CHAPTER 10

26 0 0
                                    

nakasingit sa kuya ko kaya ako'y naka-update ngayon...

ENJOY!!!!!!!!!!!!


Shiryl’s POV

Kanina pa ako nag-iisa dito sa sulok. Ngayon, nagsisisi na ako dahil sumama ako kay tita. Akala ko may makakausap ako ditong teenagers man lang hindi puro matatandang Amiga ni Tita. Sana may dumating na sasagi sa akin sa karagatan ng boring na ito. Mapapanis na ang laway ko dito.

Ano na kayang ginagawa nina Andrea sa bahay? Siguro nandoon pa rin ang tatlong gwapong kaklase niya. Ang swerte talaga. Pwede kayang umuwi na ako para naman maging maganda ang araw ko.

“Ganyan ka na b aka bored dito? Bakit ka pa kasi pumunta dito?”

Parang kilala ko ang boses na iyon ah. Nilingon ko siya at tama nga ang hinala ko.

“Jhonniel!” tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap siya.

My god! Ilang taon ko na ri siyang hindi nakita. My childhood sweetheart.

“Ganyan mo ba ako na mis?” niyakap din niya ako ng mahigpit.

“Oo naman! Mis na mis ko na ang Jhonniel ko.” Kumalas ako sa yakap.

“Kumusta ka na my loving friend? Hindi ka pa rin nagbabago.” Naupo kami at ipinagpatuloy ang aming usapan.

“Ayos lang ako. Gosh! I can’t believe it. Kalian ka pa dumating?”

“Last week lang. Si Andrea sana ang isusurprise ko kasi sabi ni Mommy siya daw ang isinasama ni tita Quennie sa mga lakad nito pero ako pala ang masusurprise dahil ikaw ang nakita ko.”

“Ganoon? Si Andrea ang gusto mong makita at hindi ako?” kunwari malungkot ako. Hehehe!

“Ito naman. Nagtampo kaagad. Siempre, mas gusto kitang makita.”

Inilahad ko ang kamay ko. “Nasaan ang pasalubong ko?”

Ngumiti siya. “Pasalubong?”

Bigla niya akong hinalikan sa lips. Ano’ng ginagawa niya?

Andrea’s POV

Kanina pa kami nagsosolve dito. Mabuti na lang konti na lang ang dapat na sagutan pero inabot kami ng ilang oras ah.

“Pahinga muna tayo. Ang sakit nan g ulo ko eh.” –ako

“Salamat naman! Kanina pa ako naghihintay na may magsabi niyan.” –Renz

“Nasaan na kaya sina Mommy at Couz. Napasarap ata ang jamming nila ngayon.” 

Revenge turns to LOVE? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon