Happy Holiday everyone!!
Ngayon lang naka update ulit. Pahirapan eh.
ENJOY READING!!!!!!!!!!!!!
-----------------------------------------------------------------------------------------
Shiryl’s POV
“Saan tayo ngayon?” tanong ko kay Davin pagkapasok ko sa kotse niya.
“Sa club nina Jarred. Nandoon na rin sila.” sagot sa akin ni Davin saka nag-drive na. Tumango lang ako sa kanya bilang tugon.
“Babe, naiilang ka pa ba sakin?” Napalingon ako sa kanya. Bigla kong natanong ang sarili ko. Naiilang ba ako sa kanya? Sa tingin ko naman, hindi eh.
“Ha? Hindi naman. Bakit mo natanong?”
Sumulyap siya sa akin. “Wala naman. Ang tahimik mo kasi.”
“AH! Wala naman kasi akong sasabihin o ikekwento sayo.” Hindi ako palakwentong tao.
“Magkwento ka nang kahit ano at makikinig ako, promise yan kahit pa walang ka-kwenta kwenta pa ang kwento mo.” nakangiti niyang sabi saka sumulyap sa akin.
Natawa ako dahil sa sinabi niya. “Siraulo.”
Nakarating na kami sa club nina Jarred. Pagpasok namin ay naging center of attraction kaming dalawa ni Davin. Syempre naman. Ang HOT ko kaya.
“Nagbago na ang isip ko, gusto kong umalis na tayo dito. Baka makabugbog kasi ako dito ng mga lalaki.” bulong niya sa akin habang nakatingin sa mga lalakeng nakatingin sa amin or sa akin.
Natawa ako sa sinabi niya. “Kung ikaw gustong mambugbog, ako naman gusto kong makasapak ng mga babae ngayon.” bulong ko din sa kanya at nagtawanan kami. Totoo naman eh. Ang lalagkit kasi ng mga tingin sa kanya ng mga babae dito pero hello naman. Pwet ko lang sile noh.
“Tara doon sa table nina Jarred.” sabay hawak sa kamay ko. Mainggit kayong lahat ngayon.
“Pumunta ba kayo dito para magpainggit ng kasweetan ninyong dalawa?” bungad sa amin ni Renz pagkalapit namin sa table nila.
“nainggit ka ba naman?” biro ni Davin.
Naupo kami sa upuang kaharap niya.
“OO, inggit na inggit.” nagpout pa siya. Ang cute. Hehe!
Biglang hinapit ni Davin ang beywang ko kaya’t napalapit ako sa kanya. Nagulat nga ako sa ginawa niya eh.
“Maghanap ka din kasi ng ganito.” tukso ni Davin.
“Si Shiryl, pwede? Di ba nakuha mo na siya?” Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Renz.
“Ano’ng pinagsasabi mo diyan? Malamang, napasagot ko nga siya diba?” sagot ni Davin sa kanya. Nanahimik naman si Renz.
“Tumahimik ka diyan kung away mong masapak.” dagdag pa niya.
“Sabi ko nga.” –Renz
“Oh tama na iyan. Singa pala, nasaan si Jarred?” Napansin ko kasing wala siya dito.
“Si Jarred? Kaaalis lang niya. Bad trip nga eh.” –Renz
“Ganoon ba? Baka nag-away sila ni Couz. Umuwi kasi yun kanina na bwisit na bwisit. Di nga ako pinansin at kinausap.
“Hayaan na natin sila. Matatanda na sila para pakialaman pa natin.” –Davin
Natahimik kami ng ilang minuto. Pinagmasdan ko lang ang mga sumasayaw.
“Punta lang akong CR.” bulong ko kay Davin.
Tumango naman siya kaya’t naglakad na ako patungo sa CR. Nasa isang cubicle ako nang marinig ang dalawang babaeng nag-uusap.

BINABASA MO ANG
Revenge turns to LOVE? (UNDER REVISION)
Teen FictionREVENGE TURNS TO LOVE is a story about the revenge of a mysterious girl to a CASANOVA who love to play hearts of women. Sa likod ng kaakit- akit na appearance ni Shiryl, ano ang kanyang tinatago at bakit niya ginustong mag-take revenge kay David? Pa...