyari sa amin.
"Tititigan mo na lang ba 'yan? Kumain ka na dahil baka kainin ko pa 'yan." ani Andrea, inirapan ko siya at kumain na rin. Kinain ko na rin ang leche flan. Paborito ko eh.
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami sa first class namin.
× × × × ×
Lunch break na namin. Paglabas ng room namin ay nakita ko si Justin na nakaabang kasama si Kian.
"Love." mahinang sabi nito, nagsusumamo. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagsisisi. Lumapit ito sa akin. "Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko sa'yo? Bakit hindi mo ako hinintay kanina para sabay tayong pumasok? Nag alala ako sa iyo kanina, buti nasabi sa akin ni Kian na kasama ka niya." sunod sunod na tanong nito sa akin. Mababakas talaga sa mukha niya ang pag aalala. Hindi ko siya sinagot at nilagpasan ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Into You BxB (COMPLETED)
Romansa"'Di ba sabi mo ay wala ka pang nagiging boyfriend?" pagkuway tanong nito. "Wala pa nga." "Pero nagka crush ka man lang ba?" "Hmm. Oo. Pero ayaw ko kasing maging emotionally attached kaya as much as possible ay pinapatay ko na agad ang feelings ko...
